C11: Doomed

2.1K 58 0
                                    

RED

Recess na ngayon. Di ko na din nakita si Jacob, baka nahiya yung singit niyang muntikan ng makita ng Bylntonn University, well nakita na ng iba. Pasalamat siya at plain na pink lang yung kulay ng boxer niya. Paano na lang kung may design pa yung angry bird? Laughtrip lalo yun.

Paglabas ko sa room naabutan ko na agad ang aking dream guy na hinihintay ang dyosa ng buhay niya na walang iba kundi ako.

"Hi Darwin!" Masaya kong bati sa kanya.

Lumapit siya sakin tapos kinuha niya yung bag ko. Napansin ko tuloy na wala siyang bag na dala.

"Ako na magdadala ng bag ko, nakakahiya." Sabi ko habang nakayuko pa. Kahit naman may gusto ako sa dream guy ko ayoko namang nahihirapan siya.

Naramdaman kong someone patted my head kaya napatingala ako, si Darwin pala.

"Ako na." Sabi niya habang nakangiti at ginulo pa yung buhok ko. Nahawa tuloy ako sa bright smile niya. Lalo akong naiinlove, walangya.

"Sorry nga pala nung kahapon. Di na kita nabalikan nung makuha ko yung cellphone ko." Nahihiya kong sabi habang naglalakad kami.

Biglang sumeryoso yung mukha niya. "Bakit ka nga ba di na nakabalik nun? Nagtext sakin si Jacob na umuwi ka na." Sabi niya.

Kainis na Jacob na yun, siniraan ako sa kaibigan niya. Talaga bang ayaw niyang mabuo yung love team namin ni Darwin? Yung the #TyRed. Diba parang 'tired' lang? Tired na sa panggugulo ni Jacob samin. Hays.

"As I get my phone nabasa ko yung message ni Mom sakin, may emergency daw. Pagdating ko sa bahay may surprise sila." Pagsisinungaling ko. Ang galing kong mag-reason out, ngayon ko lang na-discover.

"Mahilig ka ba sa surprises?" Tanong ni Darwin sakin.

"Yea, pero ayoko nung pinagkakagastusan ako masyado para lang sa isang surprise. Sometimes, the simplest things makes the most special one." Nakangiti kong sabi.

"Ang simple mo. And that makes you lovable." Sabi niya sakin na ikinapula ng pisngi ko.

Oh my, kilig moments kami agad ni Darwin? Tagumpay siya, kinikilig nga ang mga paru-paro sa tiyan ko.

Oo nga pala, di pumasok si Leine ngayon. Ano kayang nangyayari dun sa kaibigan ko na yun?

Dumating na din si Darwin dala yung pagkain namin. Namangha ako sa dala niyang foods, paborito ko to dito sa school e!

"Chicken sandwich, carbonara, fish fillet with chuckie and yogurt. Oh my! Favorite ko to lahat." Sabi ko sa kanya.

Huwag niyo na pansinin yung pagkain ko kasi alam ko namang matakaw ako. Pero at least di naman ako tumataba.

"Of course, inalam ko na lahat ng favorites mo." Sabi niya sakin. Yung pagkain niya ganon din.

"Kanino mo nalaman?" Tanong ko.

"Kay Lean ba yun? Basta she's your friend right?"

"Oo." Sabi ko. Kilalang kilala talaga ako ni Leine.

"Kaibigan kasi siya ni Darline." Sabi pa ni Darwin na kinagulat ko.

K-kaibigan?

Nerd's SecretWhere stories live. Discover now