Chapter 41

5K 139 11
                                    

A/n: This chap is dedicated to christyviray9 and dhaidhai14

Chapter 41: Lhissanah and Zackary


LHISSANAH'S POV

Tahimik akong nakaupo habang nasa kanila ang atensyon ko. Halatang pinipilit nilang mawala ang tensyon sa pagitan naming lahat kaya kung ano-ano ang pinag-uusapan nila.

Alam kong naiilang sila sa akin dahil panay ang sulyap ni Cedric, Calix at Ophelia sa akin. I appreciated Demeter's help earlier kaya inimbita ko siyang mag-dinner kasama namin.

Katabi ko si Demeter na siyang nasa pinakadulo at si Lhiyanah ay nasa gilid ko. Kasunod niya ay si Ophelia at nasa magkabilang dulo si Daddy at Tito Zeal. Kaharap ko si Zachary, magkaharap si Calix at Ophelia at ganon din si Cedric at Lhiyanah. May isang bakanteng upuan sa gilid ni Zackary.

"Hhmm, where's Athena? Hindi ko pa siya nakikita simula nung bumalik ako dito sa Canada." mahina akong tumikhim. Nilingon nila akong lahat pero hindi ko sila tinignan.

Ang mga mata ko ay nasa pagkain sa harap ko. Now that Tito Zeal mentioned my Mom, bumalik ulit sa akin ang mga pangyayari sa mansion. Tsk! Ano ba talaga ang meron dun?!

I've gota hunch pero hindi ako sigurado. Kung noon ay si Daddy ang pinagdududahan ko sa kung ano mang meron dun, ngayon ay pakiramdam ko na pati si Mommy.

Something's not right in the West Wing. I don't know what is it but I'm sure na may something talaga dun. Yung part na pinapagalitan ako ni Daddy kung mapadpad man ako dun, by accident or not.

Its also not possible for him to bring a mistress, bakit sa bahay? Makaka-afford siya ng condo or another mansion.

And si Mommy, palagi nalang siyang wala sa bahay. Tanggap ko na na noon pa man ay hindi talaga kami close, she would scold me for everything. Kulang nalang pati ang magkabuhay ko dito sa mundo ay kasalanan ko rin.

Minsan nga naiisip ko na ampon lang ako pero halata naman sa features ni Mommy na medyo magkahawig kami. Pinapagalitan din naman niya si Lhiyanah pero masasabi ko na mas pabor talaga siya sa kambal ko.

Hindi ko alam kung anong meron sa amin ni Lhiyanah dahil kapag nakikita niya kami ay parang nagagalit siya. Though we didn't mind about it kasi hindi kami ordinaryong mga bata na nagbabahay-bahayan kasama ang Mommy.

We spend our entire life training.

"Ah, Athena....she's been busy with the clan." sagot ni Daddy.

The dinner went smoothly. Puro tungkol sa business and underground topics ang pinag-uusapan. Tinatanong nila ako paminsan-minsan at sinasagot ko naman ito.

"I wonder if they already knew.."  nag-angat ako ng tingin ni Tito Zeal. Nakatingin siya sa akin at kay Lhiyanah.

Magtatanong sana ako sa kanya pero nilipat niya kay Daddy ang tingin. "About what?"

"About the Clan's secret.." napantig ang tenga ko. Mabilis kong nilingon si Dad pero wala nang expression ang mukha niya.

Anong ibig sabihin ni Tito? Ito ba ang nasa west wing ng bahay? Anong sekreto?

"What secret?" naguguluhang tanong ni Lhiyanah. Napako ang paningin ko sa pagkain na nasa harap ko.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now