Chapter 55.1

2.2K 51 8
                                    

A/N: Sorry medyo late na siya Haha. But anyways, here it is. Medyo hinabaan ko na rin. Enjoy~

Chapter 55.1: Bloody Wedding

LHISSANAH'S POV

Natulala ako sa mga taong naglalaban na. Wala akong marinig na kahit ano galing sa kanila. Para akong nabingi sa mga nangyayari. Nabalik lang ako sa wisyo nang maramdaman ko ang bigat ni Demeter.

Kaagad ko siyang inalog para tignan ang lagay niya. "Demeter! Demeter!" hinawakan ko ang panga niya at pilit inaangat ito para makita ko siya.

Nahihirapan akong gumalaw dahil nakahilig siya sa akin at kailangan kong balansehin ang bigat naming dalawa.

"LHISSANAH!" huli na nang lumingon ako. May humampas ng kung ano sa likuran ko. Magkahalong sakit at pangangalay ang naramdaman ko kaya bumagsak kaming dalawa ni Demeter. Nakapatong siya sa akin. Wala na pala siyang malay.

Napalingon ako dun sa humampas sa akin. Nagpalitan sila ng suntok ni Zackary hanggang sa naglabas ito ng maliit na kutsilyo. Akmang isasaksak niya ito kay Zack pero naunahan siya. Natumba ito na may nakatusok na kutsilyo sa dibdib.

"Thank god your fine!!" mabilis siyang nakalapit sa akin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Fine ba 'yong mahampas?

"Demeter...h'wag ka namang mang-iwan. Andami niyo na diyan." pilit ko siyang ginising habang nakaalalay si Zackary sa kanya. Gumalaw siya ng kaunti at ilang saglot pa ay nagmulat siya.

"I-I'm so, so, so sorry Q-Queen." pumiyok ang boses niya. Naiiyak ako sa inasta niya.

"Why are you apologizing Demeter?" matagal naring naninilbihan sa pamilya namin si Demeter. Isa siya sa mga matagal nang nasa puder ng pamilya namin. He always helps me with a lot of things.

Kahit nanginginig ay hinawakan niya parin ag kamay ko. "I t-told them...about the w-wedding--"

"FUCK!!-" bago pa man masuntok ni Zackary si Demeter ay pinigilan ko ang kamay niya. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. "Pakinggan mo na natin siya." seryoso kong sabi sa kanya. Halata ang pagtutol sa mukha niya pero wala na siyang magagawa.

Binalik ko kay Demeter ang tingin ko. He gave me an apologetic look. "I didn't expect that they will find my f-family. Someone from my household betrayed me. G-Ginamit nila ang pamilya ko. They will not hurt them in exchange of a few informations. Sinabihan ko sila na susubukan kong maghanap ng mas malaking impormasyon galing mismo kay Boss Alexander. Pumayag naman sila. Nung araw na nakita mo ako sa bahay niyo.... sasabihin ko na sana sayo 'yon...k-kaso mukhang may dinadala ka ring problema kaya hindi ko na itinuloy. I-Imbes na sabihin sa kanila ang tungkol kay Athena at Athelia-- yung tungkol sa kasal nalang ang ibinigay k-ko...Alam kong mas malaking gulo ang mangyayari kapag nalàman nila na nagpapagaling na ang totoong Athena-- I-I'm very. truly sorry-"

Hindi natuloy ang dapat sabihin ni Demeter dahil may biglang tumamang pana sa tiyan niya dahilan para sumuka siya ng dugo. "Tangina!" Inilibot ko ang tingin ko. Magulo na ang lahat! Nasira na ang lahat pati ang decorations ay wala na sa ayos!

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Where stories live. Discover now