Chapter 24

6.7K 206 23
                                    

Chapter 24: Fight

LHISSANAH'S POV

"Ano ba kasing nangyari? Bakit nagka ganun." palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Calix.

Nakakairita din 'tong si Lhiyanah minsan eh. Nakikita naman niya na may dugo ang damit ko, inuna pa talaga niya Angeles pagsermon sa amin.

"Don't look at me. Malay ko rin. Hello?! Amnesia girl here!" sarkastic kong sabi.

"They're after me." napalingon ako kay Calix at seryoso ang mukha niya. "Matagal na silang naiinis sa amin dahil hanggang pangalawa lang sila sa G.A."

Nagkatinginan silang tatlo nina Zackary at Cedric.

"Alam kong alam niyo kung ano kami kaya hindi na ako nagdalawang isip sa sinabi ko. Ang importante ngayon ay ang kaligtasan ni Lhissanah. Nakita nila siya at baka gamitin siya laban sa amin." sabi niya. Hindi man lang nag-abalang tumingin sa akin.

Bumaba ang mata ko sa hawak ko pa ring sapatos kaya naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Nag-angat ako ng tingin kay Lhiyanah para sana itanong sa kanya. Bago pa man ako makapag-salita ay binigyan niya ako ng makahulugang tingin kaya nanahimik na lang ako.

Nang umalis na sila ay hindi man lang ako pinansin ni Elleishia. Nakakunot ang noo niya na para bang may iniisip siyang importante. Si Harold naman ay sumusulyap lang sa akin at nag-iiwas din ng tingin kapag nahuhuli ko.

Teka, bakit nga ba kompleto sila dito ngayon?

Imbes na magtanong ay nanahimik ako.

"We'll go home now. Mag-iimbestiga kami kung ano ang kailangan nila."

"Hhmm."

Nagsi-uwian na sila. Pinaaalahanan ako ni Elleishia na kaming dalawa ang magkasama bukas. Tumango ako sa kanya.

Nang kami tatlo na lang ay hinarap ko kaagad sila.

"Ganito ba talaga ang mga sapatos ko?" tumingin sila sa sapatos na pinakita ko. May dugo pa iyon.

Bumuntong hininga si Lhiyanah.

"Halos lahat ng mga gamit mo ay equipped with different kinds of weapons. Mula sa hairpin papunta sa sapatos. You invented it in case of emergency. Sabi mo ay hindi sa lahat ng pagkakataon ay may dala tayong patalim."

Hindi ako sumagot.

"Dark Orthodox..." mahinang sambit ni Ophelia.

"So nagbabalik sila."

ฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯ

Maaga akong sinundo ni Elleishia kinabukasan. Sinabi niya sa akin na hindi kami gagawa ng mga outdoor activities.

Kaya nagpadisesyonan niya na ipakita sa akin ang mga nirecord niya sa training grounds ng Mafia.

Malaki ang bahay ni Elleishia pero halata na mag-isa lang siya. Wala akong nakikitang maski isang tao o katulong man lang.

Habang naglalakad kami papasok sa bahay niya ay nag-vibrate ang phone ko. Tinignan ko ito.

Fr: Baklang Princeton</3

Hi Good Morning! I hope you slept well. I'm sorry about what happened yesterday.

Hindi ako sigurado kung magre-reply ba ako o ide-dedma lang ang text message niya. Hindi ko namalayan ang paglapit ni Elleishia sa akin.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now