Chapter 21

7.2K 211 5
                                    

Chapter 21

LHIYANNAH'S POV

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko agad ang uniporme at nag-ayos sa sarili. Kung bakit naman kasi napaka early bird na ni Lhissanah ngayon! At may mood swings pa!

"LHIYYANAH!!! Ano ba?! Male-late na tayo!"

"Hoy gaga! Tumahimik ka nga!! Alas singko pa lang ng umaga! Alas otso pa ang klase natin!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Biruin niyo yun sa laki ng mansyion na ito, narinig ko pa rin ang boses niya galing sa Dining Hall.

Kahit hindi pa ako nagsusuklay ay nagmadali akong kunin ang bag ko at lumabas. Habang naglalakad ako sa tahimik na hallway ay biglang tumunog ang cellphone ko.

~PRINCETON CALLING~

"Oh?"

"I need to know everything." tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Zack.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Pumunta ka sa bahay ni Elleishia kung gusto mo pa siyang makitang buhay."

"Don't you dare threaten them Zackary. They won't fall for it." humigpit ang hawak ko sa cellphone ng marinig ang boses ni Elleishia.

"Ganon ka ba ka desperadong malaman ang lahat? Why don't you make an effort knowing the truth and not threatening people who knows it? Kung talagang magaling ka, malalaman mo. Pero kung tanga ka, kasalanan mo na yan."

"I know it already. What I need is to CONFIRM if it was right. Hindi ko naman matanong si Lhissanah dahil may amnesia nga. At kung wala man, I'm sure na hindi rin niya sasabihin. Masyado ding matigas tong si Elleishia at handang ialay ang buhay niya h'wag lang masabi ang sekreto niyo."

"Fuck you Zack. Why are you so desperate? Ano namang mapapala mo kapag malaman mo ang tungkol kay Lhissanah?"

"I don't know. Maybe its a step closer to my future bride." bigla yatang umalis ang kaluluwa ko sa katawan ko.

"Wtf? Ano bang nahithit mo at mukhang na overdose ka ata? May gusto ka lang pala kay ate eh tinakot mo pa ako." inis akong bumuntong hininga.

"I'm just kidding. Pumunta ka dito at sasabihin ko sayo ang rason. Magmadali ka kung ayaw mong pasabugin ko ang sinasakyang eroplano ni Ophelia ngayon."

"Tsk! Devil Biatch." ibinaba ko ang linya at dumiretso sa dining hall. Naabutan ko si ate na kumakain ng iba't ibang uri ng cakes. The hell?

"Uhm, Lhissanah hindi nga pala ako papasok ngayon. Something came up." more like 'someone' tss. Nag angat siya ng tingin sa akin.

"Pinaghintay mo ako ng kalahating oras tapos sasabihin mong hindi ka pala papasok? Niloloko mo ba ako?!"

"Eh hindi ko rin naman inexpect. Biglaan eh at importante iyon."

"Ganun ba yun ka importante at hindi mo pwedeng sabihin sa akin?" biglang nanlambot anv kamay ko sa tono ng pananalita niya. Alam kong hindi niya pa naaalala ang lahat but I'm sure that she has knowledge about whats happening around her.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "I can't. Baka kasi sumakit na naman ang ulo mo kapag narinig mo. Its somewhat related to your past kasi. I'm sorry. Ipapahatid nalang kita kay Demeter okay? Babawi ako sayo mamaya." nginitian ko siya. Bahagya siyang tumango.

"Okay. So I guess I'll go now."

Tinanaw ko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Naglakabay ang isip ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako kay Zack. I don't know if he's a friend or something. There's a possibility na may kinalaman ito sa GW. He's the leader of SSG anyway.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin