Chapter 3

15.4K 393 10
                                    

Chapter 3: The Queen


Kahit matagal na nung huli akong napaaway, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga galaw. Although medyo namamanhid ang katawan ko kasi bigla nalang akong nakipaglaban ulit.


I'm known as a Queen anyway.


Akala ko magso-sorry na sila sa isang suntok lang. Pero tangina! Lumaban pa talaga. I kneeled the man who grabbed my hair. Suntukan to hindi hilahan ng buhok. Tsk! Sinikmuraan ko naman yung isa na akmang hahampasin ako ng tray. Sinipa ko sa mukha ang pangatlong lalaki. Doon ko lang na realize na naka heels pala ako. Kaya ang resulta, dumugo yung ilong niya.

May tumili sa kung saan. Dun ko lang napansin na pinalibutan na kami ng mga students. Hinanap ng paningin ko si Yannah. And there I saw her eating peacefully in one corner. The nerve!

Nabalik sa tatlong lalaki ang atensyon ko ng nasuntok ako sa tagiliran. Napangiwi ako sa sakit. Bago pa man ako maka suntok pabalik ay dumating na ang mga guards at ilang teachers.

"What's happening?!"

Napairap ako sa aking isip. Humila ako ng upuan at umupo dun. I stared blankly at those three punks. All I can see is blood. Tsk! Hindi parin humupa ang mga taong nakiki chismis.

Nagugutom na ako!

Napatingin ako sa skirt ko ng maramdaman ang lamig nito. I almost forgot. Ito nga pala ang dahilan kung bakit ako nakipag suntukan.

"Mr. Perez, Mayo and Mr Erton! Call your parents and go to the Headmistress' office." Sumulyap sa akin iyong prof na nagsalita. "You too Ms. Lhissanah." I raised a brow. Hindi na rin umimik yung prof. Nagsialisan na sila at ganun din ang mga students na nakikinig kanina. Inalalayan nung apat na guards iyong mga nakalaban ko. Hindi nakatakas sa akin ang matatalim nilang tingin.

Gusto yata ng round two. Psh.

Tamad akong umupo sa table nila Yannah. Kinuha ko ang burger na isusubo na sana niya.

"Yah! Akin yan. Umorder ka ng sayo. Kaloka to." Hindi ako nakinig sa mga sermon niya. Bakit hindi nalang siya ang umorder ulit. Dami pang sinasabi eh alam naman niya ang solusyon. Tanga lang.

"So ano na Lhissanah? Tatawagan mo ba si Mama?" Ngumiti si Yannah ng nakakaloka.

"Hell no! I can deal with the parents. And I'm sure na hindi nila ako kayang kalabanin." Sumilay sa aking labi ang isang ngiti. Nagkibit balikat si Yannah at humalukipkip.

Minutes pass at pinatawag na ako sa office. Pinauna ko na si Yannah sa classroom. And of course sabay silang umalis ni Harold.

Pagdating ko sa HM ay ako palang ang nandun. Sinulyapan ko si Ms. Merton. Ang Headmistress. Alam kong kilala niya ako base sa actions niya.  Hindi nga siya makatingin sa akin ng diretso.

Na divert ang atensyon ko sa pintuan ng kumalabog ito kasabay ng pagpasok ng tatlong lalaki kasama ang kanilang magulang.

"Sino ang naglakas ng loob na bugbugin ang tagapagmana ng Erton Enterprises? The nerve of that person!" Ani ng isang babae.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now