C24: Office

1.8K 45 2
                                    

RED

Sa halip na dumiretso sa canteen at mag-recess ay nagpunta ako sa opisina ni Jacob, sa amin nga ang school. I just sighed, e kung mag-maldita kaya ako at parusahan nang parusahan si Darline? Tanggalin ang pinakamamahal niyang pwesto sa student council at i-kick out siya sa school kung gustuhin ko?

Bad.

Kumatok ako sa pinto.

"Who's there?" Narinig kong tanong ni Jacob. Sabagay, kung basta niya lang sasabihin na 'come in', baka may ibang makaalam. Tanging mga teacher lang naman ata ang nakakaalam na kanya na ang school. Bakit kaya yung business namin di ko pa din hawak? Aish, di ko din naman alam kung paano ko ba yun pamumunuan so nevermind.

"Pak." I said trying not to laugh.

"Pak... what?" Iritableng sagot niya.

"Pak-yu na naman, oh kay tulin ng araw.. pak-yung nagdaan tila ba k-----" napahinto ako sa pagkanta nang buksan ni Jacob ang pintuan at hinatak ako papasok tapos ni-lock na ulit ang pinto.

"Minumura mo ba ko Wife?" Masama ang tingin niyang tanong.

"Nah." I answered. "That's a 'knock-knock' joke. Akala ko naman ang isasagot mo kanina, 'pak who?'." Sabi ko sa kanya.

Natawa ako sa huling parte. Pak who. Hahaha. That will be the most stupid thing he will say.

"Tantanan mo nga ko sa mga kalokohan mo Red." Seryoso niyang sabi.

Nanahimik naman ako kasi seryoso nga siya. Nakatingin siya sa mga papeles ngayon, o kung papeles nga ba yun.

"Ano yan?" Parang bata akong nagtanong.

"Binu-bully ka ba ni Darline?" May galit sa tono niya.

Actually, binu-bully nga niya ako. Pero yung mga simpleng sama lang naman ng tingin, sabunot, at kurot. Medyo masakit pero may isa siyang alipores na laging pumupigil sa kanya, siguro si Fermine yun.

"Uhm.. oo." Sagot ko lang.

"Damn her to hurt my wife!" Galit siyang napatayo. "Rule ng student council ang no to bullying policy diba? I reviewed that. Bakit walang nagsusumbong sa kanya?!" Sumigaw pa siya.

Aba, aba, bakit sakin siya sumisigaw? Ako kaya ang na-bully dito. Grabe tong si Jacob, kung kani-kanino na lang nagagalit. I just sighed.

"Because she's the student council president. Alangang isumbong nila ang presidente nila." Sabi ko na lang. "Don't mind it. Di mo naman nahahalata diba? Kasi di naman din ako nasasaktan masyado." I added.

Tumingin siya sakin at lumambot ang ekspresyon niya.

"I'm sorry Wife." Bulong niya sakin.

"Bakit ka nagso-sorry? Ikaw ba si Darline ha?"

"S-sorry.."

"Sorry na naman. Psh. Alam mo Jacob, di bagay sayo yung nagso-sorry. Tigil-tigilan mo nga ko sa kalokohan mo." Sabi ko sa kanya.

Nanahimik siya saglit at umupo na siya ulit. Pinaikot niya ang swivel chair at humarap sakin ulit.

"I have a plan Wife para maalis ko siya dito sa school." He said.

"Why did you have to make a plan? Pwede namang sabihin mo na lang kick out na siya dito."

Napailing si Jacob. Pinapunta niya ko sa kanya kaya naman nagpunta nga ako. Nang nasa harapan na niya ako kay pinaupo niya ako sa lap niya kaya nakakandong ako.

Pinahinga niya ang baba niya sa balikat ko tapos inikot niya ang swivel chair paharap sa bintana ng office niya. Kita ang buong school at walang naliligaw na tumingin kung nasaan kami ngayon.

"Not that easy Wife." He whispered, it somehow give me shiver. "Mr. Cortes is a share holder, also a co-owner. Kailangan makita ni Papa na hindi functional na tao si Darline para maging anak ng isa sa mga co-owner. Kapag wala ng pwesto sa school ang mga Cortes then I can just kick out Darline." He said.

Kaya pala ang lakas ng loob ni Darline kalabanin ang lahat. Di niya alam na kinakalaban na pala niya ang asawa ng owner ng school.

"E anong gagawin ko?" Tanong ko sa kanya.

"Huwag mong ipapagsabing asawa mo ko. Keep it as a secret, follow the rules. Magkakaroon ng mini concert sa school at gagawin kong guest si Papa at at si Mr. Cortes, kasama ang iba pang share holders. Sisiguraduhin kong mag-iiskandalo si Darline." He explained.

Ang dali lang pala ng role ko e. Sanay na sanay na kaya akong itago na mag-asawa kami.

"Di lang sila ang makakakita nun... pati mga estudyante ng Blyntonn University." I said.

"Yes Wife. Pati na din ang iba pa niyang na-bully."

Napangiti ako sa katalinuhan ni Jacob. Medyo matalino pala siya? Napahanga niya ko sa naisip niya. Inabot ng mga kamay ko ang pisngi ni Jacob at marahan itong pinisil.

"Your smart, Jacob." Malambing kong bulong sa kanya. Niyakap niya ako sa bewang habang nakapahinga pa din ang baba niya sa balikat ko. This feeling is so sweet.

Ang ganda ng view. Ang komportable, medyo sinandal ko ang ulo ko. Pwedeng pwede ako makatulog sa ganitong pwesto. I feel so safe by Jacob's arms. This is home. He is my home, he is my hope.

"Mahal kita Red." Bulong niya sakin. "Mahal.. na.. mahal kita." Marahan niyang pagbulong na para bang gusto niyang iparamdam sakin bawat salita.

"Mahal din kita Jacob." Sabi ko sa kanya. "Mahal kita higit pa sa alam mo." Dagdag ko pa.

"You don't know how much I love you Wife." Bulong niya sakin. "Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang maganda sa paningin ko. Ikaw lang ang hahanapin ko. At kahit araw araw akong makaamoy ng sunog na pagkain sa kusina, luto mo pa rin ang gusto ko." He added.

Napangiti na lang ako.

"Heh. Marunong na akong magluto, nagpaturo kaya ako kay Mom." Sabi ko.

"Nagpaturo ka nga pala kay Mama." He said. "Sayang, di ko na maamoy ang sunog mong luto." He giggled.

"Ikaw kaya sunugin ko Jacob?"

"Ang brutal na naman ng asawa ko." He said.

Ako pa ang brutal? E baka nga kapag nagbuga siya ng apoy ako pa ang masunog e. Roasted wife lang ang peg ko pag ganern, subukan niyang gawin yun angry wife ang matitikman niya.

"I really like it when you are being adorable." I said. Naiimagine ko kasi na nakasimangot si Jacob ngayon at ang cute niya. Para kasi siyang bata kapag nakasimangot siya.

"Shhh.. I wanna go home Wife." Bulong niya sakin. "Let's go?" Yaya niya sakin.

Tumango ako. Itetext ko na lang si Fermine. Oras namin ni Jacob ngayon.

***

Nerd's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon