KAYLE
Cielo woke me up when we reached our house, I unconsciously fell asleep.
"Tawagan mo ko mamaya, sis," bilin niya bago umalis ang sasakyan.
Umiling na lang ako at pumasok.
I walked inside, same old typical home. I scanned my eyes into the our white-decorated living room. It looks classy, with the black touches. Paintings are hung from one edge to another. It's quite big for the three of us. Our family pictures are displayed on the tables and shelf. It's a cool and cozy place to stay.
"Magandang hapon po, ma'am," bati sa akin ng isang kasambahay, Ate Tess I guess?
"Magandang hapon rin po," bati ko pabalik. "Sina mama?"
Mukha siyang nagulat sa tanong ko. "Hmm, 'di pa po nakauwi eh."
Oo nga naman. Ang weird ng tanong ko. Lagi naman silang alas diyes o mas gabi pa umuuwi eh.
"Okay, salamat po."
Nilagpasan ko na siya at naglakad pataas.
Pagpasok ko sa kwarto, naligo ako at nagbihis.
Humiga ako sa kama at biglang dinalaw ng antok nang biglang nag-ring ang cellphone ko.
"Hello?" tamad kong sagot.
"Sis! 'Di ba sabi ko naman sa'yo tawagan mo ko?"
Umupo ako ng maayos. "Nagpahinga muna ako saglit, baliw."
"Hayy nako!"
"Ba't ka ba kasi nagpapatawag? Magkikita naman tayo buk---ay Saturday pala," bigla kong alala.
"Oo, Sabado nga, pero magkikita pa rin tayo."
"Bakit?"
"Hello? Sinabihan kaya tayo ni Wade kanina!"
Nagulat ako. "Talaga?"
"Oo! Para kang timang. Sabi niya magkikita daw tayong anim sa Billy's coffee shop."
Napasapo ako ng noo. "Ugh."
"Anyway, as I was saying, nakita mo na ba 'yung bagong post ni Calibre?"
"Nope, 'di pa ako nag-online. Bakit?"
"Oh my gosh! Mag-online ka, bilis!"
Dali-dali akong nagbukas ng facebook at ayun agad ang bumungad sa news feed ko.
Calibre Terrence Aragon is in a relationship with Crystal Cruz.
"Ano bang nangyayari kay Cal?!" sigaw ko.
"Hindi ko rin alam," sagot niya sa may pag-aalala sa boses.
"Ugh!" sabi ko at pinatay ang tawag.
Nakaka-frustrate! Ano bang gusto niya sa buhay?
Hindi na siya ang Cal na nakilala ko 10 years ago.
10 years ago...
Mag-isa akong nakaupo sa playground habang dala ang mini ukelele na binili sa akin ni daddy. Hindi ako marunong tumugtog nito kaya kung anu-ano na lang ginagawa ko sa strings.
Maingay ang mga bata sa paligid pero hindi ko sila pinapansin. Busy ako sa ukelele ko.
Nagulat ako nang biglang may nagtawanan.

YOU ARE READING
Your Song
Teen FictionEvery line in every song, they all seemed to come out wrong. Until your song, so let's sing it all night long.