Chapter 18

7.8K 225 26
                                    

Chapter 18: Forgotten

LHIYANAH'S POV

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang nakatingin sa katawan ni ate ngayon na pinagkakaguluhan ng mga doktor. Dinala namin siya sa Cebu para magkaroon agad ng operasyon na kung saan kompleto ang gamit at siguradong maaagapan agad ang mga fractured bones niya.

I insist to bring her here kahit hindi pa dapat siya pwedeng ibyahe. My purpose is that so she will be okay. Ilang minuto pa namin siyang tinignan doon sa mga matutulis na bato habang nakahilata siya. Sabi kasi nung head na bawal siyang galawin without the medical team. May chance kasing lumala yung kalagayan niya. Baka imbes na fractured lang ay baka dislocate ang mga buto niya.

Halos hindi na ako makahinga habang tinititigan siya. Simula nang bata kami, we both hate hospitals. Ngayon, mag-isa kong lalabanan ang takot na ito. Dahil sa pagkakataong ito siya na ang inaantay kong lumabas sa OR.

May biglang humawak sa braso ko. Kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong si Ophelia iyon. "Magiging okay din siya Yanah. Mas malala pa nga dito yung mga sinapit ni Queen eh." pilit akong ngumiti. Ibinalik ko ang tingin kay ate. Pero bago ko pa man tuluyang maaninag yung ginagawa nila sa loob ay may humarang sa harapan.

"Stop looking at your sister. Kumalma ka muna. She's gonna be okay. Kumain nalang muna tayo. Huh?" ayaw ko pa sana nung una pero napilit din ako ni Calix. Inalalayan naman ako ni Ophelia habang naglalakad. Silang dalawa lang ang nag-uusap at tumatango lang ako kapag kinakausap nila ako.

Pagkarating namin sa Cafeteria ng hospital ay nandun na ang iba pa naming kasama. Sina Elleishia, Zackary, Cedric, Harold and Shannah.

Kahit malayo palang kami ay nararamdaman ko na ang tensyon sa pagitan nila. Nakayuko lang habang kumakain si Elleishia habang panay sulyap naman si Zack sa kanya. At napapansin narin yun ng mga kasamahan namin.

Oo nga pala. Kanina pa tinatanong ni Zack kung bakit tinawag ni Elleishia si Ate ng 'Queen'. Hindi nakasagot si Elleishia. Naiintindihan naman namin kung bakit iyon nasabi ni Elleishia. Pero alam kong magagalit si Ate Lhissanah kapag nakarating ito sa kanya.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang hindi mapatulala. Nararamdaman ko rin naman na nagkaka-ilangan sila. Walang may gustong magsalita. Parepareho lang sila. Nakikiramdam.

"H'wag na kayong masyadong mag-alala. Dapat maging possitive tayo sa sitwasyon na 'to imbes na magluksa. Buhay pa naman si Lhissanah. At Sigurado iyon." sabi ni Ophelia. Nadapo ang paningin ko sa gawi nina Cedric.

Hindi ko maipaliwanag ang reaksyon ng mukha niya ngayon. Si Harold naman ay blangko ang ekspresyon. Si Shannah naman ay parang natuwa pa. Sabagay, karibal naman ang turing niya kay Ate dahil kay Zack.

Kahit hindi siya nagsasabi, nararamdaman ko ang pagkagusto niya kay Zack. Kahit hindi siya showy sa feelings niya, napapansin ko iyon sa paraan ng pagtitig niya kay Zack.

Pero kahit ni minsan, hindi pa siya napapansin ni Zack. Dahil atensyon naman ni Zack ay naka focus lang kay Ate.........na never din siyang napansin. Ang gulo nila no?

Love triangle na pare-parehong mga torpe.

Matapos naming kumain ay sabay sabay na kaming bumalik sa itaas. Pero bago pa man kami makarating sa mismong OR ay sinalubong kami ng isa sa mga doctor ni ate.

"Ms. Xi?"

"Y-Yes. Ako po iyon." nanginig ang kamay ko habang papalapit sa kanya. Dahan-dahan namang sumunod ang mga kaibigan namin.

"Ano pong nangyari doc?"

"Is she okay?" sunod-sunod nilang tanong. Bumuntong hininga iyong doktor na siyang ikinabahala ko. Sheeet this isn't happening right? I'm just dreaming right now.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Onde histórias criam vida. Descubra agora