Chapter 9

10.8K 288 19
                                    

Chapter 9: Halloween Special - Preparation

                  LHISSANAH

Napangiwi na naman ako habang iniinda ang sakit na nararamdaman. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong ngumiwi ngayong araw. Medyo malalim ang pagkahiwa sa tagiliran ko. Dahilan kung bakit di ako makakilos ng maayos. Dalawang araw na ang nakalipas mula nung nangyaring Royal Rumble.

Supposedly, laban iyon ng grupo namin at ng Serpenté Gang--ang grupo na kinabibilangan ni Xenon. Since maganda ang mood ko nun, I decided to make a Royal Rumble instead. Para mabigyan ng chance yung mga gustong kumalaban sa amin.

Alam kong marumi lumaban si Xenon. Siya yung tipong hindi naniniwala sa salitang 'talo' . He would do everything-- kahit na labag sa rules, just to win. Nagkaharap na kami noon. Siya pa ang tinaguriang pinaka malakas. Ngunit nagbago iyon ng nakalaban niya kami. Na-overconfident yata kaya natalo. That's when his grudge started to rise. Sobrang hiya ang natanggap niya at ng kanyang grupo. At sa katotohanang mga babae kaming tatlo nila Yannah at Ophelia.

Kaya hindi na ako nagulat sa ginawa niya sa akin. Pero wala akong balak na gumanti. Wala ring mangyayari kung maggagantihan lang kami. I clearly understand his reasons.

"Tulungan na kita." Hinawakan ni Ophelia ang kanang braso ko at tinulungan ako pababa ng hagdan. "H'wag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya Queen." Malumanay niyang sabi.

"I'm okay Ophelia. Actually I'm feeling better." Pilit ang ngiting sabi ko. Mahina akong napadaing ng kumirot ito.

Humalakhak si Ophelia. "Halata nga. Parang maayos ka na nga eh. Sige mauna na ako." Akmang iiwan niya ako pero mabilis kong hinawakan ang buhok niya. Gusto kong magmura kasi ang sakit ng sugat ko. Dahil yata ito sa biglaang paggalaw ko.

"Array! Ang buhok ko!"

Binitiwan ko ang buhok niya. Tumingin siya saken at sinamaan ako ng tingin. "Dalawang oras kong inayos tong buhok ko tapos sisirain mo lang ng isang segundo?! Kaloka ka Queen."

"Alalayan mo nalang ako." Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan niya. Mula paa hanggang ulo.

"Tamang-tama, kasi mukha kang Alalay sa outfit mo ngayon."

Lumobo ang pisnge niya at pumula ang mukha. Suot niya kasi yung costume ng Red Velvet sa Dumb Dumb na music Video. Pero nakalugay yung buhok niya at medyo kulot sa dulo.

(An: proud Reveluv here!) Hihi

Inalalayan niya na ako pababa sa hagdan. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Bakit nga ba ganyan ang suot mo? May Concert ka?" Biro ko sakanya.

"Nag-cut class ka kasi nung in-announce yun. May Halloween Party sa University bukas. Lahat ng students ay dapat mag- participate sa event. At dapat lahat ay naka costume." Binatukan ko siya.

"Bukas pa pala! Ba't ganyan na suot mo? Excited masyado? Ganon?"

"Sumali kasi ako ng contest. Kung saan pipili sila ng pinakabongga ang itsura sa Halloween." Pumalakpak pa talaga siya. Taas din ng confidence ng bruhang to. Mas mataas pa yata sa height niya.

"Gaga! Eh Halloween party yung sasalihan mo! Ba't parang cosplay ang trip mo?!" Takang tinignan niya ako. Baliw! Kumunot ang noo niya at pinasadahan ng tingin ang sarili.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon