Chapter 37

43 7 1
                                    

KAYLE

On our way home, nagpaalam ako kay Cal na magc-cr muna saglit.

Tumango siya at umupo sa isang bench habang diretso naman akong naglakad papunta sa pinakamalapit sa comfort room.

Pagkatapos kong pakalmahin at ayusin ang sarili ko, agad akong lumabas dahil gumagabi na rin. Pagdating ko sa bench, may kasama na si Cal. Isang grupo ng mga lalaki, at sigurado akong hindi sina Wade 'to.

"Cal?" tawag ko, nakatalikod siya sa akin.

"Nandito na pala siya bro," sabi ng isa.

Nang mamukhaan ko sila, saka ko lang naalala na sila 'yung bandang tumugtog nung nasa Cebu kami.

"Kamusta kayo?" natutuwang tanongng isa.

Ngumiti naman ako, "Okay lang naman. Wait, I thought sa Cebu kayo nakatira?" bigla kong tanong.

"That's the thing, doll," sabi ni Cal. "They moved here."

"Really?!"

They nod. "Mas marami kasi ang hiring ng bands dito kaysa sa Cebu," sabi ng isa.

"And I told them, to make you and Jax join the band," Cal smiled.

My eyes widened in shock. "Talaga?!"

They nod. "Oo, wala namang problema 'yun. Kinwento na rin ni pareng Cal ang ginawang pag-iwan sa inyo ng manager niyo."

"Masaya kami at matutulungan namin kayo."

Bigla kong niyakap si Cal. "Thanks," I whispered. I turned to them, "Sigurado ba kayo?"

Tumango naman sila. "Oo naman. Ikaw na ang magiging vocalist namin."

Ngumiti ako ng malapad, "Salamat ah."

"No problem. Ako nga pala si Jake," sabi ng isa.

"Ryan."

"Jb."

"Miko," sabi ng huli, naalala ko siya 'yung napakakulit sa kanila eh.

"I'm Kayle," sabi ko. "And, kilala niyo naman si Cal," natatawa kong sabi.

"Naman!"

"Sige na bro, mauuna na kami. Magkita na lang tayo bukas, isama niyo si Jax. Mag-practice tayo, okay lang ba 'yun?" tanong ni Jake.

"Sige bro," sagot ni Cal.

"May napuntahan kasi kaming gig ngayon, tapos kinausap kami ng manager at tinanong kung pwede daw ba kaming tumugtog sa family event nila," paliwanag ni Ryan.

I can't help but smile. Nabuwag man ang bandang napakahalaga sa akin, nakabup na rin naman agad kami ng bago sa parehong araw.

Tumango ako. "Sige, sige. Ingat kayo."

"Ingat rin kayo."

"Babye!" sabi ni Miko at iwinagayway pa ang kamay.


Pagdating namin sa kotse, niyakap ko ng mahigpit si Cal.

"Thank you, thank you so much Cal!" nanggigigil kong sabi.

"Aray dahan-dahan," reklamo niya habang pinapaandar ang kotse.

"Sorry!"

"Sabi ko naman sa'yo doll. Lagi lang akong nandito," sabi niya habang nakatingin sa akin.

We are few inches away.

"Thank you," sabi ko.

"I love you," sabi niya at ngumiti.

Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon