C9: Sorry

2.4K 62 0
                                    

RED

"Tatakas ka pa ah." Ngising aso na sabi ni Jacob habang hatak hatak ako. Malapit na ko sa parking lot e. Makakasama ko na si Darwin, kaso tong asungot na to umeksena pa.

Nagpumiglas ako.

"Ano ba nasasaktan na ako e!" Sigaw ko. May iilang estudyante pang naririto kaya sumisigaw talaga ako. Pero tinitingnan lang nila ako.

Mukhang gaya ni Darline ay kilala din tong si Jacob sa school at walang pumapatol sa kanya. Sabagay, gwapo naman siya e. Pero mas bet ko talaga si Darwin kesa sa kanya.

"Tawag ka nga ng Principal!" Sigaw niya sakin.

Tawag na naman daw ng Principal e siya din naman iyon. Pesteng to.

"Mamaya na nga Mister. Pupunta pa kong library e!" Sigaw ko. "Susunod naman ako. Pupunta din akong office mamaya!" Sigaw ko pa.

"Urgent nga e! Urgent!" Sabi niya.

"Urgent mo ulo mo. Bitiwan mo nga ko!" Sabi ko at malakas na nagpumiglas. Buti naman napakawalan na niya ako.

Hahablutin na naman sana niya ako kaso dumating na ang aking superhero, si Darwin my dream guy.

"Yuno, sasamahan ko na lang muna siya sa library tapos pupunta na din kami ng office, ihahatid ko pa siya pauwi e." Singit ni Darwin. Thank you talaga sa kanya.

Siguro magkaibigan sila, magkakilala e.

Naging cold ang aura ni Jacob, buti na lang di natitinag si Darwin. Ako kasi natatakot na ako e. Peste talaga to. Hays.

"Dapat kasama ako para masigurado kong pupunta nga siyang office, ako kasi ang makakagalitan." Sagot naman ni Jacob.

"Kelan ka pa sumunod sa Papa mo? Para namang di kita kilala, Yuno." Sabi ni Darwin at tumalikod na tapos hinawakan pa ang kamay ko. Omy, ang sweet.

Hinarap ko si Jacob at dinilaan, buti nga sa kanya.

Teka nga, ibig sabihin aware si Darwin na kila Jacob ang school? In fairness naman, magaling siyang magtago ng sikreto. Pero nevermind, at least di niya alam na kasal kami.

.

.

.

.

"Upo ka muna diyan Darwin, kukunin ko lang yung librong kailangan ko." Sabi ko at ngumiti tapos tumalikod na.

"Teka lang." Mahina niyang sabi baka kasi magalit yung masunget na librarian. Bakit kaya laging masusunget na teacher yung napupunta sa library?

Hinarap ko siya.

"Bakit?"

"Kay Yuno yang tee shirt diba?" Sabi niya tukoy dun sa suot ko ngayong t-shirt, oo nga pala ano. "Di yun nagpapahiram ng gamit niya, baka ma-bully ka nun bukas. Tong akin na lang ang isuot mo. Isasauli ko yan sa kanya." Sabi niya tapos may hinanap sa bag niya.

Mukha ngang may masamang balak si Jacob kaya niya pinahiram tong damit niya. Kainis talaga yun.

In fairness, talagang kinuha ni Darwin yung damit niya na pang-P.E. Inabot niya kasi sakin yung P.E uniform niya.

Nerd's SecretWhere stories live. Discover now