C27: Pain✔

1.8K 37 2
                                    

RED

Nasa loob ako ng kotse ni Jacob, katabi ko siya at nasa likod naman si Deuce. Yung mga tinatago kong luha ay bigla na lang tumulo.

I feel home. Nandito ako sa tabi ni Jacob. Pakiramdam ko kahit anong gawin ko di ako matatakot. Di katulad nung nandon ako kila Kiel, pakiramdam ko lagi akong papatayin kahit alam ko naman na safe ako. Tsaka isa pa, si Jacob papakainin ako, e si Kiel ba pinakain ako? Hinayupak na yun. Napipikon na naman ako sa inis.

Humagulgol ako kasi sobrang namiss ko talaga agad si Jacob.

"Why Wife? Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Jacob. Sinulyupan niya ako at tumingin ulit sa daan.

Ang sarap sigurong kantahin ngayon ng.. sa isang sulyap mo, nabihag ako, ang buhay punung-puno ng kulay.. yung ganong tugtugan tapos ako umiiyak. Syempre joke lang yun.

"Mukha ba kong di okay? S-syempre okay na ko." Binara ko siya. Ito talagang asawa ko walang common sense everlu e. Inis na inis na nga ako sa ahas niyang kaibigan tapos eto naman siya, sasabay pa sa inis ko.

"E bakit ka umiiyak?" Tanong niya sakin, the way ng pagkakasabi niya, he demands an answer.

"Na-miss kasi kita. Feeling ko isang taon akong wala sa bahay." Sabi ko sa kanya habang medyo pinupunasan na ang luha ko.

"Wooo!" Madramang paghiyaw ni Deuce sa likod.

Panira naman to ng eksena. Ugh.

"Bakit di na lang si Darwin ang sinama mo? Ang ingay pala nitong si Deuce." Irita kong tanong.

"Ayoko nga." Sabi lang ni Jacob.

Tumawa naman si Deuce. "Baka daw kasi duma-moves si Pareng Darwin sayo." Sumingit na naman si Deuce. Ang hilig emextra nito. Psh. Isusunod ko to kay Kiel e, susuntukin ko din sa mukha.

"Anong da-moves? Makakaganon ba siya dito sa kotse? Aish. Siguro kapatid mo si Kiel no?" Nasabi ko na lang kay Jacob, pareho kasi silang slow.

"Mas gwapo ako dun." He answered.

"Wooo! Hangin!" Sabi ko sa kanya.

"Barado ka talaga dito kay Ms. Red, Pare." Singit na naman ni Deuce, mukhang singit e.

"Excuse me, she's Mrs. Blynt now. Di siya 'Miss', do you understand?" Iritadong paglilinaw ni Jacob kay Deuce.

"Psh." React ko na lang. Kinikilig ako e, alangang tumili ako dito.

.

.

.

.

"What do you want to eat Wife?" Tanong ni Jacob pagkauwi namin.

"Bareta na may sibuyas." Walang ganang sagot ko. "Natural pagkain." Dugtong ko din. Bakit kaya ang sungit ko na naman kay Jacob? Hays, okay na yan, bet na bet ko naman na naaasar siya sakin. Ang cute kasi ng itsura niya. Mukha siyang unggoy na pinipiga. Syempre joke lang.

Nerd's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon