Chapter 17

7.3K 220 7
                                    

Chapter 17: Medical Mission 3 (Final)

ZACKARY'S POV

Mahigit isang oras kaming naglilibot sa loob ng gubat. Laking pasalamat namin ng makita na namin ang hinahanap namin sa isang lawa. Nakatayo lang siya habang tinatanaw ang malinis na tubig na kumikinang dahil sa replekasyon ng bilog na buwan.

Ibinalik namin siya sa Camp. Kaliwa't kanan ang paghanga ng mga estudyante. Pinupuri nila ang bawat isa sa amin. Bahagya pa akong nagitla ng magkatinginan kami ng bata. Walang emosyong makikita sa kanyang mukha.

"May nakasunod sa kanya. Posibleng delikado na ang buhay niya ngayon. Kailangan mo siyang mahanap bago pa--" Hindi na niya natuloy ang sinabi niya nang mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan sa magkabilang balikat. Kumalabog ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nagulat at natigilan ang lahat.

"Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Kulang kayo ng isa." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Malaki ang naging epekto sa akin ang mga pinagsasabi niya. Iniisa-isa kong tignan ang mga kasama ko kanina na naghahanap sa kagubatan.

'SHIIIIITT!!'

"SI Ate Lhissanah!" Napatingin ako kay Elleishia ng bigla siyang sumigaw at napatakip sa kanyang bibig.

"What do you mean Elleshia?! Asan si Lhissanah?" Napakurap-kurap pa siya. Wala sa sariling nagpalinga-linga siya sa paligid. Bahagya pa siyang bumalik sa dinaanan namin kanina.

"May napansin kasi siyang k-kakaiba and she told me to go the other way kasi h-hindi siya sigurado kung nasaan yun. I hesitated at first but she looked annoyed. A-Ayokong magalit siya sa akin kaya sinunod ko siya." Napayuko siya ay humina ang kanyang boses.

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang naramdaman ngayon habang naka tingin sa madilim na kagibatan. Umugong ang mga bulungan at bakas ang pag-aalala sa mga mata ng kaibigan ni Lhissanah.

"Naalala mo ba kung saan mo siya huling iniwan at kung saan siya dumaan Elleishia?" Malumanay na tanong ni Lhiyanah.

"I--" Napatingin ako sa kanya ng bigla siyang natigilan. Nanlaki ang mata niya habang naka tingin sa gubat.

Sinundan ko ang tingin niya. Kumunot ang noo ko ng maka kita ako ng dalawang silhouettes. Nasa harap namin ang maliwanag na buwan kaya hindi ko maaninag ang mga itsura nila. Sa itaas kasi ng kagubatan ay may kapatagan but its dangerous kasi walang harang. At kung mahuhulog ka man dyan ay paniguradong mamatay ka kasi mga matutulis na bato ang nasa ibaba nito.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن