C30: Mini Concert✔

1.5K 33 2
                                    

RED

After 2 weeks..

Nanalo sa botohan si Darline kaya naman siya ang makakaduet ni Jacob para sa mini concert na magaganap ngayon sa school.

"Wife.." Malambing ang pagkakatawag sakin ni Jacob habang nagbu-butones siya ng amerikana niya. Naka-ayos na ako at suot ko ang dress na puti.

Dahil sa ayos namin ay pakiramdam ko, ikakasal na naman ako kay Jacob.

"Why?"

"I love you Wife." He said.

Natatawa akong lumapit sa kanya.

"Para namang mawawala ka sa kaka-I love you mo." Sabi ko. Humarap siya sakin na may ngiti.

Inayos ko ang necktie niya. "Better." I said nung makita kong maayos na ang itsura ng asawa ko.

Ngumiti sakin si Jacob. "Can we dance before we leave?" He asked while giving me a hand.

"Of course we can." Sagot ko at kinuha ang kamay niya. Pinatugtog niya naman ang pamilyar na kanta.

[Now Playing: Two is Better Than One by Boys Like Girls]

Ito yung kanta nung kinasal kami. Napangiti ako ng marinig ko iyon. Nagpadala lang ako sa pagsayaw ni Jacob.

Kung dati ang tingin ko sa kantang to ay bangungot, ngayon, para akong nananaginip. This is my favorite song now. I'm better with him. Di ko kayang mag-isa simula nung makasama ko si Jacob, di na ulit.

"You look so beautiful Wife." He said as we are dancing.

"And you are handsome today.. only today." Nakatawa kong sabi sa kanya.

"Kunwari ka pa. Alam ko namang naga-gwapuhan ka sakin Wife."

"Ang hangin naman ng asawa ko."

Ngumiti sakin si Jacob, omy, nakakatunaw, baka di na ako umabot sa Blyntonn ah? Grabe naman kasi tong si Jacob e.

"Ako lang asawa mo ah?" Sabi niya sakin habang pa-sway sway kami dahil sa pag-sayaw.

"Ikaw ang The Legal Husband e." Natatawa kong sabi.

"Diba The Legal Wife yun?"

"Si Kiel kasi nung kinidnap ak---" di na ko pinatapos ni Jacob sa sasabihin ko. Aba! Bastos ah.

"Huwag ka ngang magsasabi ng pangalan ng iba. Tayong dalawa lang dito so it's only about you and me." He said.

Namula ako at nanahimik saglit. Nag-'ehem' muna ako bago nagsalita.

"Basta ikaw lang Husband."

"Ikaw lang din Wife, wala ng iba.. tayo lang."

.

.

.

.

Nerd's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon