C35: Papers✔

1.8K 41 0
                                    

RED

Naipaabot ko na ang annulment papers namin ni Jacob. Ang sakit lang.

Di din ako pumasok nung mga sumunod na araw dahil nung magpa-check up kami ni Mom ay sinabing maselan daw ang pagbubuntis ko kaya naman kailangan kong magpahinga ng mas madalas.

Di din ako nakapag-transfer sa ibang school dahil sa pakana ng makarunungang si Jacob. Psh. Nag-hire na lang sila Mom at Dad ng magtuturo sakin. Kapag may oras ay tinuturuan naman nila ako ng kalakaran sa kumpanya namin.

Nakapalumbaba lang ako sa lamesa ngayon sa may garden habang nakatitig kay Fermine, walang pasok ngayon dahil friday is half day daw. Psh. Mga pakulo ni Jacob, wala namang okasyon ngayong araw.

"Kailan kaya dadating yung annulment papers?" Kating kati kong tanong kay Fermine.

"Excited ka naman yata ma-single? Napatunayan mo na bang walang forever?" Pang-asar na sabi ni Fermine.

"Psh. Para kang nagsasalitang sili, nakakairita." Sabi ko sa kanya.

"Chill ka kase, kahapon mo lang binigay e." She said habang tumatawa tawa pa.

"Dapat kasi pinirmahan niya na agad para makapagsama na sila ni Darline hindi yung naglalandian sila e asawa pa ako ni Jacob." Lalo lang akong sumimangot.

"Why naman? You are jealous?" Nang-aasar na tanong ni Fermine.

"Tantanan mo ko diyan, Labuya. Di ako natutuwa ah." Masunget kong sabi habang naka-poker face ako.

"Nagtatanong lang naman ako ah." Lalo pa siyang tumawa. Para siyang tumatawang sili, naiinis ako.

"Ano ba naman kasing tanong yan? Sa tingin mo ba makatao yan?" Irita kong tanong sa kanya.

Tumawa na naman siya. Psh. Definitely insane, tumatawa ng walang kadahi-dahilan. Magkakaroon na lang ako ng kaibigan, kalahating normal pa. No, she's below normal. Psh.

"Selos ka nga kasi?" Tanong na naman niya.

Aish! Bakit ako magseselos? At the first place ako ang asawa at di hamak na kabit lang ang Darline na iyon.

Iyon na nga e, pero si Darline ang mahal, di ikaw.

"Ugh!" I reacted in frustration. "May karapatan ba kong magselos?" Irita kong tanong pabalik sa kanya.

Ito talagang babaeng to, ang hilig magbato sakin ng mga ganong tanong, e alam naman niyang masasaktan lang ako.

"Yea. Kasi ikaw ang asawa." She sais as if that was the obvious thing ever.

"Legal wife lang ako, Fermine, di ako ang mahal nung tao." Sumeryoso ako. As in seryoso, walang bahid ng inis ang mukha ko. Seryoso lang na.. malungkot.

"Paano kung minahal ka talaga ni Yuno?" She asked.

"How?"

"Look, Red. Nakasama mo siya for almost half a year, pero wala kang tiwala sa feelings niya sayo? Naniwala ka sa pinakitang video ni Cloud?" Tanong niya.

Nerd's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon