C3: Shattering

2.4K 65 0
                                    

RED

Nakiinom na din ako ng alak. Pareho na kami ng lalaking to na naka-sampong shot ng tequila, well, ang sarap pala neto.

Paminsan-minsan masarap din palang lumabas sa mundo kung saan dapat ako. Nakaka-relax pa lang mag-inom.

"Kungsh alamsh mo langs, nerdz!" Lasing na sabi ng lalaking to. "Ikakashal ja shalaga ako!" Then he started crying.

"Ang shakit lang." Bulong niya tsaka ininom yung 11th shot niya, kaya uminom din ako.

"Ganyan din naman nararamdaman ko e." Mapait akong napangiti habang nakatingin sa bartender. Ang galing e.

"Ang shupet mo! Ji ka pa lashing?" Tanong niya.

Oo nga no, ang tibay ko pala sa alak. Kahit ngayon lang ako nakapag-inom ang lakas ng tolerance ko.

"Malupet nga siguro ako." Napatawa na lang ako.

Ang sarap maging ganito, drunk, wasted and free. Nanamnamin ko na siguro yung ganitong sinaryo sa buhay ko kasi paminsan-minsan na lang e.

Di naman din nila ako mahahanap kasi di naman nila ako aasahan na magpunta dito sa bar kasi di ko ugali yung ganito.

"Ganito na lang, sasabihin ko problema ko, sabihin mo din yung sayo." Sabi niya, salitang lasing ah.

"Fine." Sabi ko.

Kasi after kong maikasal bukas di na ko pwedeng ma-attach sa ibang lalaki. Kahit naman sabihin kong napilitan lang ako, ayoko naman maging taksil na asawa.

"Ako ng magsisimula." Sabi niya.

"Oo na, magkwento ka na lang." Inip kong sabi.

"Yung aso namin dead na!" He said.

Mukhang lasing na nga talaga siya ah, wala na sa sarili to e kung anu-ano nang sinasabi sakin. Kahit sino naman kasi hindi po-problemahin masyado yung namatay nilang aso. Baka iyakan at malungkot pwede pa.

"Hahaha." Tumawa na lang ako.

"Tapos, nilibing namin. Bakit kaya di ko yun pinaburol?" Halos di ko na siya maintindihan sa sinasabi niya. As in lasing na lasing na siya sa labing isang tequila.

Sabagay, rinig ko malakas talaga ang tama ng tequila.

"Babaho kasi kapag pinaabot pa ng twenty four hours." Sinakyan ko na lang siya. Nakikipag-usap ako sa lasing.

Well it's kinda different but I find it cute.

"Oo nga no, ang talino mo naman." Sabi niya.

Nanahimik na lang muna ako, ang hirap magsalita ang lakas kasi ng tugtog. Pasigaw na kami magsalita e. Plus the fact we're talking nonsense.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Sobrang higpit. Ang komportable sa pakiramdam, no one had ever hugged me like this before and again, it's new for me.

"Lasing ka na, uwi na tayo." Bulong ko sa nakayakap na lalaki sakin. Di ko siya magawang itulak at ilayo sakin dahil inaamin ko, ang sarap sa pakiramdam.

"Ayokong ikasal, nerd. Gusto kong tumakas." Bulong niya pabalik sakin.

Pareho lang tayo.

"There were things that are destined to happen. Fated to happen. And meant to happen." Sabi ko.

Di na siya nagsalita. Inalalayan ko na lang siyang makatayo, we need to go home. Di ko nga lang alam kung saan ko maiuuwi to. Samin kaya? Kaso baka makita siya nila Mom at Dad.

Ang bigat niya naman.

"Mabigat ba ako?" Lasing niyang tanong.

"Uhm.. Kaya ko pa naman." Sabi ko na lang.

"Kaya kong lumakad, alalayan mo lang ako." Sabi niya kaya hinayaan ko siya hangga't makalabas kami ng bar.

Paano ba pauwi?

Pagewang gewang siyang naglalakad sa daan, buti walang sasakyan, malapit lang ako sa kanya in case na tataob siya.

Tinanggal ko muna yung reading glasses ko kasi ang sakit na ng mata ko, naninibago pa ako sa pagsasalamin.

Habang nilalagay ko sa bag ko yung salamin ko ay nabangga ako sa matigas niyang likod kasi bigla siyang huminto sa paglakad.

I should be shouting at him right now but I choose to speak no words, he's drunk and I'm drunk, fighting is not a good thing for now.

"Why did you stop?" I asked trying to stop myself from yelling.

"Babae, anong pangalan mo? Bakit mo ko sinusundan?" Tanong niya habang nakatingin sa mata ko, hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat.

"Gago ka ba? Inaalalayan kita kasi lasing ka na. Kanina mo pa ko kasama." Sabi ko.

"HAHAHAHAHA!" Tumawa lang siya. "Isa kang alamat babae, ang galing mo mang stalk, ikaw pang masunget sakin!" Hiyaw niya na tuwang tuwa sa galak.

"Bahala ka nga diyan!" Inis kong sabi at nauna nang lumakad sa kanya. Kainis na lalaking yan, imbento pa ng kwento.

Sino nga ba yan? Di dapat ako sumama sa di ko naman kilala e. Bakit ba kasi ako nagtiwala diyan? Malay ko bang mabilis lang talaga napalagay yung loob ko sa kanya pero masama ang budhi niya? Diba?

Kainis talaga, para niyang tinapakan ng todo todo yung ego ko. Ako? Stalker? E wala nga siya sa kalingkingan ng mga nababasa ko sa libro e. Ugh!

"Hoy! Wait lang!" Rinig kong sigaw niya kaya mas lalo ko pang binilisan ang paglakad.

"Babae! Nagbibiro lang ako!" Sigaw niya pa.

"Heh!" Sigaw ko sa kanya habang naglalakad.

"Ang sunget mo naman kasi sakin e!" Sigaw niya. "Di ka ba naaawa sa kagwapuhan ko?" Tanong niya.

Di pa din ako humaharap pero alam kong nakasunod lang siya.

"Hindi ka gwapo!" Sigaw ko.

"Gwapo ako! Ang dami ngang nagkakagusto sakin e!" Sigaw pa niya.

"Mayabang ka lang!"

"Hindi ah! Totoo nga yun!"

"Sinungaling ka!" Sigaw ko.

Di siya sumagot na pinagtaka ko kaya napahinto ako. Pero di pa din ako humaharap. Wala akong marinig na yapak, paghinga lang. Parang malapit na paghinga, akin kaya yun? Baka akin nga, hinihingal na ako e.

Hanggang sa nakarinig ako ng malakas na businang parang sa tenga ko lang tumutunog. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Kaya hinarap ko agad yung lalaki pero sa halip na makita ko siyang malapit ng mabundol ay nabangga ako sa katawan niya. Dapat malalaglag ako sa sahig pero sinapo niya ako.

Ngayon ang higpit ng kapit ko sa kanya at magkatinginan kami. Hingal na hingal ako pero siya hindi.

"Ang galing ko gumawa ng sound effects no?" Nakangisi niyang sabi habang namumungay ang mga mata niya.

"Walang sasakyan na babangga sayo?" Tanong ko.

"Wala." Nakangiti niyang sabi.

"Gago." I said smiling.

Then before he could talk again I faded out. Everything went black and my heart begins to shatter for more than hundred times.

***
A/N:
Korning Segways by greaper560...

C3,

C3 nidad.

-Suggests naman kayong segways para sa iba pang chapters. Hehe.

***

Nerd's SecretWhere stories live. Discover now