C22: New Friend

1.7K 44 1
                                    

RED

Umaga na nang nagkamalay ako. Agad na bumungad sakin ang gwapong mukha ni Jacob. Ngumiti ako sa kanya.

"Nag-aalala na ako sayo.." He whispered. "Sa susunod na himatayin ka magsasabi na ko kila Mama at dadalhin ka namin sa hospital." He said in a full serious tone.

Di na ko nakaimik. Inalalayan niya akong makaupo sa kama. Siguro binuhat niya ko kagabi, naalala ko tuloy nung gabi na nakasama ko siya galing sa bar at lasing siya,  pero nahatid niya pa rin ako pauwi sa bahay namin. Hirap na hirap siguro siya nun.

"I'd like to think na buntis ka kaya ka nahihimatay. Pero wala pa namang nangyayari satin." Nagsalita siya, katabi ko na pala siyang nakaupo sa kama.

"Sabi ko na nga ba manyakis ka. Gusto mo na kong buntisin no?" Diretsahan kong tanong.

Napatulala siya sa sinabi ko. Then I realize how tactless I am. Buntisin talaga? Pareho kaming namula dahil doon. Ugh. Di na ata maayos ang function ng utak ko. Ito kasing si Jacob, kinuhanan ata ako ng isang turnilyo. Kasalanan niya to.

"I won't d-do that." Muntikan ko ng di marinig yung binubulong niya, psh, sasagot tapos ganon? E wala ata siyang balak makipag-usap kapag ganon.

Aish! Syempre naiilang siya kaya ganon. Ako nga di ko pa kaya magsalita ulit e. Ugh.

"I respect you so I won't do that." He said.

Tiningnan ko siya. Halata pa din na nahihiya siya, ako din naman, di lang talaga halata na nahihiya din ako. Syempre joke lang yun, may hiya naman ako no. Taklesa lang talaga minsan.

"Thank you." I said. For the first time nakasagot ako sa kanya ng maayos. Himala.

"Naghanda na nga pala ako ng breakfast para sayo. Kumain ka ng marami huh? Di ka naghapunan kagabi." Sabi niya sakin.

Napasimangot ako dahil hindi ko siya napaghanda ng pagkain at nag-alala rin sa kanya.

"Kumain ka ba kagabi?" Tanong ko sa kanya.

Nag-iwas siya ng tingin. Tapos sabay sabing.. "O-oo."

Tiningnan ko siyang mabuti. He's lying.

"Di ka pa kumakain." I insist.

"Kumain nga ak----" di na niya natapos ang sasabihin niya dahil nagreklamo na ang tiyan niya. Sign na gutom siya.

"E ano pala yan?" Pangisi kong tanong.

"Kumain na kasi tayo. Ang dami kasing tanong e." Yaya niya at tumayo.

"Ang dami mo kasing eklavu!" Sagot ko naman at kinuha yung kamay niya para suporta sa pagtayo ko.

"Eklavu?"

"Kabakla mong tao di ko alam yung eklavu?"

"Sinasabi mo bang bakla ako Wife?"

"Oo." Nakangiti kong sagot. Kasasabi lang e, nabibingi na ata tong si Jacob, baka pinasukan na ng ipis yung tenga niya. Eeew.

"Gusto mong halikan kita ngayon?"

"Respeto pala huh? Nasan ang respeto diyan aber?" Tanong ko.

Nerd's SecretWhere stories live. Discover now