Chapter 23

7.1K 198 10
                                    

Chapter 23: A day with Calix {1}

LHISSANAH'S POV

"Anong ginagawa niyo dito?" kunot noong tanong ko. Kakagising ko nga lang at ito ang bubungad sa akin.

Nangingiti silang lahat. "Tinawagan kami ni Lhiyanah tungkol sa plano niyang makaalala ka." sagot ni Zackary.

'Talagang pambihira ang kagwapuhan ng lalaking 'to!'

Tumango ako. "Ah talaga? Why so early? Hindi ba pwedeng mamayang hapon?"

Nagkibit balikat lang siya.

Binati din ako nila Harold, Elleishia, Cedric, Calix, at Zackary. Pagkatapos nila akong kamustahin ay nagkanya-kanya na sila ng ginagawa.

Kumain na muna ako kasabay nina Lhiyanah at Ophelia. Walang umimik sa amin at hindi ko rin feel magsalita.

Natigilan ako ng may tumabi sa akin bigla. Walang emosyon ko siyang nilingon. "Do you need something?"

Medyo naiilang ako sa presensya niya pero hindi ko pinahalata at nagpatuloy lang ako sa pagkain.

"Wala ka ba talagang naaalala?"

"Meron." kalmado kong sabi. "At wala akong balak na sagutin ang mga tanong mo."

Umismid siya at sumubo ng strawberry.

"Anong nangyari diyan sa kamay mo?" natigilan silang lahat at takang tumingin sa akin. Itinagilid ko ang ulo ko sa direksiyon ni Cedric na kakapasok lang sa kitchen.

Natigilan din siya. Tinago niya ang kamay niya sa likuran niya. "Its nothing. Resulta lang ng katangahan."

Nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa CR. Sumandal ako sa upuan ko. Weird lang. Feeling ko kasi kapareho ng aura niya sa nagmamasid sakin. Parehong height at pangangatawan.

But he used to be my friend. Magtitiwala ba ako?

Pagkatapos naming kumain ay nagtipon kami sa sala. Nandun na ang lahat pati sina Dad at Mom.

Si Lhiyanah ang nagsalita. "So hindi na ako magpapaligoy-ligoy. In order for Lhissanah to remember, kahit hindi lahat--basta may maalala siya. Since may week vacation ang University at wala tayong pasok, each one of us--everyday ay dadalhin natin si Lhissanah sa mga lugar na may memories niya or anything that is related to it."

Dahil sa mga pinagsasabi ni Lhiyanah ay naiisip ko tuloy na siya ang ate at ako ang bunso. Simula kasi nung nawala ang alala ko ay siya na yung nasusunod--at ang bruha feel na feel naman. Kung mkapagsalita kala mo mas mataas na sakin.

Alala lang yung nawala sa akin. Hindi ang posisyon ko. Pero dahil nakikita kong ngayon lang siya naging ganito ay pagbibigyan ko siya.

Yes I'm heartless, but I'm not a monster.

"So what should we do?" tanong ni Elleishia.

Napatingin kaming lahat kay Lhiyanah.

Nahagip sa gilid ng mata ko ang bored na mukha ng 'mommy' namin. Si Papa/Dad ay seryoso lang at mukhang may iniisip.

"Today, si Calix ang mauuna. Tomorrow will be Elleishia, followed by Harold then Cedric and lastly, Zackary." nag-iba ang tono ng boses niya ng banggitin niya ang pangalan ni Zack.

Tumikhim si Zackary.

"Paano na ang tanong ko? If she remembers sasagutin mo ang tanong ko?" napataas ang kilay ko.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now