Chapter 51

2.8K 75 6
                                    

Chapter 51: An apology

LHIYANAH'S POV

"Sa tingin mo Lhiyanah bakit sa lahat ng magagandang lugar, eh sa Black Forest yung napili ni Queen?" napatingin ako kay Ophelia dahil sa tanong niya. Hininto naein niya yung ginagawa niya para lang antayin yung sagot ko.

Lumipat ang tingin ko kina Cedric at Calix na natigilan din at nakatingin sa amin.

Binalik ko kay Ophelia ang tingin ko at nagkibit balikat. "I don't really know. My sister always has this great admiration to nature."

Tumango-tango siya.

"Nasabi rin kasi sa amin ni Zack na nung dinala niya raw si Queen sa gubat na hinanda niya ay namangha daw siya. To the point na sinabi niyang gusto niya ng forest wedding." matagal akong napatitig kay Cedric. "Ang pinagtataka ko lang ay bakit sa Black Forest pa? Madami namang magagandang Forest dito sa Canada."

Oo nga naman. Is there any special reason why she chose Black Forest? Hindi naman kasi niya sinabi sa akin kahapon kung bakit doon. Tsk, hindi ko rin naman kasi siya tinanong eh! Tatanong ko nalang siya mamaya.

Its already 10:00 AM in the morning at kanina lang dumating dito sa bahay sina Cedric at Calix. Tinulungan kasi nila kami ni Ophelia na maghanda para mamaya. Kami-kami lang rin naman ang magce-celebrate kaya hindi masyadong bongga. Atsaka parang relax time narin yun kasi matagal pa bago kami makarelax ulit dahil pagkatapos nito ay tutulong kami sa paghahanda para sa War.

And I know that its not just a simple war between three Clans. Alam kong makikisali ang ibang Clan at gangsters-or more like pipilitin nila.

"Calix paki gising nga si Lhissanah." aangal na sana siya kaso sinamaan siya ng tingin ni Ophelia kaya wala rin siyang nagawa. "And you Cedric, pakitawagan yung boss niyo. Magtatanghali na!" utos ko kay Cedric na agad niyanv sinunod.

"Psh! Alam niyo naman na medyo takot pa ako kay Lhissanah. At nakakatakot gisingin ang isang reyna! Baka batuhin ako ng espada!" kahit medyo malayo ay dinig ko ang reklamo niya.

"Nababakla Calix!?" mahina akong natawa dahil sa sinabi ni Ophelia. Narinig ko ang mahinang mura ni Calix.

"Kumusta na kayo ni Calix?" tanong ko kay Ophelia. Tumigil siya sa paglalagay ng table napkins sa gilid ng pinggan.

Sa likod ng bahay kasi namin napagdesisyunan na kumain since marami ring puno na nakapalibot dito. Kailangan ko ng fresh air kahit ngayon lang!

"We're good."

"Kailan mo siya balak sagutin?" pinanlakihan niya ako ng mata kaya natawa ako. Lumingon pa siya sa paligid na parang may nakarinig non.

Ipinagpatuloy niya ang pagfo-fold ng table napkin. "I don't really know Lhiyanah. Siguro pagkatapos na ng gulo? Kung mananalo tayo." malungkot siyang ngumiti. "Nakaka-guilty kayang mag focus sa relationship habang may nangyayaring gulo sa Clan. Malaki narin ang utang na loob ko sa mga Xi lalo na kay Tito Alexander at kay Queen. Ayoko ko namang mapahamak ang buong Clan dahil sa kapabayaan ko."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. "At naiintindihan naman yun ni Calix. Kino-consider din naman niya iyong reaponsibilities niya kay Zackary." kinilig ako sa sinabi niya.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now