C10: Laughtrip

2.2K 62 2
                                    

RED

Ugh! Nakakailang na, masyado kaming tahimik ni Jacob. Kanina pa yan di nagsasalita, sa taxi pa lang nung mag-sorry siya. Iba din kasi tong kadramahan nito e, akala mo naman na-hurt ko yung feelings niya dahil sinabi kong parusa siya para sakin.

The feeling is mutual naman diba? Parusa din ako para sa kanya. Over acting lang naman siya na nag-emo agad nung naunahan ko siyang magsabi.

"Jacob, gusto mo bang mag-artista? Bagay sayo." Sabi ko nang pabiro.

Malay ko ba kung bakla pala tong si Jacob tapos ang isagot sakin ay.. "Nahulaan mo bes! Tapos ang fafa ko ay si Tom Rodriguez! Mata-touch ko na din ang abs ng aking hubby!" Tapos patili pa.

E kung ganon ang isasagot niya e, edi siya na talaga ang echosera, dinaig niya pa ko. Talagang mahihiya ang landi hormones ko sa kanya kung ganon nga.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Masunget niyang tanong. Dragon na naman si Jacob, di nga lang nagbubuga ng apoy this time.

"Ang bilis mo kasing mag-emo diyan. Baka lang kasi nag-iinternalize ka at dinadamay mo pa ko sa kalandian mong bakla ka." Sabi ko.

"Tigilan mo nga ko diyan sa kalokohan mo Red. Di ako bakla no. Gusto mo bang mahalikan ulit?" Masunget niyang tanong.

"Ang kapal mo ha! Ninakaw mo na yung first kiss na dapat ay kay Darwin tapos uulit ka pa!" Sigaw ko.

"Kanina magugustuhan mo pa lang si Darwin tapos ngayon yung first kiss mo ibibigay mo na din sa kanya?"

"E sa na-fall ako sa hero effect niya." Sabi ko habang pigil na kinikilig pa. "Ikaw kasi yung super villain ng buhay ko tapos syempre, si Darwin ang Superman." Sabi ko.

"Dun ka na nga matulog. Bwisit." Inis niyang sabi.

"Okay. Labagin mo yang sarili mong rule. Tsaka tiisin mong wala kang katabi." Sabi ko at tumayo sa kama. Nakaupo kasi kaming dalawa sa kama.

"Umalis ka na lang. Alam ko namang wala kang konsensya kaya maaatim mong iwan ako. Matutuwa ka kapag nalaman mong di ako nakatulog magdamag." Malungkot ang boses niya.

Kinokonsensya niya ba ako o nakokonsensya lang talaga ako? Teka, baka acting lang to. Sabi na e, artista talaga ang pangarap ng isang to. Edi sana di na siya nag-aral, nag-audition na lang siya.

Tutuloy na sana talaga ako ng labas dahil baka acting niya lang yun ng mahagip ng mata ko ang sobrang kalungkutan sa mata niya tapos nagsalita na naman siya.

"Paano na ako makakatulog ngayon? Wala na yung asawa ko. Akala ko makakasama ko siya. Ang hirap talaga kapag trauma ka." Sabi niya pa na parang wala ako.

Trauma saan? Iyan agad ang pumasok sa isip ko. Kaya ba di niya kayang matulog ng mag-isa? E ano namang trauma yun tsaka saan galing? Di lang yata artista habol nito e, gusto din ata mag-scientist. Imbento e.

"Ang drama mo naman agad." Sabi ko tapos lumapit sa kanya at nahiga. Pero nakaupo pa rin siya. "Humiga ka na din, tulog na tayo." Sabi ko.

But he still remain sitting. Iba din tong kalokohan ni Jacob e.

Nerd's SecretWhere stories live. Discover now