C34: Mrs. Blynt✔

1.7K 47 0
                                    

RED

Nasa room na kami ni Cloud, lumipat siya ng section para makasama ako. Magkatabi din kami, di naman din ako pinansin ng mga kaklase ko, ano bang pake nila sa nerd na si Red, diba? Kung yung asawa ko nga walang pake, sila pa kaya?

Maya maya ay pumasok na yung teacher namin sa first subject.

"Good morning class." Bati niya. Tumayo ako para batiin siya ng "Good morning ma'am." Kaso mag-isa lang akong gumawa nun.

Ngumiti siya sakin at umupo na lang ako. Walang galang everlu talaga tong mga kaklase kong puro kaartehan lang ang alam sa buhay.

"Totoo palang pumasok ka na ulit Ms. Montavilla." She said. "Hinahanap ka sa office because of the recent absents." She added.

"Okay po." Sabi ko na lang at tumayo na pero hinawakan ni Cloud ang wrist ko kaya nilingon ko siya.

"Samahan kita." He said. Di siya nakikiusap o nagpapaalam, he demands for it, para siyang si Jacob.

Jacob na naman, kailan kaya ako titigil ang pag-iisip ko tungkol sa kanya? Hanggang kailan ko ba siya mami-miss? Kailan ba ko masasanay na wala siya?

"Huwag na." Sabi ko at lumabas na, pero paglabas ko sumunod pa din siya. Psh. Samahan niya sarili niya, napakakulit, ang laki naman na niya.

"Bakit ka nandito?" Pagtataray ko sa kanya.

"Sinasamahan ka?" Nakangiti niyang sabi at pinantayan ako sa paglalakad tapos hinawakan ang kamay ko.

Napatingin ako sa kamay namin. I feel nothing. Di katulad kapag siya ang humahawak sa kamay ko, it expresses thousands of meanings that I don't know how to explain. O kung ano nga ba ang damdamin na iyon.

"Ang kulit. Psh." Sabi ko at naglakad na papuntang office ni Mr. Principal na minsan ng naging epal ng buhay ko. I hope he's the same 'epal' na gumugulo sa araw araw kong tahimik na pag-iisip.


Pagpasok sa office ay katahimikan ang bumungad sakin, sabagay, alangang daldalin niya ang sarili niya para lang umingay ang paligid. Psh. Huwag lang talaga may sili dito, ayaw ko ding malaman laman ni Jacob na may anak kami. Baka kunin niya sakin at gawing nanay si Darline, di naman dragon ang anak ko.

"Mrs. Blynt." Strikto ang boses na tawag sakin ni Jacob tsaka niya inikot  paharap ang swivel chair sakin. Psh. Feeling boss talaga tong nilalang na to.

"You mean, Ms. Montavilla, Sir." Pagtataray ko.

"Montavilla? Not a good surname for you." Nakangisi niyang sabi sakin.

"E anong bagay sa sakin? Crayola? Para Red Crayola?" Pamimilosopo ko. Iniinis na naman ako ni Jacob. Psh.

"Blynt." Simpleng sabi niya.

"C'mon, di iyan ang pinunta ko dito." Sabi ko sa kanya. "What do you need?" Tanong ko ng diretsahan para matapos na ang walang hanggang pag-aasaran namin ni Jacob.

"You need me." Makahulugan niyang sabi, pero nanahimik na lang ako dahil baka mauwi kami sa heart to heart talk at batiin ko siya kahit na niloko niya ang uto uto kong puso.

Aish!

He sighed when I just looked at him and then he continue.

"You are recently absent on your class Mrs. Blynt, you have to attend remedial classes to gain grades." He explained. "Bakit ka ba kasi biglang nawala?" He asked.

Nerd's SecretWhere stories live. Discover now