Chapter 20

7.6K 223 5
                                    

Chapter 20: Fun day

LHISSANAH'S POV

Mag-isa lang ako ngayong naglalakad sa daan papunta sa University. Aabsent ngayon si Lhiyanah kasi may gagawin daw siya. Hindi naman niya sinabi sa akin kung ano. Hindi narin ako nagpahatid kay Demeter dahil gusto ko ring makapag exercise.

Akala ko malapit lang yung University pero malayo pa pala! Tsk! Mukhang may male-late ngayong umaga ah?

5 minutes nalang bago mag bell. Pero hindi parin ako nakaka kalahati sa paglalakad. 'Nu ba yan. Baka peke tong GPS ko! Lumingon ako sa likuran ko. Naaaninag ko pa rin ang mansyon namin! Halos kalahating oras na akong naglalakad pero ang lapit ko pa rin pala sa bahay.

Ganun ako kabagal maglakad!

Nakabusangot ang mukha ko habang nagpatuloy sa paglalakad. Napahawak ako sa isang poste nang bigla akong nahilo. Napapikit ako at naihawak ko sa ulo ko ang isang kamay ko. May nakita ako mga blurred images. Yubg itsura ko lang ang nakikita ko at blurred na yung kasama at kausap ko.

20 seconds lang yata ang itinagal nun. Umiling ako at inayos ang sarili. Nakaka experience ako ng migraine 5 times a day or more. Kapag may nagsabi sa akin ng mga memories sa past ko nahihilo agad ako.

Weird yung feeling sa tuwing nangyayari 'yon. Parang pilit na ipinapasok ang mga memorya na hindi nagkakasya. Kumbaga, para siyang grocery bag na overload at kapag pinilit mo pang lagyan ng isang product ay sasabog na ito.

8:30 na ng matanaw ko ang gate ng X.U. naligaw din kasi ako dahil nag log yung GPS. Imbes na pumasok ay umupo ako sa nakita kong silya. Ngayon ko lang napansin ang mga street vendors na nakahilera isang kilometro sa X.U.

Madami ding mga humihinto at bumibili dahil sa iba't ibang klase ng mga weird na pagkain. Nakatunganga lang ako sa kanila na halatang nag-eenjoy sila.

"Gusto mong tikman ito Ineng?" napatingin ako sa matanda na nasa harap ko ngayon. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang stick na may naka tuhog.

Halos magda-dalawang linggo narin simula nung maaksidente ako. Pero hindi naman ako bobo para hindi agad malaman ang ganitong bagay. Isa yon sa mga naikwento sa akin ng doctor ko sa session namin.

Sasagutin ko na sana siya pero may isang lalaking sumingit.

"Hindi siya kumakain ng ganyan manang." sabi niya dun sa matanda. Lumungkot ang mukha ni lola at binalik niya yung pagkain sa isang plato.

Nangunot ang noo ko at taas kilay na tinignan yung lalaki. Nakangiti siya sa akin.

"What is wrong with you?! You should've appreciated her offer kahit na tinanggihan mo!"

"Woah! Is that really you Lhissanah? O baka triplets talaga kayo?"

"What are you talking about? Sino ka ba?" nagtaka siyang tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Ilang segundo pa kaming nagtitigan.

"Ilang araw lang tayong hindi nagkita, hindi mo na ako kilala? Seriously Lhissanah? Are you for real?" gusto kong isipin na baka baliw siya o napagkakamalan niya siguro ako sa ibang tao.

'O baka naman close talaga kami bago pa ako maaksidente?!'

"Zyle! Kanina pa kita hinahana-- Lhissanah?"

Napatingin ako sa bagong dating na lalaki. Nangunot ang noo ko dahil napaka pamilyar ng mukha niya. Isa yata siya sa mga kaibigan namin. Nilingon naman siya nung lalaking kumausap sa akin. So Zyle pala ang pangalan niya.

"Mukhang hindi yata ako nakikilala ng kaibigan mo Harold. "

"Hindi talaga." humalakhak iyong Harold at kumunot naman ang noo ni Zyle. "Hindi ba nakarating sayo ang balita tungkol sa nangyari sa kanya sa Medical mission? Someone attacked and pushed her in the cliff causing her a temporary amnesia."

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now