C31: Call✔

1.6K 40 4
                                    

RED

Pagkanood ko saglit sa concert ay nagpahatid ako kay Cloud papunta sa bahay namin.. namin, para mag-impake ng gamit. I sighed pero sana di ko na ginawa, my sigh just triggered my tears to fall.

"Are you sure about this Red?" Tanong sakin ni Cloud habang tinutulungan din naman akong mag-impake. Tuluy tuloy lang ang luha ko sa pagtulo.

"Para ano? Para ipamukha sa sarili kong niloko lang niya ako nung araw na sinabi niya sakin na mahal niya ko?" I said. Ang sakit mang sabihin pero iyon ang totoo.

Sana lahat ng mga kasinungalingan naging totoo na lang.

"Pero kung di mo kaya, huwag mong gawin. Alam mong di maganda sa kondisyon mo ang ma-stress." Sabi sakin ni Cloud at hinawakan ang kamay ko.

"Di ko naman talaga kayang umalis e.." Humagulgol ako. "Di ko na kaya ng wala siya.." I said. "Pero kung masasaktan ako araw araw sa nakikita ko, mas hindi ko naman ata makakaya yun." Nahihirapan kong sabi habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Tumahan ka na." Sabi sakin ni Cloud at niyakap ako. Di mapatigil ng mga yakap na yun ang luha ko. Nasasaktan pa din ako, di ako makomportable.. umiiyak pa din ako.

Di katulad ng yakap ni Jacob. It can change everything in just one hug.

Pero kailangan ko nang kalimutan si Jacob. Di ko na siya dapat ikumpara sa iba, kasi kahit anong gawin ko, di siya akin. Kahit pala hindi ko hilingin, hindi din talaga tatagal ang marriage contract namin.

Because the sky won't hug the ground. Because I am too far from the sky where Jacob is. Magkaibang mundo kami, at ako ay pilit lang na nakiki-fit in sa buhay niya.

Maybe he doesn't need me at the first place. Di kailangan na mag-merge ang company namin, Blyntonn can stand itself alone, without us, may iba pa ding kumpanya ang mga Blynt bukod sa university. Ganon din kami.

Maayos na ang mga gamit ko at isasarado ko na lang ang maleta nang marinig namin ni Cloud ang malakas na pagkalabog ng pinto sa baba. Nakaramdam ako ng kaba, sana hindi siya si Jacob.

But still I am hoping it is him then he would stop me from leaving our house.

"Red, anak.." Iyon ang boses na bumungad pagkabukas ng kwarto namin ni Jacob.

It is Dad. Galit ang itsura niya.

"You'll get out from this, Red." Seryosong sabi ni Dad, wala akong maisagot, natameme ako at wala akong masabi.. di ko alam kung aalis ba talaga ako o mag-istay at magpapakatanga, basta lang maging masaya ako sa kasinungalingan.

"He really is, Tito. Paalis na din po kami. Isasara na lang po ang maleta." Si Cloud ang sumagot.

"Fine. Sakin ka na sumakay, anak. Cloud you'll bring her things." Dad commanded, napatango na lang ako.

Naisara na ni Cloud ang maleta. Napatayo ako at sumilip sa closet, may isa pa akong damit dito, ito yung suot ko nung first date namin, yung uniform ko sa Blyntonn.

"M-may naiwan pa." Bulong ko habang nakatingin sa closet.

"Leave it there. We are running out of time." Sagot ni Dad bago lumabas.

"Sumunod ka na din agad." Sabi sakin ni Cloud at siya ang nagdala ng maleta. Naiwan ako sa kwarto namin.

Napaluhod ako habang umiiyak, niyakap ko pa ang unan ni Jacob at inamoy iyon kahit sa huling pagkakataon lang. Agad ko din iyong binalik sa dating ayos.

Hinubad ko ang singsing ko at nilapag iyon sa side table.

Ramdam na ramdam ko ang kirot sa dibdib ko habang ginagawa ko iyon. Gusto kong kunin ulit ang singsing at isuot para kahit papano alam kong asawa ko si Jacob. Pero alam ko ring wala akong karapatan.

Bago lumabas ay tiningnan ko ang wedding picture namin na malapit lang halos sa pinto ng kwarto.

Umiyak na naman ako. Memories flashed in my mind, my heart continues to break as I see those moments with him. I wanna go back in time.. I want to go back.

Pero wala akong choice.

Lumabas na ako sa kwarto namin. At sa huling pagkakataon ay tiningnan ko ang bawat sulok ng bahay namin ni Jacob. Para akong pinapalayas sa sarili kong bahay. Mas bagay si Darline sa posisyon ko, iyon ang totoo.

Maybe destiny was wrong. Maybe things are not really meant to be. And I just hope for a dream I want to see when I sleep, but I ended up having this nightmares.

Paglabas sa bahay ay nakita kong nag-aabang sila Dad at Cloud. Naglakad ako palapit sa kanila. Pagkasakay ko ay in-start na agad ni Dad ang kotse at mabilis iyong pinaandar, nakita ko sa side mirror ang kasunod na kotse ni Cloud.

"Sorry for pushing you into this situation, anak. I never thought this will happen." Dad apologized.

"I understand." Mahina kong sabi.

"I was there on the concert as one of the owners. Your hus--- I mean Yuno Blynt invited me. After they sang they---- kissed." Galit na pagkukwento ni Dad. "He invited me para lang bastusin ako at ang anak ko." He added.

Nagulat ako sa kwento ni Dad. Buti pala di ako nagtagal. Mas nasasaktan siguro ako ngayon kung nakita ko iyon. Sana.. sana di nangyari iyon.

"We will file an annulment." Dad said.

Agad akong napatingin. Kung dati ay gustong gusto ko iyon, ngayon.. ngayon, di ko na alam.

"Not now Dad. Just.. just let me think for it. But I am planning for that." Sabi ko na lang. "I want to rest." I said and lean myself. I closed my eyes and I let my tears fall from my eyes.

Maya maya ay narinig ko ang pag-vibrate ng phone ko, tumatawag si Jacob. Pero pinatay ko iyon. Di ko siya kayang kausapin. Masyado na kong maraming napanood at narinig para pakinggan pa siya. Guguluhin niya lang ang nararamdaman ko.

Akala ko di na siya ulit tatawag, pero nag-ring na naman ang phone ko kaya sinagot ko na iyon at sinet sa loudspeaker.

["Where are you? Nasan ang mga gamit mo Wife?! You promised me! Di ka aalis, you'll stay! Walang iwanan diba?!"] Sunud sunod ang pagsigaw ni Jacob pagkasagot ko sa tawag, pero nanahimik pa din ako.

["I love you Wife.. diba sakin ka lang maniniwala? Ako lang diba? Asawa mo ko, we work things Wife.. huwag naman ganito.. umuwi ka na Red, please.."] Humina ang boses ni Jacob, puno ng pagsusumamo at lungkot.

Sasagot na sana ako nang mabilis na nakuha ni Dad ang phone ko at pinatay ang tawag. Tapos ay binato niya ito sa tabing daan, mabilis na nasira ang phone ko.

"You were once fooled, anak. Don't let a simple call change your mind and hurt you again. You're smart, you better think." Dad said.

***

Nerd's SecretDonde viven las historias. Descúbrelo ahora