Chapter 5:

13.8K 347 6
                                    

Chapter 5: I Care..

Pabagsak akong humiga sa kama. Ikatlong araw pa nga lang ito pero andami ng nangyari. I can't even believe na magkikita pa ulit kami ni Cedric. At nangangamba rin ako. Alam kong nasa malapit lang ang nagbibigay sa amin ng threat at sinusundan niya ako. Nakita ko siya sa parking lot pero hindi ko maaninag ang mukha niya.

Masyadong madilim sa parteng pinagtataguan niya. 'Kung sino man siya, humanda siya!'

Naligo ako at nagbihis. Bumaba ako para magmiryenda. Hapon na ngunit di ko pa nakikita si Mama. Ano nga bang pinagkaka abalahan niya? Nakakunot ang noo kong tinahak ang daan patungo sa kusina. Wala kaming kasambahay pero may pumupunta sa bahay araw-araw para maglinis.

"Oh? Sis!"

Muntik ko na siyang masuntok dahil sa gulat. "Bruha! Ba't ka nanggugulat ha!" Inis na sigaw ko sakanya.

"Wow! Taray mo din ano? Kasalanan ko bang madali kang magulat!?" Sigaw niya sa mismong mukha ko at may binulong pa sa kanyang sarili na hindi ko narinig.

Tumalikod ako sa kanya at kumuha ng cake at gatas sa fridge. Dinala ko ito sa dining table at doon kumain. Sumunod naman sa akin sa Yannah.

Takang tinignan ko siya ng ibigay niya sa akin ang cellphone niya.

"Si Papa. May sasabihin daw." Sabi niya pa at inilahad ang cellphone ng makitang hindi ko ito kinuha.

"Bakit daw?"

"Aba! Malay ko. May ikaw nga ang kakausapin diba!? Kaloka ka!" Singhal niya at umalis sa harapan ko. 'Baliw.'

Nilagay ko sa tenga ko ang cellphone at sumubo ng cake. "Hello?" Nakarinig ako ng kakaibang tunog. Tinignan ko ang pangalan ng caller at ♥papa♥ naman ang nakalagay. Binalik ko ulit sa tenga ko. "Lhissanah? Are you there?" Tumikhim muna ako bago sumagot.

"Yes Pa. May sasabihin ka daw?" Matagal pa bago siya sumagot.

"U-uh Yes. *ehem!* Ophelia will be there today. Siguro mga gabi na. Mamayang alas singko pa kasi ang flight niya." Weird. Papa's weird.

"Okay Pa. Is that it?"

"Ano ng balita doon sa threat sender? Do you have a lead already?" Sasabihin ko ba? Isang beses palang din naman nakita yung lalaki na yun. Baka na paranoid lang ako dun.

"Uh, not yet though...at wala pa rin naman kaming natanggap na kahit anong threat mula nung pagdating namin dito."

"I see... Okay. I need to go. Bye!"

"Bye."

Walang gana kong binaba ang telepono ni Yannah. He called because Ophelia's coming today. Ni hindi man lang kami kinumusta. 'Ang bait niya sobra!'

Bumuntong hininga ako atsaka hinilot ang sintido. Fvck this life! Ang sarap pumatay ngayon. Nanggigil na ang mga kamay ko.

'Ghad! I'm craving Blood today..'

"So anong sabi?" Nabigla na naman ako sa biglaang pagsulpot at pagsalita niya. Ang creepy ng bruhang to.

"Its about Ophelia. Dadating siya ngayong gabi." Bored kong sabi.

"Ah..okay!" Tumaas ang kilay ko dahil sa tono ng pananalita niya.
Parang expected na niya ito. Napansin ko rin ang madalas na pagsulyap niya sa akin.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now