Chapter 22

7.5K 216 10
                                    

Chapter 22: Remembering


LHIYANAH'S POV

"She's okay. Unti-unti nang bumabalik sa kanya ang mga alala niya. What happened to her is common to those who have temporary amnesia, also normal lang sa mga kagaya niya ang madalas na pagkahimatay at pagsakit ng ulo."

"Thank you Doc."

Tumango siya. "You're welcome. Anything for the Xi family." yumuko siya sa amin bago lumabas sa kwarto ni Lhissanah.

Tinitigan ko ang maamong mukha ng kapatid ko. Ang bait niyang tignan kapag natutulog. Aakalain mong isang siyang anghel sa itsura niya. Pero ang totoo ay mas malala pa siya sa demonyo. She can be ruthless, she's heartless.

"Ano na ang plano?" hindi ko na kailangang lingunin pa siya dahil alam ko na kung sino ito.

Sumulyap ako sa gilid ng mata ko. "We'll make her remember. Bago pa man magkagulo sa GW. Tutulong si Zackary sa plano, at alam kong tutulong din ang mga ka grupo niya. I don't know if Zack sick or what pero sabi niya ay gusto niya si Queen."

"So? What if he really likes Queen?" nangunot ang noo niya.

Nagkibit-balikat ako. "It can be the reason of his downfall. Pero hindi rin ako sigurado kung totoo ba talaga yung nararamdaman niya. Baka excuse lang niya yun para may makuhang impormasyon. Dahil sa loob ng GW, magka-away ang lahat."

"Ano na ang gagawin natin. Mamayang gabi na uuwi sina Tita at tayo ang susundo sa kanila." sabi ni Ophelia. Inayos ko ang kumot ni Ate at humarap kay Ophelia.

"Kung ganun ay mamaya nalang natin pag-usapan ang lahat. Nang sa gayon ay isang beses lang ang diskusyon. Sabihan mo sina Elleishia at Harold, pati na rin ang SSG (grupo nila Zack)." tumango lang siya sa sinabi ko. Nabaling ang atensyon ko kay Ate Lhissanah nang gumalaw siya.

LHISSANAH'S POV

Pagmulat ko sa mga mata ko ay pagmumukha ni Yannah at Ophelia ang bumungad sa akin.

Umupo ako sa kama at napahawak sa ulo ko ng bigla itong kumirot. "Okay ka lang Queen?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanila.

"I'm fine. Anong nangyari?"

"You passed out. Sabi ng doctor ay normal lang iyon dahil sa kalagayan mo." hindi ako umimik. "Uhm....may naaalala ka na ba? Anything?"

"Not much. Pero this past few days ay naaninag ko na ang mga blurred images na nakikita ko dati. And I can say, I have a bloody childhood!" namamangha kong sabi. Pinilit kong huwag magtunog satkastiko.

Humalakhak sila. "Buti naman at kahit papaano ay meron ka ng naaalala, you need to get better quickly marami ang naghihintay sayong..........problema.." tumawa si Ophelia kaya mahina siyang sinapak ni Lhiyanah.

"Ano ka ba Lia! Baka isipin niya yan!"

Tumikhim si Ophelia. "I'm sorry."

"Ano pala yung pinag-uusapan niya kanina? Masyado kasi kayong seryoso kaya curious ako." nagkatinginan silang dalawa at si Yannah ang unang tumingin sa akin.

I actually heard everything. Gusto ko lang subukan ang loyalty nila. I know that they have been hiding a lot of things from me simula nung magka amnesia ako. Although they made it clear na para iyon sa ikabubuti ko.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now