C28: Cruel✔

1.6K 41 1
                                    

RED

Habang binu-bully ako ni Darline ay nakita ko ang camera na pasimpleng pinupuslit ni Fermine. Ano bang ginagawa niya? Gusto niya ba ng live action with coverage? Baka naka-live pa ang facebook account niya ngayon.

Maya maya ay tinago na ulit ni Fermine ang cellphone niya.

"Mang-aagaw ka!" Sigaw sakin ni Darline at malakas akong sinampal.

Ano na naman bang inagaw ko? Wala naman akong inaagaw.

"Loka loka! Wala akong inaagaw!" Sigaw ko pabalik sa kanya. I feel so hopeless. Wala akong magawa para magantihan si Darline. Gustong gusto ko nang maiyak.

"At sumasagot ka na?" Sigaw niya sakin at sinampal na naman ako sa kabilang pisngi.

Balak niya bang gawing blush-on ang kamay niya kasasampal sakin? Aba naman, e kung putulin ko kaya ang kamay niya at ilagay ko sa sarili niyang pouch para lagi siyang may blush-on.

"Stop!" Narinig ko ang malamig na sigaw ni Jacob mula sa malayo. Awtomatikong napatigil si Darline sa ginagawa niya. Pakiramdam ko nanghihina ako dahil sa nangyari.

"Yuno.." Biglang umiyak si Darline. "Sinaktan niya ko.." Sabi niya pa at tinuro ako.

Yayakap na sana si Darline kay Jacob kaya lang nilagpasan siya ni Jacob, kaya naman natumba si Darline sa sahig. O ano? Na-Columbia ka tuloy, may free kiss ka pa galing sa sahig ng Blyntonn. Kainis kasi siya. Psh.

"Are you okay Wife?" Mahinang bulong sakin ni Jacob habang inaalalayan akong tumayo.

"O-oo." Nanghihina kong sabi. Maya maya ay lumayo siya sakin at naging malamig ulit ang tingin.

"Bakit mo sinaktan si Darline?" Malamig nitong tanong sakin.

"H-huh?" Naguguluhan kong tanong.

Iba din tong si Jacob e. Ano bang pinag-iisip niya?

"Sumagot ka!" Sigaw niya sakin. Ewan ko ba, pakiramdam ko tutumba ako dahil nanlalambot na yung tuhod ko. Nagtutubig na din yung mata ko. Ano bang nangyayari? Bakit di ko ma-gets kung bakit ako sinisigawan ni Jacob? E tinanong niya pa kung okay lang ba ako. Sinapian ba siya ng demonyo na meron sa katawan ni Darline?

"Sinaktan niya ko Babe." Biglang lumapit si Darline kay Jacob at parang ahas na pumulupot sa braso nito.

Nakatingin lang ako sa nakapalupot na mga kamay ni Darline kay Jacob. Nararamdaman ko yung parang pagpiga sa puso ko, hindi, parang dinudurog yung puso ko.

"J-jac----"

"Sagutin mo ang tanong ko!" Sigaw ni Jacob. Nakatingin lang siya sakin, para bang di niya ako asawa at di niya sinabing mahal niya ko.

Tiningnan ko lang si Jacob habang nanginginig ako sa takot. Di ko alam ang gagawin ko. Anong gagawin ko? Maya maya ay nakita ko ang pagtulo ng isang luha mula kay Jacob. Hinayaan niya yun hangga't sa matuyo na lang.

"Sumagot ka bitch!" Si Darline naman ay sumabat. Sabatera, di niya ba alam yung salitang 'silence'? Tinawag pa niya akong bitch, di ba niya alam na pangalan niya ang meaning ng salitang yun?

"You better stop, Miss." May nagsalita sa may likod ko. Dahan dahan ko iyong hinarap, si Cloud.

"At sino ka naman para utusan ako?" Nagtaray si Darline.

Nerd's SecretWhere stories live. Discover now