Chapter 52

2.8K 64 12
                                    


Chapter 52: Change

LHISSANAH'S POV

Days passed and even weeks. Wala akong ibang ginawa kundi magtraining. Matagal narin nung huli kaming nagtraining nina Lhiyanah at Ophelia.

Sa mga nakaraang linggo ay bumalik kami sa Gangster Arena-for fun. Hindi nila inaasahan ang pagdating namin dahil syempre magmula nung kumalat ang identity ko ay hindi na kami napadpad pa doon.

Bukod narin sa sunod-sunod na problema may nga bagay na dapat pagtuonan ng pansin kesa sa kanila.

"Aray!" nilingon ko si Lhiyanah sa gilid ko.
Napapaigtad siya sa tuwing dumadampi ang bulak na may alcohol sa sugat niya.

Nginiwian siya ni Ophelia. "H'wag kang mag-inarte. Kasalanan mo naman ito." ngumuso si Lhiyanah.

"Bakit kasi yumuko ka Queen! Tigna mo sa akin tumama yung katana niya!" hindi ko siya sinagot. "Huhuhu"

"Malay ko ba na nasa gilid ka pala? Nung huli kitang tinignan, katabi mo si Ophelia." walang gana kong sabi at hinimas himas yung dagger ko.

Nagkaroon ng Royal Rumble kagabi. And I thought that we're already rusty, napagdesisyunan namin na sumali.

We need to freshen our skills. At dahil present kami kagabi, dumami ang nag participate. Para makalaban kami. Nakapagtataka lang dahil hindi ko na nakita si Xenon dun.

Sa pagkakataon kasing ganito ay siya ang nangunguna para insultuhin kami, kaso wala siya.

A gangster was about to slice me in half kaso yumuko ako para iwasan iyon. But then hindi ko namalayan na nasa gilid ko si Lhiyanah non at wala siyang kaalam-alam kaya siya ang natamaan.

"Eh! Huhu mahapdi." napairap ako sa kaartehan niya. Bigla niya akong tinuro. "Ikaw kasi-"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla akong tumayo at tumakbo papunta sa CR. Naduduwal ako. Biglang umikot yung paningin ko kaya muntik na akong matumba. Nasagi ko pa iyong vase sa gilid kaya nahulog iyon at nabasag.

"QUEEN!!"

Lumuhod ako sa bowl at doon inilabas lahat. Napaubo ako pagkatapos. Kumuha ako ng tissue sa gilid para ipunas sa bibig ko. Pagkatapos ay finlush ko iyong bowl.

Hinilot ko ang sentido ko habang papalabas sa banyo.

Bumungad sa akin silang dalawa pagkabukas ko ng pinto. "You're at it again. Ano ba talagang nangyayari sayo?" sinalubong ko ang mapanuring mata ni Ophelia.

"Migraine. Or, I don't know. Basta sumasakit bigla yung ulo ko. Ewan ko lang kung bakit nasuka ako ngayon." pagsisinungaling ko.

Nilampasan ko sila at bumalik ako sa sala at umupo sa sofa. Sumunod naman sila sa akin.

"Magpa check up ka na kaya? Or I can call our Family Doctor." tumango ako sa suhestiyon ni Lhiyanah. "Just call the family doctor." sabi ko sa kanya.

Umalis si Ophelia kasi pinatawag siya ni Daddy. Si Lhiyanah naman maghahanap daw ng masarap na pagkain.

Wala sa sarili akong napahawak sa tiyan ko. I already have an idea about what's happening to me, pero tumataas ang balahibo ko sa tuwing naiisip iyon.

No, it can't be. Hindi pwede.

Hindi ko siya mabibigyan ng maayos at matiwasay na pamumuhay. Kahit na alam ko sa sarili ko na kaya ko siyang protektahan, hindi parin iyon sapat.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now