C39: Don Jarred✔

1.9K 41 8
                                    

JACOB


Nagulat ako nang nakita ko kung sino ang babaeng naglalakad papunta sa akin. S-si nerd. It's her. Siya ang papakasalan ko.

Naghalo-halo ang emosyon ko nang makita ko siya ulit. I'll never let this chance to be with her slip away. Ngayon magiging akin na siya, di ko na kailangang isipin kung kamusta na siya, of course, I'll take care of her.

I make my face as cold as possible. Nandito sila Deuce at Kiel, lalong lalo naman si Darwin, their family is our photographer. Di nila pwedeng malaman na.. na.. concern ako k-kay nerd.

Concern lang ako, diba?

Pagkadating niya sakin ay maluha luha siya. Nakikita ko ang panghihinayang sa mukha niya. Nanghihinayang ba siya kasi sakin siya makakasal? Sa gwapo kong to?

She's the most beautiful girl I've ever seen in my life. She's the most beautiful girl who walked in an aisle.

"I-ikaw?" She asked pero di na ako nagsalita. Baka mamaya kapag sumagot ako sa kanya, tarayan niya ako at umalis siya dito sa altar. I cannot let that happen. I cannot let her go.

Di ba niya alam na hinahanap ko siya kagabi sa tabi ko? Kaya di ako makatulog, ugh, this girl, she is starting to be.. to be my.. everything.

Palihim akong napangiti nang matapos na sa pagdaldal yung pari. Di ba niya alam na dapat kapag nandito na kami ikasal na lang agad? Psh. Pinapatagal pa, e paano na lang kung ma-bored si nerd? Tatakbuhan niya ako? No way on earth! Ikakasal na sakin yung taong gusto kong makasama tapos mawawala lang dahil sa pari na to?

Kung kailan ko siyang iposas, gagawin ko.

You are over thinking Jacob. Be calm, mahahalata ka ni nerd.

"Red Montavilla, do you take Jacob Yuno Blynt to be your wedded husband?" Tanong nung pari kay nerd. Di ko namalayan na ginagawa na pala yung pinaka-ceremony ng kasal namin.

Mag-'I do' ka. Kapag di ka nag-'I do', hahalikan kita. Kiss the bride na. Bulong ko sa utak ko.

Red Montavilla.

Parang gumuho ang mundo ko nang ma-realize ko kung sino ang katabi ko na ngayon ay nakatingin sakin. Tama bang pinaubaya ko siya dun sa gagong Darwin na yun? Dapat di ako nagpaubaya. Ugh!

So stupid of me, binanggit na kagabi nung kausap ni Fermine ang pangalan ni nerd, Young Lady Red. That guy even mentioned about the wedding, I should have realized it.

Ugh! Hindi! Akin si Red! Asawa ko na siya. Lalo lang naging blanko ang ekspresyon ko. What's mine is mine, ngayon lang ako hindi tutupad sa usapan pero kahit anong mangyari akin lang si Red.

"Huwag kang mag-I do." Bulong niya sakin. No way on earth Red, di ako papayag na mapalayo ka pa sakin. Di bale ng tarayan mo ako at tapak tapakan mo yung ego, just don't go. Sabi ko na naman sa isip ko. Tumingin siya sa pari bago siya sumagot.

Kahit saktan niya ako araw-araw di ko siya bibitawan.

"I do." Labas sa ilong ang sagot ni Red. Halatang ayaw niya sakin. Ugh! Galit ba siya sakin? Hindi ako magbabago, this is me. Alam kong sa lahat ng tao siya ang makakaintindi sakin. She will understand me. She's my wife, I'm her husband, we will share every single detail on our lives.

Nerd's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon