C23: Fake Friend

1.6K 51 1
                                    

RED

"Magsimula ka na, Fermine." Sabi ko sa kanya. Hindi ko na muna tinanggap ang alok niyang pakikipagkaibigan. Wala ako sa mood maging mabait ngayon. Nagugulat pa din ako sa ginawa sakin ni Leine. Di ako makapaniwala.

"Matagal na naming nakakasama si Leine." Panimula niya. "Simula ata nung gumamit ka ng salamin." She added.

"At talagang napapansin niyo kung sino ang mga nagsasalamin sa school na to." I said. "Inuuna niyo pa yun kaysa sa pag-aaral? Anong mapapala niyo sa salamin? Grado? Sorry, pero kahit mataas ang grado ng salamin namin, teacher lang ang makakapagbigay sa inyo nun." I added.

Napangiti siya dahil sa inasal ko.

"I like your attitude. Tahimik pero mataray pala." She said. "Anyway, sumali siya samin dahil nawawalan na daw siya ng tiwala sa iyo kasi parang may tinatago ka daw." Pagpapatuloy niya.

Maybe that was the day I look suspicious dahil sinabi sakin na ikakasal na ako sa taong di ko kilala which is si Jacob.

"Dahil doon kaya niya ko pinlastic? Ang bobo niya." I reacted. Di niya lang nalaman yung bagay na yun, nagganon na siya? Nakakaganda na ba ngayon yun? Sana inisip niya muna ang benefits ng pamamalastic niya sakin.

Pera. Pera galing kay Darline. Psh. Minsan magpapagawa ako kay Ate Lira ng sushi na pera na may palamang diamonds at isasaksak ko sa bunganga niya. Peste, naiinis talaga ako.

"Well, hindi din siya ang nagdecide na sumali samin." Sabi niya. Napataas ako ng kilay.

"How?"

She sighed.

"Mapanganib si Darline, you know?" Medyo sassy niyang sagot. "Napansin ni Darline yung duda sayo ni Leine. She offered Leine money and richness kapalit ng pagsasabi ng mga bagay na pwedeng sumira sayo. Siya din ang nagbalita noon kay Darline nagsasalamin ka na."

"Ano namang motibo ni Darline at naisip niya akong ganunin?" Tanong ko. Parang ewan lang, binulag niya pa si Leine para lang makapag-update sakin. Pwede naman niya akong pamanmanan, tutal mayaman naman siya at pinapalamon niya lang pala ang pera niya sa utu-uto kong plastic na kaibigan.

Di ko din alam kung bakit di ako nalulungkot sa ginawa ni Leine. As in galit na ako, nagagalit ako. Siguro kasi napapansin ko na din yung pagbabago niya, at parang may feeling na akong ganon.

•••

"Here's the food." Nakangiti niyang sabi pagkalapag niya ng pagkain.

"Matagal pa birthday mo ah. Anong meron nanglibre ka?" Tanong ko.

"Celebration." Simpleng sabi niya at sumubo na ng macaroni.

"Celebration?" Tanong ko naman.

Susubo na sana ako kaso may naramdaman akong malamig na likidong tumutulo mula sa ulo ko.

Paglingon ko ay nakita ko ang sikat na si Darline, the campus sweetheart. I forgot, I started wearing eyeglasses just last friday. It only means na tinuturing na akong nerd ni Darline at bu-bully-hin na din niya ako.

"Hi pathetic nerd." Matamis ang ngiti nitong sabi sakin.

"D-darline.." Kabadong kabado kong sabi. Di ko alam ang gagawin ko, umaasa na lang ako na sana ay matulungan ako ni Leine sa mga oras na to.

Nerd's SecretWo Geschichten leben. Entdecke jetzt