Chapter 19

7.4K 233 4
                                    

Chapter 19:  Totally Changed

LHIYANAH'S POV

Isang linggo naming hindi nakita si Lhissanah. Marami kasi siyang sessions for fast recovery at sabi ng doctor niya bago kami umalis sa Cebu ay hindi muna namin siya guguluhin dahil baka ikasama niya. Masyado pa siyang sensitive ngayon kaha kailangan mo na naming mag adjust.

Sa susunod na linggo pa dadating sina mom at dad dahil busy sila sa organisasyon.

Ipinalipat ni Dad si Ate Lhissanah dito sa Maynila para mas madali siyang gumaling. May private doctor kasing naka assign para sa amin at sa kanya lang ipinagkakatiwala ni Dad ang kalusugan namin.

Kaya ang nangyari pinauna nalang kaming bumalik sa Manila at ipagpaliban nalang daw namin ang participation sa Medical Mission. Yung mga hindi chismosa lang ang nagpaiwan sa Bohol at ang kalahati niyon ay sumama sa amin pauwi. Sinabi nilang natakot at nag-aalala ang mga magulang nila pero ang totoo ay hindi nila gustong tumulong.

Lunes na ngayon at pasukan na naman. Nung isang araw pa natapos ang Medical Mission kaya balik na sa dati ang X.U. ngayon. Kahit hindi pa pwede ay nag-insist si Lhissanah na pumasok sa University. Kahit hindi naman niya alam kung saan ito. Marami din siyang hindi alam na mga bagay-bagay. The typical person who has an amnesia. Kahit nakakainis na minsan ay natutuwa parin ako kasi hindi siya yung Lhissanah na cold at snob dati. Naging maarte, maldita at curious na tao na siya ngayon.

And I can say that she's Totally changed now.

Nakita niya ang uniform niya sa kwarto na naka display sa isang mannequin. Syempre naintriga siya kaya nagtanong na naman siya sa akin kaya ayun, nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pag-aaral. Namangha siya sa mga nasabi ko at aksidente kong nabanggit na pasukan na bukas. Kinulit niya ako na sasama siya sa akin. Nangako naman siya na hindi siya gagawa ng kalokohan.

Dahil sa tatlong araw na nakasama ko siya, masasabi kong madami na siyang nagawang kalokohan na nakapag istress sa akin. Mas nagmumuka pa akong ate kaysa sa kanya.

"Ang tagal mo Lhiyanah ah! Ngayon nga lang ako makakalabas ng bahay, konting bilis naman." naging maarte na siya. I gave her an apologetic look.

"I'm sorry. Hindi lang ako sanay na ikaw ang naghihintay sa akin. Kadalasan kasi ay ako ang naghihintay sayo." ngumiti ako. Blangko naman siyang tumingin sa akin.

Kahit pa hindi niya naaalala ang lahat. May mga bagay at gawi paring nagagawa niya ng hindi niya namamalayan. At iyon ang kadalasang ginagawa ng dating Lhissanah. Katulad ng biglang pag blangko ng expression niya. Yung mga table manners at ang reflexes niya. Nakakagawa siya ng mga bagay na ikinapagtataka niya. Mga bagay na hindi niya naiintindihan. Na para bang kusang gumagalaw ang katawan niya at hindi aware ang pag-iisip niya. In other words...

Utak lang niya ang nagka amnesia, at hindi ang katawan niya..

"Ah ganun ba? Alam kong naikwento mo na sa akin na kabaliktaran ng ugali ko yung dating ako pero sana naman ay maintindihan niyo ako. Dahil ako mismo ay walang alam sa mga pinaggagawa ko. Kaya sana ay makapagtimpi ka at pagpasensyahan mo ang mga ipinapakita kong ugali." dahan-dahan at malumanay na sabi niya. Naramdaman ko ang sinseredad niya pero nananatili paring blangko ang mukha niya.

Wala sa sarili ko siyang niyakap at kumalas din agad. Masasabi ko talagang mamimiss ko ang ugali niyang 'to. Dahil ni minsan ay hindi nakiusap ng ganito si Lhissanah sa akin, kahit na alam kong concern siya sa akin. Napapansin ko rin naman ang pag-iwas niyang maging malambing sa akin. Kaya para sa akin ay may maganda namang naidulot sa amin ang pagka amnesia niya.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon