Chapter 44

4.3K 115 12
                                    

A/NPasensyaaaaa na po talaga sa sobraaannggg late na update. BTW, salamat sa mga naghihintay parin at yung mga nagcomment sa last chaplovelots~

PLEASE READ THE AUTHOR'S NOTE AT THE END~

Chapter 44: Angel

LHISSANAH'S POV

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan naming tatlo.
Nakakunot ang noo ni Ophelia habang walang emosyong nakatitig si Lhiyanah sa akin.

"Wala ka bang napansin na kahit konti Yannah? Nasa iisang bahay lang tayo. Ophelia," tinignan ko silang dalawa.

Hindi sila nakasagot agad.

"Dati. May mga naririnig akong kakaibang tunog-- mostly it occurs on dawn. Pero syempre binabalewala ko lang kasi akala ko guni-guni ko lang 'yon." niyakap ni Lhiyanah ang sarili niya pagkatapos magsalita.

"I've been busy with a lot of stuffs. Atsaka hindi naman ako palaging andito kaya wala akong napansin. Though nagtataka ako kung bakit pati ako pinagbawalan ni Tito Alex na mapadpad sa West Wing. I respect him so I didn't bother to ask why." nagkibit balikat si Ophelia.

Napatitig ako kay Baby Aph na umiikot sa harapan ko.

"Bakit ngayon ka lang nag-open up Queen?" nanatili lang kay Baby Aph ang tingin ko.

"Believe me or not, ilang beses ko nang sinubukang sabihin sainyo pero sa tuwing gagawin ko 'yon may nangyayari." sagot ko sa tanong ni Ophelia.

"Nung araw na umalis tayo papuntang Pilipinas, sinubuka kong sabihin kay Lhiyanah pero hindi rin natuloy." dagdag ko pa.

Napansin ko ang hindi pagsagot ni Lhiyanah sa mga sinabi ko. I know, she's mad. Ganyan talaga siya, kapag nalaman niya may inilihim o itinatago ako sa kanya.

"Why don't we find out right now? Para malaman na natin kung ano ba talaga ang nandun. Imbes na magkwentuhan lang tayo dito." Pasimpleng sabi ni Lhiyanah pero mararamdaman mo ang inis sa tono ng pananalita niya.

"Hintayin nalang kaya natin si Tito? Tapos try nating tanungin."

"Hello? Ophelia, kapag nangyari yun, itatanggi niya yan. Knowing Dad, bakit niya sasabihin sa atin ang totoo eh diba tinatago nga niya kung sino 'mang nasa loob dun. Are you thinking?" sarcastic na sabi ni Lhiyanah.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now