C21: Kitchen

1.7K 47 2
                                    

RED

Nakauwi na kami ni Jacob. Buti nga kalmado siya ng konti kanina. Bahala siya, kapag nagwala siya di ko siya pipigilan. Ano yun? Kapag nagagalit ka dapat kang awatin? No way.

Pero kinilig naman ako. Pakipot lang.

"What do you want for dinner?" Nakangiting tanong ni Jacob pagkapasok namin.

"Ako ang magluluto." Mataray kong sabi. Dapat si Wife ang nagsisilbi kay Husband.

"Ako na Wife."

"Sayo na desisyon ko? Ganon?" Nagtaray pa ko lalo.

"Para namang plano mo ko lasunin." Pabiro niyang sabi.

"Bakit kita lalasunin? Pwede namang kumuha na lang ako ng kutsilyo at saksakin ka kapag tulog ka, tutal tulog mantika ka. Mas madali yun kung plano kitang patayin."

"Are you once a murderer?" Natatawang tanong ni Jacob.

"No. But if you want me to, I will be." Napangisi ako. Lumapit siya sakin at nagulat ako nang yakapin niya ko. Nanlaki yung mga mata ko, di naman yung nanlaki na magmumukha akong palaka.

"I don't want you to. You are not the villain here, you are my princess."

"So, you are telling na ikaw ang villain?" Tanong ko.

"Yes. And you are the princess who saved this villain from coming in hell. You let this villain love you, Red." Bulong niya sakin. Nilapit niya talaga yung bibig niya sa may tenga ko. Ugh. Nakayakap pa din siya.

He might feel the shiver I felt from him.

"And I love that villain." Bulong ko din.

"I love you too." Sagot niya.

Kaso, nakaisip ako ng kalokohan para pikunin si Jacob. Bet na bet ko kasing pikunin yung asawa ko. Kapag napipikon kasi siya, sa halip na maging dragon siya may lumalabas pang mga sweet na salita sa bibig niya.

"Not you. Assuming ka." Sabi ko at humiwalay sa yakap. "I mean the villain, Joker. Ang gwapo niya kaya sa Suicide Squad, ang sweet pa kay Harley Quinn." I added.

"Di ko kailangan maging sweet sayo." He said in a serious tone while looking intently into my eyes. "Di ako magpapaka-sweet sayo, pagsisilbihan kita araw araw para malaman mo kung gaano kita kamahal." He said.

Dapat di na ko magulat sa naging reaksyon niya. Pero eto ako, nanahimik pa din. Siguradong mauutal sa susunod kong isasagot sa kanya.

"A-ahh." Walang kwentang sagot ko.

"Ipapagluto kita Wife. Bawal nang tumanggi, prinsesa kita." He said at lumakad na papunta sa kusina.

"W-wait!" Tawag ko sa kanya. Nilingon niya ko. "Sasama na lang ako magluto, H-h-h----"

"Husband." Pagtatapos ni Jacob. Lumapit siya sakin na may purong ngiti, that melts my heart, hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa kusina.

If there's a place in this house that made a lot of memories that will be our kitchen and our bedroom.

"What do you want to eat Wife?" Tanong ni Jacob habang nakahawak sa bewang ko at nakatingin sakin.

"Uhm.." Nag-isip muna ako. Ano kaya? His favorite, maybe? "Sinigang?" I suggested.

"You sure? Baka di mo gusto ng maasim. Mahilig ako sa sinigang na maasim."

"Okay lang." Ngumiti ako.

He prepared the ingredients we will be needed. Pagkatapos ay hinubad niya muna ang polo niya, naiwan ang sando niya. Nagsuot siya ng apron. Seeing him like that is a nice view. Ang sarap pagmasdan.

"Baka naman di mo na kainin yung iluluto ko Wife." Biglang nagsalita si Jacob habang naghihiwa ng sibuyas. "Baka busog ka na sa pagtingin lang sakin." Ngumiti si Jacob tapos tumingin sakin.

Naramdaman ko na naman yung pagtambol ng puso ko. He always melts my heart. He melted this cold heart.

He made me believe that I deserve happiness. And I love him for doing this.

"Heh!" I reacted, hinampas ko siya sa braso niya. "Ako na nga ang maghihiwa sa labanos." I added.

"You're improving." Ngumiti sakin si Jacob. "Alam mo na yung pangalan ng mga gulay." He said.

Tumingin ako sa kanya. Nakatingin na kasi siya ulit sa hinihiwa niya. Mas interesado ba siya sa gulay kesa sakin na asawa niya? Ugh. Di ako nagseselos sa sibuyas, sino ba naman ang magseselos sa gulay?

Ikaw Red.

Aish! C'mon! Syempre titingnan niya yun kasi hinihiwa niya. Di naman siya anime na kahit pumikit habang naghihiwa ay hindi masasaktan kasi expert sila. Walang ganon.

"Jacob.." Tinawag ko siya, tumingin naman siya sakin ng nagtataka.

Then without his permission, I pulled him and kiss him. Alam kong wala akong alam sa paghalik at ang lakas ng loob ko para ako pa ang gumawa nun.

But I just feel to do it. Dinikit ko lang naman ang labi ko kay Jacob. Siya ang nagtuloy at nagpalalim ng halik. Napapikit ako. This kiss is romantic, ito yung tipo ng halik na hahanap-hanapin ng labi ko.

Yung kiss na mamimiss ko. Yung kiss ni Jacob.

Pinutol namin ang halik, we are both panting for air. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa hiya, wow ha, ako pa ang nahiya e ako ang pasimuno. Ramdam kong nakatingin sakin si Jacob kaya lalo akong nakaramdam ng hiya.

Niyakap niya ako, at dahil sa maliit ako naipatong niya yung baba niya sa tuktok ng ulo ko. Ang hirap talaga maging maliit, pagdilat ko yung dibdib lang ni Jacob ang abot ko. Nakakainis.

Sinandal ko na lang ang ulo ko sa dibdib niya. Rinig ko ang malakas na tibok ng puso niya. It's fast, naghahalo halong kaba at saya ang nararamdaman ko roon. Tumitibok yun para sakin, ramdam ko.

"Naririnig mo ba?" Tanong niya. Di ko alam kung anong gagawin ko. Baka kasi iba ang tinutukoy niya. Baka mamaya ang tinatanong niya ay kung naririnig ko ba na nasusunog na yung kanin. Kung maririnig nga ba yun.

"Ano?" Tanong ko na lang.

"Yung puso ko. Narinig mo ba pangalan mo?"

Pakiramdam ko namula ako. Nagtatambol na naman ang puso ko. That fast beating of my heart tells that I am inlove with this man, but somehow, masakit ang mga tibok na iyon para sakin. It's killing me.

"Hindi e." Biro ko. "Iba yata yung tinitibok nito e." Umalis ako sa pagkakasandal at tinuro ang dibdib niya.

Nakahawak pa din ang dalawang kamay niya sa bewang ko, he then kissed me on my forehead.

"It says, 'mahal na mahal kita Red'." He said then looked into my eyes. "Understood?" He asked.

Tumango ako at ngumiti. Unti unti nawala ang mga ngiti na iyon, I faded out. Nahimatay na naman ako.

I'd like to think na nasobrahan lang ako sa kilig ko kay Jacob kaya ako nahimatay. Pero hindi e. Di din niya ako fan, asawa na niya ako. At may mas malalim pang dahilan kung bakit ako hinihimatay.

Siguro, dahil hindi ako kumain? I hope.

***

Nerd's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon