C19: Date

1.9K 56 4
                                    

RED

"Out of way na tayo papunta sa school." Pansin ko. Iba na kasi yung dinadaanan namin, nasa liblib na lugar na rin kami. "Balak mo ba ko rape-in?"

"Bakit naman kita kailangang rape-in? Asawa naman kita, there's no such rape between us, if ever." He said. "You mean... are we going to make love?" Nakangising tanong ni Jacob.

Kainis to. Sa halip na mamanyakan ako sa kanya, feeling ko ang hot niya pa. Kinikilig lang ako sa make love niya kahit na wala namang love. Ugh. Dapat feeling ko ang bastos niya at binabastos niya ko.

"Make love ka mag-isa mo. Love yourself." Nakairap kong sagot. "Sayang yung grade, idadamay mo pa ko sa pagka-cutting mo. Bad influence ka talaga." Dagdag ko pa.

"Mas mahalaga pa to sa grade mo." Sagot niya lang, napanganga ako, as in nganga. "Ako na din naman ang principal, Wife. Pwedeng pwede ko silang utusan para bigyan ka ng mataas na grade." He added.

Woa! Lakas naman ng asawa ko, minsan talaga ang sarap niyang batukan e. Yung malakas na batok. Kainis. Bakit ba kahit anong sabihin at gawin na panget ni Jacob hindi ako ma-turn off turn off sa kanya? Nakakapikon na ah. Di ba pwedeng utusan yung puso ko? Masasaktan lang kasi ako.

Masasaktan nga ba ako kay Jacob?

Mas matimbang yung tiwala kong di niya gagawin yun kaysa sa katotohanang kakahiwalay niya lang sa taong alam kong mahal niya.

May tiwala akong di niya ko sasaktan. May tiwala akong di niya ko papabayaan. May tiwala akong di niya ko gagawing rebound.

"Heh! Ayoko nga makakuha ng grade dahil inutos lang ng principal. Baka isipin ng mga teachers don may something tayo."

"Bakit wala ba?" Tanong naman ni Jacob.

"S-syempre wala!"

He hold my hands as tight as if saying he don't want me to go, but I won't be going anywhere. It feels safe though. He stopped the car.

"Alam mo ba kung gaano kabagay yung singsing natin sayo? Bagay na bagay sayo Red.. kaya ngayon mo sabihin sakin na walang something." He said while looking straight into my eyes. "Asawa kita, kaya nasayo tong singsing na to. I want you to be my wife kaya suot ko din yung singsing ko." He added.

At ngayon ko napansin yung daliri niya. Suot nga niya.

"And don't you ever dare to say you don't love me." Sabi pa niya.

Say something, nerdy patotie. Say something nice.

"Bakit? May magagawa ka ba kung di kita mahal?"

"I'll make you fall inlove with me. Hard. To the point that you will never lose your feelings on me." He said. "I keep my words Red. When I say you'll be mine then you'll be mine."

Either ways, gusto kong gawin nga niya ang lahat para mahalin ko siya... I mean para mas mahalin ko pa siya lalo. Maybe that way mas malalaman ko kung paano ba magmahal ang isang Jacob Yuno Blynt.

Tama, magpapa-hard to get muna ako. Tutal kinakarir naman na ni Jacob tong pagiging husband niya.

"Compulsary na ba ang pagmamahal sayo Jacob? Wala nang ligawan?" Tanong ko kahit kilig na kilig na ako. Omy, bakit ba kasi may nabubuhay na Jacob sa mundo? Di naman sa hinihiling kong mamatay siya pero kinikilig talaga ako.

"I am courting you already Red."

Napataas ako ng kilay.

"You didn't ask for my permission." Nakangisi kong pagsasabi.

I thought he would be taken back and plead for my permission but he didn't. He remain in his confident look.

"Paano ka magiging akin kung magpapaalam ako sayo?" He asked. "Malay ko ba kung di ka pumayag? Hindi pwede yun." He added.

Gustong gusto ko nang matameme pero kailangan kong ituloy yung usapan.

"Edi... edi.."

Anong sasabihin ko? Say something normal Red... I mean something fierce and mature. Ugh, think nerd. Think.

"Edi ano? Mahal mo ko?" Nakangiting tanong ni Jacob.

"No! O-of course n-not.." Agad kong tanggi. "Edi wow. That's it." I added.

Gosh, anong klaseng reaction yung sinabi ko? Sa dinami-dami ng pwede kong sabihin bakit ganong klaseng salita pa? Nagtaray-taray pa ko sa kanya tapos binara-bara ko pa siya tapos.... ugh, nakakainis.

.

.

.

.

"Here are we." Nakangiting sabi ni Jacob nang makarating kami sa parang abandonadong park. Maraming mga tuyong dahon na nakakalat sa paligid. Yung duyan naman ay medyo kinakalawang na pero mukhang pwede pa namang upuan.

May seesaw din, kaso mukhang di na bababa at aangat. May parallel bars din tsaka padulasan. Kaso kami lang ang tao. Liblib din ang lugar at halatang hindi napupuntahan.

"Bagong Blyntonn University?" Pamimilosopo ko. "Nasan na dito yung building namin?" Tanong ko habang pilit na tinatago yung tawa ko.

Natatawa kasi ako sa naiinis na pagmumukha ni Jacob, I find it cute. Medyo namumula pa siya sa inis.

"Ang slow mo!" Galit niyang sabi but still, natatawa pa rin ako sa isip ko. "Date 'to Red! Date! Sweet na pagsasama! Magde-date tayo! Dito. Dito sa park na 'to!" Parang batang nagmamaktol niyang sabi.

And there by that my laughter just bursted out. I laughed hard.

Napa-akbay ako kay Jacob. I pinched his nose.

"You are so irresistible when you are acting cute." Pagpuri ko para lalo siyang mailang at mainis.

"C'mon, I-i'm not acting c-cute. I'm just... just.. uhm.." Lalo siyang namumula. Napapangiti na lang ako.

"Stop being adorable Jacob. I might fall that easy." Pa-cool kong sabi.

Sus. I might fall, e patay na patay ka na dun sa tao. Ano palang tawag dun? Pagmamahal diba?

Sinabutahe pa ko ng utak ko. Trinaydor na nga ako ng puso ko dahil sa nararamdaman ko kay Jacob tapos susunod pa ata tong puso ko. Di na ko magtataka kung isang araw masabi ko na lang kay Jacob na mahal na mahal ko siya.

"Shut up." Sabi niya lang.

Binuksan niya ang compartment tapos may kinuha siya. Picnic basket pala. Parang kuminang ang paningin ko, foods!

Nilatag niya yung tela para doon kami makaupo. Tapos nilabas niya yung pagkain sa basket.

"Omy!" Di ko mapigilang mapa-react. Favorite ko to lahat!

"Buti na lang at nag-walk out ka kanina kaya napaghanda kita nang makakain natin." Nakangiting sabi ni Jacob.

"Good thing na ba ang pagwo-walk out ko ngayon? Gusto mo mag-walk out ako ulit?" Pang-aasar ko. Maasar ka please, para naman humaba yung buhok ko.

"Try it Wife then you'll be roped here."

"Sabi ko nga tsaka na lang ulit ako magwo-walk out." Sabi ko na lang.

Kumuha ako ng tinidor for carbonora. Ganon din si Jacob, kaso mukhang gutom na gutom na talaga siya. Hays, kawawa naman tong ai Jacob. Nauna na siyang kumuha kaya hinayaan ko na lang.

Nang makakuha na siya ay dapat ako naman..

"Say ahh, Wife." He commanded.

Napataas ako ng kilay, bakit naman? Susubuan ba niya ko?

"Sinabi ko na diba? Tuwing sabay tayong kakain ako ang magsusubo sayo."

***

Nerd's SecretWhere stories live. Discover now