C20: Rapunzel

1.7K 43 9
                                    

RED

"Hey!"

Huh? Hey? H-hey! Someone's calling me.

"W-why?" Sagot ko tsaka dun ko pa lang hinanap kung sino ba ang tumatawag sakin. It's Leine.

"Tulala ka diyan." She said. "Seems you are not reading books these past few days." Pansin niya.

Yea. Simula ng maging asawa ko na si Jacob di na ko masyadong nakakapagbasa. Bad influence talaga siya. Ugh. Naaalala ko tuloy yung kahapon! Nakakainis! Nahihiya ako!

Mahal kita Jacob... kaya sana, totoong mahal mo rin ako, because I cannot bear to be hurt. I cannot bear a pain coming from you.

Ugh! Nakakainis. Sa pag-amin kong iyon kahapon sa date namin mas naging sweet pa ko kesa sa kanya. Nasan na yung pa-hard to get ko? Nasan na? Ako pa ang naunang umamin ng ganon. Tapos ang sagot niya..

This love for you doesn't lie. Tandaan mo rin Red, I cannot make you bear a pain, galing sakin o hindi. Hinding hindi ko matatagalan na makitang nasasaktan ka. Mahal kita. Mahal. Na. Mahal. So don't go.

Ramdam na ramdam ko yung pamumula ng pisngi ko because of the fresh memories. Pero kahit ganon yung feelings namin ay under pa rin kami ng rule na... walang ibang dapat makaalam.

Though alam iyon ng kaibigan ni Jacob, like Darwin, Deuce and lastly, Kiel the one whom I never meet yet.

"I really am." Sagot ko kay Leine. "Maybe I'm just too busy to read." I added which is a lie, of course.

"Or maybe kaya ka nakakatitiis na hindi magbasa ay dahil sa may memories to remember and cry on ka, na nagaganap sayo?"

She's right. I read books for memories kahit na di iyon actual na nangyari sakin. I read books so that I have something to cry on kahit na hindi ako yung taong nasa libro na nakakaramdam ng heartaches.

But things are different now, meron na kong memories na nangyari sakin, those memories with Jacob.

The first time we meet, my mini whole night adventure with him. Our argues as we enter our own house. The wedding itself made a memory, I still remember our wedding song. Those late night talks, our argue and little bit sweet talk on our bed. The way he made me eat breakfast, always..

... the way I am missing him, the way he made me fall inlove in him... the way I am feeling now is such a memory to be reminiscence in the future. Such a good a memory that we fall into each other.

"Are you still there?" Pasigaw na tanong ni Leine kaya naman napabalik ako sa reyalidad. I'm thinking too deep.

"O-of course.." Gulat ko pang pagsagot. "Tsaka wala namang memories na nagaganap sakin ngayon." Nakangiti kong sagot.

They are not considered as memories, our feelings is still there. He still loves me, I still loves him. And if ever that feelings will only be a memory, then I will cry.

I always cry. I sighed. 

Leine just shrugged. Napailing na lang ako. Lumabas na kami ng room since uwian naman na. Pagkalabas ay nakita kong naghihintay si Darwin. Feeling ko ang tagal ko siyang hindi nakita. Also, feeling ko ang saglit lang na nakasama ko si Jacob, I miss him already.

"Hi." Pormal niyang pagbati na may kasama pang ngiti.

Good boy. Unlike Jacob that is a badboy. Well then, kahit na bad boy siya, dragon minsan at bad influence ay mahal ko pa rin siya. Nothing's change.

I will still love him even if he'll become an evil.

"Hello." Nakangiti kong bati.

"Ayiiie!" Tili naman ni Leine. Napatingin tuloy ako sa kanya, namumula ako sa hiya. "Una na nga ko. Nakaka-out of place." She said then leave. We waved our goodbyes to each other.

"So, bakit ka wala kahapon?"

'Kasi dinamay ako ni Jacob sa cutting niya'. No. That was not a cutting. That was a date. Date nga daw e, diba?

"Not feeling well." I said with a hint of kidding.

He chuckled. "Rason yan ng mga tinatamad pumasok." He said.

Akmang guguluhin niya yung buhok ko kaso umilag ako agad. "Don't mess my hair, please." I asked.

"I see. Ayaw mo pala nang ginugulo ang buhok mo." He said.

I'm bored again. Di na katulad dati nung dini-deny ko pang may gusto ako kay Jacob na pilit kong pinupuri si Darwin huwag lang mapansin ang asawa ko.

"Of course she don't want her hair got messy."

Boses iyon ng isang lalaki mula sa likod. I cannot be mistaken, it's Jacob. Alam kong siya yun. Lumingon naman kami ni Darwin.

"Pare." Pagbati ni Darwin.

My face lit up. Na-save ako ni Jacob mula sa pagka-bored kasama tong si Darwin.

"Are you going home already Wife?" Di niya pinansin si Darwin at ako ang kinausap. I wanna laugh in my mind. Para kasi silang couple na may LQ, tapos si Jacob ang bakla.

I really like the idea kapag naiisip kong bakla si Jacob. It always makes me wanna laugh. Medyo napangisi ako dahil sa tawang pinipigilan.

"Yes." Pagsagot ko. Ngumiti ako para di naman magmukhang nakakainsulto yung itsura ko dahil sa pagngisi.

"Is it a bad idea if you two are talking like this?" Sumingit naman si Darwin. "Alam mo naman sigurong maipapahamak mo lang si Red kung gagawin mo yan." Kay Jacob naman siya bumaling.

"So what? Asawa ko si Red. At tayo lang dito." Maangas na tanong ni Jacob. Naku, aangas angas tapos nung nakaraang araw ay pumasok ng naka-boxer lang. Gusto kong matawa nang maalala ko yun kaso hindi ito ang tamang lugar at pagkakataon. May namumuo kasing tensyon sa dalawa.

"Tama na nga yan." Singit ko.

Hinawakan ko si Jacob. "Kay Jacob na ko sasama Dars---"

"Don't call him Dars. Call him Darwin." Masungit na sabi ni Jacob kaya sumunod na lang ako.

"Sasama na ako kay Jacob, Darwin. Sorry." Sabi ko na lang. Hahatakin ko na sana si Jacob papauwi kaso hinatak ako pabalik ni Darwin.

"No." Madiin niyang sabi. "I am only thinking for your safety, Red. Lumayo ka kay Yuno." He said kahit na nandito si Jacob.

Ito na naman ba ako sa pagiging Rapunzel? Aish. Mag-aaway ba talaga sila sa harap ko? Okay. Wala ako dito, wala na namang Red dito. Hays.

Mabilis na kinwelyuhan ni Jacob si Darwin. Real quick. Just wow. As in wow.

"Huwag mo siyang sabihang lumayo sakin." Madilim na aurang pagsasabi ni Jacob.

"Alam mo kung anong akin na kahit na kailan ay hindi magiging sayo. Dahil di ko siya hahayaan sayo." Said Jacob.

***

Nerd's SecretМесто, где живут истории. Откройте их для себя