Chapter 40

5.2K 125 6
                                    

A/n: Malapit nang matapos itong TGG!

Chapter 40: Parking Lot

LHISSANAH'S POV

Hindi na kami nagtagal ni Lhiyanah sa Gangster Arena. As expected, hinamon kami nila Shannah ng laban. Syempre tuwang-tuwa si Lhiyanah dahil matagal na nung huling laban namin sa kanila ni Shannah.

Masyado nang maingay ang crowd, naiirita ako.

"Ano na, Lhissanah? Afraid to fight me?" nakangising tanong ni Shannah. Napaismid ako.

"Hindi kasi ako pumapatol ng traydor. Nakakadiri." naglaho ang matamis niyang ngisi. Parang na offend siya sa sinabi ko.

"Tsk! Just admit it, I am much stronger than you." pati ba naman dito sa Gangster Arena nagtataray siya?

"Okay. Libreng mag-assume." napatanga siya. Bago pa siya makasagot at nagsalita ulit ako. "I'm busy, and I don't have time to play with you."

Tumalikod ko at naglakad palabas. "Next time na lang." malakas na sabi ni Lhiyanah at bumungisngis pa.

Mabilis akong naglakad palabas at nagtungo sa parking lot. Tahimik na nakasunod sa akin si Lhiyanah.

"Is there a problem Queen?" hindi ko siya sinagot. Ibilibot ko ang mga mata ko sa buong parking lot. Katamtaman lamang ang liwanag sa mga maliliit na light bulbs at malayo ito sa isa't isa.

"I've been craving for a fight at ngayon na yung babae na yun ang mismong lumapit, why no--" bahagya siyang natigilan.

I know she sensed it too.  I can feel their presence. Pamilyar sa akin ang isa sa kanila.

Sinenyasan ko si Lhiyanah na magpatuloy sa paglalakad papunta sa motor namin. Hindi ko alam kung saan sila banda pero habang papalapit kami sa naka park naming motor, lumalakas ang pakiramdam ko na malapit lang sila.

Nagkatinginan kami ni Lhiyanah, tinanguan ko kaya nauna akong lumapit sa motor ko.

Dalawang hakbang pa ang ginawa ko bago ako makarinig ng putok. Umalingawngaw iyon sa buong Parking lot dahil masyado ding tahimik rito.

Bigla nagpatay sindi ang mga ilaw kaya naging alerto ako. Tinatabingi ko ang aking ulo para makiramdam sa buong paligid.

Mabagal kong pinaglakbay ang kamay ko sa gilid ng hita ko. Kung saan ko nilagay ang paborito kong dagger. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga ilaw.

Tsk! Ito na ba? Makakaharap ko na ba ang isa o dalawa sa mga kalaban? Base from their kind of attack, mas pinili nila yung madilim para hindi sila makita.

Or I'm just assuming.

May biglang umatake sa likuran ko. Mabilis akong humakbang para hindi niya ako matamaan. Pilit Kong inaaninag ang itsura niya habang umaatake siya sa akin.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu