Chapter 36

53 6 3
                                    

KAYLE

Back to normal.

Tapos na ang holidays kaya may pasok na naman.

Monday ngayon at naglalakad kami ni Cal papunta sa room nang biglang nag-ring ang phone ko.

"Hello?" I answered.

"Sino 'yan?" tanong ni Cal.

Inilayo ko ang phone at sumagot, "Si Jax."

"Kayle," tawag nito sa kabilang linya.

"Oh? Anong meron?" sagot ko.

"May mahalagang sasabihin daw si Manager tungkol sa banda," sabi niya.

"Hmm?"

Cal held my free hand as we walked.

Bigla ko namang narinig ang pagtawag ni Yana sa kuya niya.

"Kuya Jwaaax! Kwuyaaa inwom pwo akwo milk!" sigaw nito.

"Mamaya ko na lang sasabihin, Kayle. Magkikita tayo sa Mayday mamayang hapon."

Pinatay niya na ang tawag.

Naiwan naman akong nagtataka. Tinanong ni Cal kung anong nangyari.

"'Yung band daw."

"Oh?"

"Hindi ko alam eh. Hindi kasi natapos ni Jax ang sasabihin niya, biglang umiyak si Yana."

"'Yung bata na kasama niyo sa mall?"

Tumango ako.

Niyugyog ko siya. "Cal kinakabahan ako!"

"Aray," reklamo niya at pinakalma ako.

"Paano naman ako kakalma?! Paano kung may nangyaring masama sa Mayday kaya hindi na kami makakatugtog?! Cal!" biglang pumasok sa isip ko ang kung anu-ano.

Dapat kasi sinabi na lang ni Jax.

Hinawakan ni Cal ang balikat ko. "Calm down."

"Well Cal for your information, no one in the history of calming down has ever calmed down when people tell them to calm down," mabilis kong sabi.

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Ano?"

Tumalong-talon ako bigla. "Cal!" sigaw ko.

Tinakpan niya ang bunganga ko. "Sshh."

I pouted. "Whatever Cal."

Panay ang pagkakalma sa akin ni Cal pero sadyang hindi lang talaga gumagana. Alam ko namang walang masamang nangyari sa Mayday, may mga security guards doon at sana ibinalita na sa school kung meron man. Pero hindi ko maiwasang kabahan.


***


Finally, hapon na. Nabasa ko ang text ni Jax na hihintayin niya na lang daw ako Mayday.

"I'll go with you," sabi ni Cal.

"Kaya ko na," sabi ko habang inaayos ang gitara ko.

"I want to."

I rolled my eyes. "Oo na."

"Ang sungit," reklamo niya habang nakakunot-noo.

Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na, susunod rin 'yun.

Nakakalayo na ako nang maramdaman kong walang sumusunod sa akin.

Lumingon ako sa likod, "Cal?" tawag ko.

Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon