C17: Mama

2K 58 4
                                    

RED

"Red wait lang!"

Mas binilisan ko pa ang lakad ko. Buti na lang nung makasagot ako sa kanya ng 'I love you too' saktong nandito na kami. Nakakahiya. Malay ko ba kung may nabasa lang siyang 'I love you' kung saan, kaya niya nasabi yun? Baka mahalata niya pang may gusto ako sa kanya.

Ugh! Nakakahiya talaga. Ayoko na. Di na ko magpapakita sa kanya. Huwag na huwag siyang magpapakita kay Mom!

"Manong Ed, huwag mo papasukin yung asawa ko ah?" Sabi ko sa guard ng bahay nang makadaan ako. Nilingon ko ulit si Jacob at naglakad na ulit ng mabilis.

Dumating ako sa mismong bahay namin na hapong hapo.

"Anak?" May galak sa tinig ni Mom. Mula sa pagkakayuko ay tiningala ko si Mom.

"Mom!" Masaya kong tawag at ako na mismo ang lumapit para yakapin siya.

"Na-miss kita anak." Sabi ni Mom nang magkahiwalay na kami sa yakap. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"I miss you too." I said.

"Ang asawa mo?" Tanong ni Mom.

"Hi Mama!" Gulat akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Jacob sa may pinto.

Pasaway si Manong Ed! Bakit niya pinapasok si Jacob? Baka sabihin niya kay Mom na nag-'I love you too' ako sa kanya. Nakakahiya. Pakiramdam ko di na ako conservative. Nakakainis talaga si Jacob!

"Jacob anak." Masayang bati rin ni Mom. Lumapit si Jacob at nagmano. Bakit sila close? Ugh.

"Pinark ko pa po kasi yung kotse. Nauna na si Red kasi miss na po ata kayo." Sabi niya at tumingin sakin para lang tingnan ako ng masama.

"Ah opo Mom. G-ganon nga po." Sabi ko na lang. Lumapit sakin si Jacob para umakbay. Akala ko simple niya kong kukurutin kasi tinakasan ko siya. Pero hindi, inakbayan niya lang talaga ako.

"Umupo muna kayo. Ipapaghanda ko lang kayo ng pagkain." Sabi ni Mom. Sumunod naman kami, umalis na din si Mom papunta sa kusina.

"Paano ka nakasunod?"

"Sinuntok ko guard niyo."

"Huh?! Kita mo namang matanda na si Manong Ed! Sinuntok mo pa?" Pabulong kong pagalit sa kanya. Nagbubulungan lang naman kami.

"Sana kasi di mo siya inutusan na huwag akong papasukin." Sabi niya. "Ayoko pa namang hinaharangan ako para makasama yung taong gusto ko." He added.

Napatahimik ako sa sinabi niya.

Act normal Red. Gawin mo yung dati, bara-barahin mo siya sa mga banat niya. Di ka niya dapat mahalata na may gusto ka sa kanya.

"A-ahhh." Iyan. Iyan ang naisagot ko. Di talaga marunong makisama minsan tong bibig ko.

"Nakalimutan mo na din ba? Rule no.5."

"Act sweet when our family is their." Iritado kong sagot sa kanya.

"Naaalala mo naman pala. So there's no reason para matakasan mo ko. When I want you stay, you'll stay. At kung gusto kong maging sweet ka sakin, then it's easy, papapuntahin ko sila Mama o tayo ang pupunta."

"Ang dami mong sinasabi. Di kita samahan diyan e."

"Mas maganda. Nasa bahay lang tayong dalawa." He said.

"Ugh. Whatever. Just shut up." Pikon kong sabi.

Lagi niya na lang ako nababara. Nakakainis.

Maya maya ay dumating na din si Mom. Cookies pala ang ni-ready ni Mom. Siguro may stock lang siya kaya nag-bake na lang. Mga ten minutes lang naman kami halos naghintay.

Habang kinakain namin yun ay nakita ko kung gaano nasasarapan si Jacob sa gawa ni Mom. Lalo tuloy ako nagkaroon ng urge na mag-aral na magluto para sa kanya.

"Bakit ka nga pala napabisita dito anak? Bukod sa namimiss mo ko?" Nakangiting tanong ni Mom. Mula sa pagkakatitig kay Jacob ay hinarap ko siya.

"Uhm.. ah.. eh.. magpapaturo po sana ako magluto." I said.

.

.

.

.

"Ang komplikado naman magluto Mom." Reklamo ko ng masugatan na naman ako ng kutsilyo.

"Ako nang tatapos niyan anak. Ang dami mo ng sugat."

Agad akong napailing at ngumiti.

"Hindi Mom. Tatapusin ko po to." Pursigido kong sabi.

Napangiti sakin si Mom.

Bago ako sumunod kanina kay Mom sa kusina ay saktong pagdating ni Dad galing sa office. Nag-uusap lang sila ngayon ni Jacob. Tapos kami ni Mom, eto, tinuturuan akong magluto ng sinigang na baboy. Paborito to ni Jacob. Nasabi niya lang sakin minsan.

"I thought the wedding won't be successful." Said Mom. "But as I see you two, you seem to love each other." She added.

Napatikom ako ng bibig. Ganon na ba kahalata na inlove ako kay Jacob? Ganon na ba kalalim yung nararamdaman ko? Ngumiti ako ng malungkot pero tinago ko yun kay Mom.

"Maybe.. maybe it's just meant to be Mom." Halos maibulong ko na lang iyon. Act sweet. Ang hirap gawin lalo na kung nasasaktan ka sa katotohanang ikaw lang naman talaga ang nagmamahal sa inyong dalawa.

Parang pinapatay ang puso ko. Para bang bibigay na naman iyon.

Ngumiti sakin si Mom. Isinalang na niya ang sangkap sa kaldero. Mom started to teach me. Then there, I realize na mali mali pala ako nang naiisip tungkol sa pagluluto.

Buti na lang mabilis lang ako makaintindi. Madami na ding naituro si Mom sakin. May mga mailuluto na ako para kay Jacob.

.

.

.

.

Nakahiga na kami ngayon ni Jacob. Nakatingin lang kami sa kisame. Our room is filled with silence.

"Red.."

"Hmm?"

"Kamusta naman kayo ni Mama?"

Pakiramdam ko namula ang pisngi ko. Tinawag niyang Mama si Mom kahit walang nakakakita. Gustong gusto kong tumili tapos magtatalon sa kilig. Di ko lang magawa kasi baka isipin ni Jacob may baliw siyang asawa at hiwalayan pa ko.

"Ayos lang." I answered. "Kahit naman di mo na tawagin si Mom na Mama, okay lang. Maiintindihan ko naman." I added.

Tiningnan niya ko na para bang alien ako. Duh, nerd lang ako pero di ako alien. Grabe din tong asawa ko. Ano bang iniisip niya at ganyan siya makatingin sakin?

Siguro iniisip niyang may gusto ako sa kanya. Ay! Teka, anong connect? Walang connect! Nakakainis naman kasi si Jacob. Naiilang ako sa tingin niya. Yung tipo ng tingin na titig.

Iniwas ko ang tingin ko at tumagilid. Saktong nakita ko yung nakasabit na picture namin nung kasal. Nagpa-deliver pa siya noon ng frame para diyan. At take note, gabi na nun.

Maya maya ay naramdaman ko ang braso ni Jacob na yumakap sa bewang ko. Sinuksok niya yung mukha niya sa likod ko. Tapos nagsalita siya.

"Di mo ba maintindihan yung salitang 'Mahal kita', Red? Bakit ko namang tatawaging Tita ang nanay ng taong mahal ko? Lalong lalo na kung asawa ko na naman siya?"

***

Nerd's SecretWhere stories live. Discover now