Chapter 3

127 10 5
                                    

KAYLE

Napatakip ako ng bibig sa narinig ko. Si Cal 'to?! As in Calibre Terrence Aragon?!

"O-oh, Cal. What's up?" I asked, in the best casual way I can manage.

Sobrang kinakabahan ako. Ano ba naman 'yung sinabi ko 'di ba? Nakakahiya!

"I was about to ask you something about the project, but then you were talking about Crys---."

"Oh!" I faked a laugh. "Nevermind that. I am just a bit dizzy and all, uttering out random things, but I'm fine," I said.

"You sure?"

I nod. "Yep."

"So, why are you talking about my relationship about Crystal anyway?"

Let me guess, he's smirking.

I rolled my eyes.

"Is that what you're trying to ask? Well then, bye I'll hang up now."

"Wait!"

"Ugh, what?"

I'm really annoyed... and embarassed.

"We'll meet tomorrow at Billy's okay? Don't be late."

I hung up.

Tumingin ako sa kawalan. Nakakahiya talaga ang ginawa ko.

So, he's really in a relationship with Crystal, huh?

Napangisi ako.

Ano pa nga bang aasahan ko? Ibang Cal na siya.

***

Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay. As usual, nasa trabaho na sina mama.

"Alis na po ako," paalam ko sa mga katulong.

"Ingat po kayo, ma'am," sagot nila.

Nginitian ko lang sila at sumakay na sa kotse, dala ang gitara ko.

"Manong sa Billy's po," sabi ko sa family driver namin.

"Okay, ma'am."

Umupo ako sa backseat at pinahiga ang gitara ko sa tabi.

Bago kami makaalis, tumingin muna ako sa bahay nina Cal na katabi lang ng sa amin.

It looks the same from the first time he made me see it.

Ang kaibahan nga lang, hanggang alaala na lang lahat ng kung ano mang meron kami ni Cal sa bahay na 'yan.

Kalahating oras ang biyahe papunta sa cafe na 'yun galing sa subdivision namin. Kaya kinuha ko ang earphones at nilagay sa tainga ko.

I was staring outside while we drive through.

The sun is shinning brightly as we passed through the streets filled with busy people.

When we reached the cafe, I jumped out of the car with my guitar.

"Anong oras ko po kayo susunduin ma'am?" tanong ni Manong.

I switch my glance into the cafe and saw the five of them waiting for me.

I looked at my watch.

"'Wag na po, manong. Magco-commute na lang ako."

"Sigurado po kayo?" tanong niya na nag-aalala.

"Opo, o 'di kaya sasabay na lang sa kotse nina Cielo."

Tumango siya at naglakad na ako paloob.

Tumingin ako pababa dahil sikat na sikat na ang araw. Nakasukbit sa kanang balikat ko ang gitara, pagkatapos ng meeting may pupuntahan kami ni Cielo na gig.

Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon