C29: Still✔

1.6K 41 1
                                    

RED

Nasa bahay na ako. Pero wala akong planong pansinin si Jacob. But deep inside in me, alam kong tama lang ang ginawa niya. We promised na no attachment, pero kinamusta niya ako kahit papano, tinulungan niya pa kong tumayo.

Pakiramdam ko nagkukunwari lang siya na nagagalit siya sakin kanina, ramdam kong di siya nagagalit, pero di ko maiwasang hindi masaktan.

Masakit kasi.. kasi.. kailangang umabot sa ganito.

Nakaramdam ako ng yakap mula sa likod ko, nakaupo ako sa kama namin ni Jacob.

"Sorry Wife.." Humahagulgol na umiyak si Jacob habang nakadukdok siya sa balikat ko, nakayakap ang mga braso niya sakin. And then my endless tears starts to fall from my eyes.

"Sorry kung kinailangan kong gawin yun Wife.. sorry.. di mo alam kung gaano kasakit sakin yun." Humagulgol pa lalo si Jacob.

I silently cry. Ang sakit, ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman ni Jacob. Kahit sabihin kong di ko siya papansin di ko kaya, lalo na at nasa rason naman talaga siya.

"Jacob.." Bulong ko sa pangalan niya. "That's okay.. huwag ka ng umiyak please." Pakiusap ko sa kanya.

"Promise me one thing Wife.." Bulong niya sa tenga ko.

"Anything Jacob.. anything."

"Please understand me Wife, tandaan mong mahal na mahal kita kahit anong mangyari.. h-huwag mo kong iiwan Wife.."

".. pero kung di mo na kaya----" nahihirapan nang magsalita si Jacob, alam kong masakit para sa kanya ang mga balak niyang sabihin.

"Hindi kita iiwan Jacob.. promise." Bulong ko sa kanya.

Then, Jacob kissed me on my lips at the middle of our bed. I think that's our most romantic kiss, and I don't think I will forget this.

.

.

.

.

"Saan tayo pupunta Jacob?" Tanong ko. Nung makatahan na kami kanina ay pinagbihis ako ni Jacob, sabay na nga kaming nagbihis e. Nakakailang din yun ah. Hays.

"Surprise Wife.." Nakangising aso na sabi ni Jacob. "Surprise date." He added.

Natawa na lang ako sa kanya. Nakaka-surprise naman yung 'surprise date' niya. Di niya kasi sinabi sakin e. Utak pagong talaga tong asawa ko, hays. Di tumutulad sakin na matalino. Nako, nako.

"Nakaka-surprise naman yung surprise date mo Jacob. Don't you worry, di ko alam na magde-date tayo." Natatawa kong sabi.

Natatawa talaga ako minsan sa kahinaan ng utak nitong si Jacob e.

"Huh?" Nagtatakang tanong ni Jacob. "May sinabi ba kong surprise date?" Parang gulat siya nung nagtatanong siya.

Maybe he said those words inside his mind because of too spacing out. Napatawa ako lalo.

"Wala." I answered. "Basta ang alam ko di tayo magde-date." I added habang tumatawa.

"Tumahimik ka Wife! Hahalikan talaga kita." Sabi niya.

"Yea whatever." Nakatawa ko pa ding sabi. Baka kasi gawin nga niya sakin.

"Be thankful that I'm driving Wife." Nakasimangot niyang sabi sakin tsaka nagpatuloy sa pagda-drive.

I remember this road. This is the same road going to the place where we first date. Doon sa lumang playground na mukhang creepy pero simula nung mag-date kami doon, feeling ko ang sweet na ng lugar na iyon.

"Sino nga pala yung nagligtas sayo?" Seryosong tanong ko.

"Si Cloud." Sagot ko, naisip ko na naman tuloy siyang asarin. "Alam mo bang iniisip ko noon na kay Cloud na lang ipakasal? That time, naka-gown na ko para sa wedding natin, hawak ko na yung bulaklak ko, rarampa na lang ako sa simbahan."

Di siya nagsalita kaya naisipan kong tumuloy na pagku-kwento.

"Ayaw ko kasi magpakasal noon sa taong di ko kilala. Kaya sabi ko, sana si Cloud na lang. Tutal pera lang naman ang purpose ng kasal na yun. Iniisip kong tumakas at mag-feeling maganda na tatakbo tapos hahabulin ng mga guwardiya namin. Pero nung lumabas si Cloud ay pumasok sila Mama, ang nanay mo, syempre. Kaya lalo akong kinabahan." Kwento ko.

".. pero buti pala takot akong sumuway kila Mom. Buti pala di ako tumakas, buti pala tumuloy ako sa kasal na yun. Kasi kung tumakas ako, siguro di ko natutunang magmahal, siguro inantay ko na lang na---- uhm, siguro di ako naging ganito kasaya." Pagtatapos ko.

Saktong nakarating na din kami sa lugar. Ganito pa din ang itsura, kami na lang ni Jacob ang kulang para sumaya ang lugar na iyon.

"Gustong kong magalit sa Cloud na yan. Una, nag-dalawang isip kang pakasalan ang gwapo m---"

"Yabang mo naman pala."

"Patapusin mo ko Red." Sabi niya kaya nanahimik ako. "Una, nag-dalawang isip kang pakasalan ang gwapo mong asawa dahil sa Cloud na yan. Pangalawa, pakiramdam ko may gusto sayo ang kutong lupa na yun. At pangatlo, siya ang nagligtas sayo sa halip na ako." He continued.

"Ako dapat ang magliligtas sayo. Pero kailangan ko siyang pasalamatan dahil baka kung hindi siya dumating, may magawa sayo si Darline at wala akong magawa." Sabi niya pa.

"Manahimik ka na lang." Pagtataray ko. "Diba okay na tayo sa issue na yan?" Dugtong ko pa.

Pagkababa namin ay agad akong niyakap ni Jacob.

"Mahal na mahal kita Wife.. iyan lang ang tatandaan mo." He said whispering.

"Mas mahal kita Jacob.. mahal na mahal."

"Sana lagi na lang tayong ganito."

"We cannot have all the good things forever, Jacob. Lahat ng mga magagandang bagay na meron tayo ngayon, pwedeng masira.. pwedeng mawala." Bulong ko pabalik.

"Bagay yun, hindi feelings ko."

"Ang corny mo Jacob." Natatawang sabi ko.

"Seriously Wife.." He said. ".. I will love you forever and death will never do us apart." He added.

He seemed to promising me those things. He is ensuring that he loves me no matter what will happen, and I won't let go of those things. Kahit na kailan kahit anong mangyari ito ang panghahawakan ko, na mahal ako ni Jacob at hindi iyon magbabago.

Death.

Mga salitang tinanggap ko na noon, pero heto, nasa ibang sitwasyon na ako kung saan natutunan kong mahalin ang buhay, natutunan kong magmahal at masaya ako, bigla akong natakot mamatay.

I'm scared to death.

"Kahit wala na ako.. mamahalin mo pa din ako?" Halos hindi na madinig ang bulong ko, buti na lang at nakayakap sakin si Jacob.

"Kung mawawala ka.. at kung di ka na talaga babalik.. ikaw pa rin Red.."

***

Nerd's SecretOnde histórias criam vida. Descubra agora