Chapter 26

6.9K 194 25
                                    

Chapter 26: Missing

LHIYANAH'S POV

Nang lumabas si Lhissanah ay ilang segundo pa akong natulal bago ko na realize ang mga sinabi ko.

"Oh My God!"

Naibulalas ko at dali-daling lumabas para sundan si Lhissanah. Naramdaman ko rin ang pagsunod nila sa akin. Pagdating ko sa labas ay wala na siya.

Luminga-linga ako pero wala ni is ang naglalakad sa daan.

Bumagsak ang mga balikat ko at nagbaba ako ng tingin. Hindi pa masyadong nag-si-sink in sa utak ko ang lahat ng nangyari.

Hindi ko rin alam kung bakit ako umasta ng ganun. Siguro naawa lang ako kay Zack dahil sa sinapit niya.

Gusto lang naman talaga niyang makatulong. Nakiusap siya sa akin na tutulungan niya si Lhissanah na makaalala. At dahil sa kagustuhan kong makaalala na si Lhissanah ay pumayag ako.

Akala ko ay mapapadali na ang lahat. Pero kabaliktaran ang nangyari. I was shocked when Lhissanah punched him in the face.

Ofcourse lahat kami ay nagulat sa ginawa ni Ate.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago nagpaalam sina Zackary na uuwi na.

"Tatawag na lang kami kung makikita namin siya sa daan." sabi ni Zack. Tumango ako.

"Aalis na kami. Sabihan niyo kami kung sakaling uuwi siya dito ha?!" sabi din ni Calix.

Tinanguan lang kami ni Cedric dahil may kausap siya sa telepono. Nang makaalis na sila ay hinarap kaagad ako ni Ophelia.

"You act so immature Lhiyanah." diretso niyang sabi sa akin. Napaiwas ako ng tingin.

"I didn't mean it okay? Nabigla lang ako and what I said earlier came out of nowhere."

"Sa simula pa lang ay alam mo na-na wala siya sa mood. Alam natin ang mga kilos niya pag iritado siya Lhiyanah."

"I know. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi yon."

Matinding katahimikan ang bumalot sa amin.

"Tell me.." nag-angat ako ng tingin sa kanya ng hindi niya tinuloy ang kanyang sasabihin. "May gusto ka ba kay Zackary?"

I got caught offguard. Hindi ko inasahan ang tanong niyang iyon. Hindi kaagad ako nakasagot. Gusto kong magsalita pero hindi ako makahanap ng tamang salita.

"W-Whatt?!"

Sarkastiko siyang humalakhak.

"What are you gonna do now?" natigilan ako sa tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Nawala si Queen! She's not yet okay, remember? At may mga nakakaalam na sa identity niya. Delikado siya ngayon!"

"What?! Bakit hindi mo sinabi?"

"Ngayon ko lang din naman nalaman. May mga nag-iimbestiga at sumusunod sa kanya ng palihim. But thanks to her amnesia nagdadalawang isip pa sila."

"Teka-teka! Paano ka--"

"Kaya ako palaging umaalis dahil sa mga ganitong bagay. And I was dissapointed dahil akala ko inaalagaan mo si Queen..."

Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Ophelia.

"So you are blaming me? Its not my fault why she got that stupid amnesia!"

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now