Chapter 47

3.9K 114 17
                                    

A/n: Lovess sorry sa mabagal kong mga updates💔 Pagpapaensyahan niyo na 'tong chap na'to. Hindi talaga ako marunong gumawa ng romantic scenes o kilig moments:<<

Chapter 47: Photoshoot

LHISSANAH'S POV

I get it now.

Si Athelia at Athena ay magkamukha talaga pero pag kilala mo silang dalawa, mahahalata mo ang difference ng features nila.

Si Athena ay medyo chubby ang pisnge na bumagay naman talaga sa kanya. Makapal ang kilay niya at cute pero matangos ang ilong. In short, anghel siya kung titignan.

Si Athelia naman ay pang model ang dating at aura. Manipis ang kilay niya matangos talaga ang ilong niya. In short, mataray at mukha siyang bitch.

Kami naman ni Lhiyanah ay fraternal. Mukha kaming magkapatid lang. Pero naroon parin naman ang hawig namin sa isa't isa. Mas kamukha ko si Athena na totoo naming Mommy at nakuha ko din sa kanya ang attitude ko.

Si Lhiyanah naman ay halata ang hawig niya kay Athelia. Maganda si Lhiyanah at madaming beses na siyang inoferan ng pagmomodel sa mga malalaking companies, na tinatanggihan niya.

Inilapag ko ang mga pictures nina Athena at Athelia noong kabataan nila. Ibiniga ito ni Daddy sa akin kanina bago siya umalis. Mukhang umalis narin si Athelia.

Naiilang akong tawagin silang 'tita' at 'mommy'.

"Kaya pala nagagalit si Tita Athelia palagi sayo kasi nakikita niya si Mommy sayo." manghang sabi ni Lhiyanah. Tinitignan din niya yung ibang pictures.

Umirap ako. "Obviously."

Pagkatapos umalis ni Athelia ay pinaalis din kami ni Daddy doon. Hindi daw kami pwedeng bigla nalang papasok dun hangga't hindi pa magaling si Athena.

Hindi ko parin maintindihan ang lahat ng nangyayari. Masyadong magulo. Sumasakit ang ulo ko kakaisip.

"So, si Athena talaga ang habol ng mga Collins? What the hell?" hindi makapaniwala si Ophelia.

Frustrated na nag-angat siya ng tingin sa akin.

Hinilot ko ang sentido ko dahil sumakit ito.

"Its almost time for your photoshoot Queen."  nilingon ko si Ophelia na nakatingin sa cellphone niya.

Kumunot ang noo ko. "What photoshoot?" tinaasan niya ako ng kilay.

Biglang humalakhak si Lhiyanah. Umismid siya sakin ng lingunin ko siya.

"Nasasaktan ako para kay Zack. Kinalimutan mo ang photoshoot niyo ngayon para sa kasal." kunyari malungkot niyang sabi.

What the fuck?

"Aray~ sa tingin ko inlove iyon sayo. He's always helping you in everything pero napaka manhid mo. Saan mo ba nilagay ang puso mo at wala kang nararamdaman?"

"Ano bang pinagsasabi mo dyan Yannah? Ikain mo lang yan, mukhang nababaliw ka na."

"Diba may date din kayo ng manliligaw mo Lhiyanah? Nakalimutan mo rin." kunot noong tumingin si Lhiyana kay Ophelia. Tumawa si Ophelia.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon