C26: Saved

1.6K 46 4
                                    

RED

Nagising ako sa napakalambot na kama. May parang kurtina pa sa paligid ng kama na kulay pula. Napansin ko rin na may mga petals ng red rose sa sahig na nakakalat.

Wow, para lang akong prinsesa sa isang fairytale. Nasan kaya ako? Baka naman naging biglaang fairytale ang buhay ko?

Shut up Red, wala ka sa mundo ng imagination. Tandaan mo, may dumukot sayong nilalang.

Umupo ako sa kama.

"Gising ka na pala." May pumasok na lalaki. Gwapo, pero mas gwapo asawa ko.

"Diba halata?" Pamimilosopo ko. Nakakainis. Kinidnap niya ako para lang patulugin sa kamang to? Edi sana inuwi niya na lang ako sa bahay namin ni Jacob, natuwa pa ko.

Tumawa naman siya. "Fierce as red." He commented. "I'm Kiel Mendeja, anyway." Pagpapakilala niya.

Di ko naman tinatanong kung sino siya, wala naman akong pakialam. Psh. Teka, Kiel? Yung kaibigan ba ni Jacob?

"Kilala mo si Jacob?" Tanong ko.

"Si Yuno? Yea. Nandon ako sa wedding niyo, kaibigan ko siya." Sagot niya sakin.

Psh. Tinanong ko ba kung nandon siya nung kasal namin? Ang hilig naman yata niya magbigay ng info na hindi naman tinatanong. Naiinis na ko ah.

Ibig sabihin yung nakita ko nung kasal na dalawang lalaki ay maaaring sila Deuce at Kiel. Napa-crossed arms ako habang naka-indian sit sa kama. Well, di ako natatakot sa nilalang na to. Baka nga bukas tropa ko na to e.

"E bakit ako nandito? Ikaw yung dumukot sakin diba?"

"Marry me Red." He said in a serious tone.

Marry me Red. Parang lyrics lang ng lovestory ni Taylor Swift kaso ang line naman dun ay 'marry me Juliet', malayo din naman kay Kiel yung character ni Romeo, di bagay sa kanya. Psh.

"Ayoko nga." Irita kong pagtanggi. "Niloloko mo ba ko? Kasasabi mo lang na nandon ka nung kasal namin tapos yayayain mo ko ng kasal?" Sabi ko pa.

Ano bang balak niya? Talbugan yung The Legal Wife at palitan ng The Legal Husband? E director yata to e, kaya siguro malakas din maka-feeling artista nung si Jacob. Pakana pala ng Kiel na to. Psh.

"Wala akong pake kay Yuno."

"Huh? Anong klaseng kaibigan ka?" Tanong ko. "Mang-aagaw ng asawa ng may asawa?" Nanlulumo kong dugtong.

"Papakasalan kita kung gusto ko, Red."

"Aish!" Irita akong napasabunot sa sarili kong buhok. Ang slow grabe! Mas slow pa yung utak niya kaysa kay Jacob. Kung si Jacob pawikan, siya pagong lang talaga! Nakakainis.

"Gusto mo ko pakasalan, e kasal nga ako kay Jacob!" Napasigaw ako sa inis. Hinayupak na to, ginagalit ako.

"Makikipag-annul ka." Simpleng sabi niya.

"At sino ka naman para diktahan ako ng gagawin ko? Buti sana kung ikaw si Saitama, baka nakinig ako sayo kasi takot akong ma-one punch." Sabi ko sa kanya. "Kaso di ka naman panot." Dugtong ko pa.

Nerd's SecretWhere stories live. Discover now