Chapter 47

43 7 2
                                    

KAYLE

"Your beloved," she answered and laughed like a witch.

"What do you want?!"

"Oh, simple," she winked. "Siguro ito-torture muna kita, pero siyempre tatakpan ko ang mga mata ni Cal para hindi siya masaktan. Pagkatapos nun, papatayin kita. At ano pa nga ba? Walang makakaalam nito, mayaman kami at namamanipula namin, lahat."

I  became furious. I stood up and was about to advance at her when her guards held up both of my arms.

I struggle.

"Walang hiya ka!" I shout. "You're a desperate coward!"

She smirked and walked towards me, she touched my face but I turned it away quickly.

"Tsk, lalaban ka pa ba?"

"Let her go!"

Cal stood up and punched both guys holding me.

"'Wag niyo siyang sasaktan!" sigaw ni Crystal nang lalabanan sana nila si Cal.

Nilapitan niya ito at hinaplos ang mukha, "Ang gwapo mong mukha." She turned to her guards, "Mga bobo! Sabi ko huwag niyong sasaktan 'yung lalaki!"

"Eh nanlaban po ma'am eh," sagot nung isa.

"Sinabi ko bang sumagot ka?!" sigaw niya.

Binaling niya ulit ang atensyon kay Cal at hinaplos ang mukha nito.

Tinabig ni Cal ang kamay niya pero agad namang hinalikan ni Crystal ang pisngi nito. "Oh, kamusta na, president?"

Hindi ko napigilan ang sarili ko sa hinila ko ang buhok niya. "Tigilan mo na kami!" sigaw ko at tinulak siya palayo.

Biglang may tumutok na baril sa akin. "Subukan mo," nakangising sabi sa akin ni Crystal. Lumapit siya sa amin at akmang sasampalin ako nang hawakan ni Cal ang kamay niya at tinulak ito.

"Ano ba?! Para kang bata, Crystal! You're immature and selfish."

Niyakap ako ni Cal at binaon ang ulo ko sa dibdib niya. "We'll get out of here, love," he whispered.

Crystal clicked her tongue. "Isa ka pa Cal. Hanggang dito ba naman? Siya pa rin ang kakampihan mo?"

"Dahil siya ang mahal ko."

"Well," she laughed. "Useless na lang rin naman pala kung ipaglalaban pa kita. Siguro mas mabuti kung pareho ko na lang kayong papatayin."

"Nababaliw ka na," hindi-makapaniwalang sabi ni Cal.

Tumawa siya ulit. "Sige na, iwan muna namin kayo. Babalik kami maya-maya para simulan ang pagpatay sa inyo. Bye-bye!" she said in a sing-sang manner.

Akmang susuntukin sana siya ni Cal pero pinigilan ko na ito, baka mabaril pa siya. "Cal huwag na."

Lumabas na sila at iniwan kami ni Cal sa isang madilim na silid na tanging ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw.

"Your phone?" tanong niya.

Kinapa ko ang bulsa ko, pati ang bag na dala ko. "Wala dito. Kinuha nila."

He clenched his jaw. "Kinuha rin nila ang akin."

Napahilamos siya ng mukha. Napaupo na lang ako sa sahig, sinandal ang likod ko sa dingding.

"Hindi ako makapaniwalang hahantong sa ganito si Crystal," mahina kong sabi. Unti-unti umiinit ang sulok ng mga mata ko. "Cal ayoko pang mamatay," nanghihina kong sabi.

Tahimik lang si Cal pero alam kong nag-aalala rin siya.

Lumuhod siya sa harap ko at niyakap ako. "Hindi ka mamamatay. Pangako 'yan"

Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon