C15: Kidnapped

2K 63 9
                                    

RED

"Pakawalan niyo ko! Mga ninja turtle kayo!" Tili ko na naman.

Kanina kasi nung naglalakad kami ni Darwin bigla na lang akong dinukot ng dalawa lalaki na to. Naka-full black attire pa sila. Paano ko nalamang lalaki? Bakat kasi yung mga anes nila.

"Tumahimik ka!" Sigaw nung isang ninja turtle na tumabi sakin. Halata pang pinalaki at iniiba yung boses.

"Tumahimik ka rin!" Pagtataray ko. "Ang sabi ko pakawalan niyo ko! Di ko sinabing sigawan mo ko! Bobo!" Sabi ko pa.

Di ko alam pero parang narinig kong tumawa yung ninja turtle na driver.

"Ang talino mo kase!" Sigaw na naman niya.

Ugh. Pakiramdam ko tuloy nasa bar ako at kailangan ko pang makipagsigawan sa kausap ko. Katabi ko lang naman.

"Talaga! Marami na akong nabasang libro at sa tingin k-----"

"Di ko tinatanong."

"Di ko kailangan ng pagtatanong mo." Sabi ko na lang.

"Ang cute niyo pala." Sabi nung nagda-drive. Cute? Cute na bang magkasama ngayon ang isang nerd at isang ninja turtle?

Bakit ninja turtle ang tawag ko? Ang bagal kasi nilang kumilos nung dinudukot nila ako. Grabe. Kung wala lang akong regla ngayon at kumportable akong gumalaw baka nasipa ko na sa anes tong mga pagong na to. Nakakainis.

"Baklang ninja turtle." Iritado kong sabi.

Tumahimik sa loob ng kotse. Sa halip na matakot ako at kabahan ay wala akong maramdaman. Feeling ko komportable pa ako at safe ako. Ako lang yata yung nasa panganib na pa-chill chill lang.

"Saan niyo ba ko dadalhin?" Kalmado kong pagtatanong na siyang bumasag sa katahimikan.

"Sa langit?" Alangang pagsasabi nung driver. Napataas tuloy ako ng kilay.

"So.. di kayo kidnapper? Rapist kayo ganon?" Pagtatanong ko. Edi dapat pinatulog nila ako diba?

"Gago ka Deuce." Sabi nung katabi ko. Teka, parang kilala ko yung boses, nakalimutan niya kasi yata baguhin yung boses niya kaya yung natural niyang pananalita yung nagamit niya.

"Bakit ba kasi natin siya dinukot?" Tanong nung tinawag niyang Deuce.

Siguro siya naman si Coffee. Alam niyo na, Deuce at Coffee. Malamig na Deuce at mainit na Coffee. Aish! Kung anu-anong iniisip ko. Tandaan mo nerdy patotie, hostage ka na ngayon ng dalawang ninja turtle na to kaya nanganganib ka.

Napahampas sa sarili niyang noo yung katabi ko.

"Sinabi ko na diba?" Naiinis niyang sagot dun sa Deuce.

"Ikaw naman kasi ipapaubaya mo sa iba tapos magseselos ka?"

"Sinabi ko ng di ako nagseselos diba?" Sagot nung katabi ko.

"E bakit kailangan mo pa siyang dukutin?" Tanong nung driver.

Okay sige, wala ako dito. Wala silang dinukot na babae. Silang dalawa lang dito. Ako, multo lang ako. Di ko sila naririnig. Sila lang ang tao sa kotse.

Nerd's SecretWhere stories live. Discover now