Chapter 41

52 9 12
                                    

KAYLE

It's already been a week since our first month as boyfriend and girlfriend, and everything went well after.

Or not.

Is it always calm before the storm?


Plano kong mag-compose ng bagong kanta ngayon, para makanta naming ng band next week, sa isang farewell party na kinuha kaming mag-perform. Kaya nandito kami ngayon ni Cal sa tree house, hawak ko ang gitara ko habang nagsusulat naman siya.

"Para sa publishing company ba 'yan?" tanong ko.

Lumingon siya sa akin saglit. "Yes, doll."

"Novel?"

Umiling siya. "No doll, poem. Kailangan kong gumawa ng limang poems pagkatapos novel," paliwanag niya.

Mukha naman siyang masaya habang nagsusulat, kaya pinabayaan ko na lang at tinimpla ang gitara ko.

I twisted the screws on the top of my guitar as I tuned the strings.

Tahimik lang ang tree house at ang tunog ng gitara ko lang ang naririnig.

I strummed a few chords to see it's tuned right, and it is.

Kaya kumuha na ako ng notebook at sinimulang isulat ang first verse.

"Cal?" tawag ko.

"Hmm?"

Lumingon ako sa kaniya. "Anong magandang story na icompose? Wala akong ideas para sa kanta."

Tumingin siya sa akin at tumalikod sa notebook at laptop niya.

He shrugged, "About friendship?"

"Hmm," I shook my head. "Palagi na lang."

"How about the seasons, or the sky, your favorite things in life?" suggest niya.

My face brightened up, "Right! The sky! Thank you!" Tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya.


"Sure, anytime doll," he smiled.

Bumalik na ako sa lugar ko at hinayaan siyang magsulat.

So my idea was, I will write a song about the sky and somehow use love as a metaphor.


As I compose, I can't help but glance at Cal from time to time.

And at one point, he caught me staring at him.

He smirked. "Doll."

"Oh?" binawi ko na ang tingin ko.

"Ba't mo 'ko tinititigan?" he played innocent.

"Huh? Tinititigan ba kita?" umiwas ako ng tingin at nagsulat sa notebook ko, nagkunyari pa akong nakakunot-noo.

"Nakita kita," sabi niya.

Kahit hindi ako nakantingin sa kaniya, alam kong nakangisi na naman 'to at ramdam ko ang titig niya.

"Asa ka naman!" singhal ko at ngayon, tiningnan ko na siya.

Tumawa siya. "Talaga ah."

Inirapan ko nga. "Magsulat ka na lang diyan Cal."


Salamat naman at tumahimik na siya.

Bumalik na ako sa pagsusulat at ramdam kong may tumitingin sa akin.

Tinaas ko na naman ang tingin ko at nakitang nakatitig sa akin si Cal, habang nakangisi.

"Doll," he said in a low, husky voice, keeping the smug look on his face. 

Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon