C18: Reincarnate

1.9K 56 5
                                    

RED

Alam kong mahal ko si Jacob. Pero di ibig sabihin nun utu-uto na ko. Duh, kaka-break lang nila ni Darline tapos mahal niya ko agad?

"Itulog mo yan, Jacob. Natuwa ako sayo." Sabi ko at tinanggal yung braso niya sa bewang ko. Manyak siya, chinansingan pa ko.

"Matutuwa ka kapag natulog ako?"

"Oo. Kung anu ano na kasing sinasabi mo." Sabi ko sa kanya at hinarap siya.

Nanlaki yung mata ko. Ang lapit lapit kasi ng mukha namin. Naduduling ako sa sobrang lapit.

"Bakit ba ayaw mong maniwalang mahal kita?"

"K-kasi..." Mautal utal akong napasagot. Anong sasabihin ko? May dahilan naman ako ah, pero bakit ako natatameme? Dapat taray tarayan ko siya ngayon.

"Ano?"

"Excited lang?" Pamimilosopo ko. "Duh, kakabreak mo lang kay Darline tapos mahal mo na ko? Ano yun? Balak mo kong gawing rebound girl? Movie lang?" Sabi ko at pilit na ginawa yung natural kong tono kapag kausap ko siya.

Napatahimik siya.

At yung katahimikan na yun yung masakit na parte. Patunay lang kasi yun na totoo yung sinabi ko. Na totoo yung iniisip ko. Gustong gusto ko magpakatanga na lang at tanggapin yung 'mahal kita' na sinabi ni Jacob and then we'll live happily ever after.

Para naman maging masaya ako hanggang ending ng story namin. Yung tipong kahit na hindi galing sa libro yung dragon na ugali ni Jacob ay tatanggapin ko na lang na makakasama ko siya hanggang sa last page ng libro.

Pero hindi, hindi ako magiging masaya sa 'feelings' niyang galing sa pagkabigla niya sa break-up nila ni Darline. Di ako magiging masaya kahit ilang beses niyang sabihing mahal niya ko.

Pwede naman kasing kay Darwin my dream guy na lang ako ma-inlove, bakit ba sa kumag na dragon pa na to?

.

.

.

.

Nakatulog kami kagabi sa hindi pag-iimikan. Kahit na alam kong rebound nga lang talaga ako ay maaga pa rin akong gumising para ipagluto siya.

Magluluto ako ngayon ng mahiwagang scramble egg. Syempre babasagin ko na yung shell. Di naman pala kasi nakakapag-restore ng masarap na lasa yung balat ng isang pagkain.

Naghiwa ako ng kamatis at sibuyas tapos hinalo ko sa itlog. Tapos binati ko na. Sinalang ko na yung kawali na may mantika. Kumuha muna ako ng 'pan shield' o kawaling shield para kahit talsikan ako ng mantika ay okay lang.

Pagkakuha ko ay sinimulan ko na iyong lutuin. Mabilis lang din natapos yung pagluluto ko. Napangiti ako nang matikman ko yung itlog. Masarap naman kahit first time ko. Sariling puri ako e.

Tapos magsasaing na ako. Sabi ni Mom, pinagsasabay na yun kaso di ako marunong sa sabayang pagluluto. Matataranta kasi ako. Baka mamaya yung itlog mailagay ko pa sa sinaing tapos ang iprito ko ay yung kamatis.

Ganon kasi ako mataranta, para bang may timer na naka-set ng ten seconds lang.

"Goshes." Bulong ko. Sinusukat ko kasi yung tubig ng bigas. Pero nagkasugat nga pala ako sa paghihiwa ng kamatis at sibuyas. Nagiging medyo pula tuloy yung parte kung saan ko nilublob yung daliri ko.

Tinanggal ko iyon at sinipsip ang daliri ko.

"Aray." Bulong ko.

"You should wake me up and ask for help."

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Jacob. Nakasandal siya sa pinto habang naka-cross arms pa. Naka-sandong puti siya at itim na jogging pants. Ang hot niya. Naiinlove na naman ako.

Sa halip na tuluyang maakit sa kagwapuhan ng asawa ko ay tumingin na lang ako sa ibang direksyon.

"Bakit naman ako hihingi ng tulong sayo?" Pagtataray ko.

"Because I should be the one to help you."

"Kahit di naman na." Sagot ko na lang. Pakiramdam ko may halong pagtatampo yung tono ko. Di ko kayang i-normal yung boses ko.

"Kahit na." Nagulat ako ng bulong na lang ang narinig ko. Napakalapit. Ramdam na ramdam ko yung mainit niyang paghinga.

Nilingon ko siya. Pero sana di ko na lang ginawa..

We just kissed.

Naitulak ko siya. Naglakad ako papalayo leaving him there in the kitchen.

As I walk I feel those tears streaming down in my eyes.

Sana katulad na lang ng dati yung feelings ko kay Jacob. Yung tipong di ko pa siya mahal. Siguro kailangan ko lang magkunwari sa sarili ko na di ko siya mahal para di ako nasasaktan ng ganito.

.

.

.

.

Tinapos na ni Jacob yung pagsasaing kanina. Tinawag na lang niya ako nang kakain na. Syempre di ako makatingin sa kanya, baka bugahan niya ako ng apoy, at syempre joke lang yun.

"Sorry.." Biglang nagsalita si Jacob habang nagda-drive siya papunta sa school. "Sorry kung ganon yung napaparamdam ko sayo, Red.. I'm sorry Wife."

Di ko na sana siya papansinin. Kaso yung malungkot niyang boses, para bang binabasag yung pader na sinisimulan ko nang itayo sa pagitan namin. Dragon talaga siya, konting buga niya lang ng apoy niya may nasisira na siya.

Dapat magalit ako. Dapat ipakita kong nagtatampo ako. Dapat malaman niya kung gaano ako nasasaktan.

"Di naman kita mahal. Kaya okay lang." Nakatingin lang ako sa bintana habang nagsasalita. Baka mahalata niyang nagsisinungaling ako tapos putulan niya ko ng dila. Syempre joke lang.

"E ano pala yung 'I love you too' mo Wife?" Kahit di ko nakikita yung dragon kong asawa ay alam kong meron siyang pilyong ngiti ngayon. Hinayupak talaga siya.

"H-huwag mo nga kong matawag tawag na Wife!"

"Anong gusto mo? Sister?" Ramdam na ramdam ko talaga yung pilyong ngiti niya! Siguro ang gwapo niya ngayon---- hindi! Galit ako. Di ko siya mahal. Dragon si Jacob. Di kami bagay.

"Bakit naman Sister?" Pagtataray ko tsaka humarap sa kanya na pulang pula yung pisngi. "Sabi ko na nga ba bakla ka!" I shouted.

Kung bakla nga si Jacob, eeeeew! Di ko matatanggap na na-inlove ako sa baklito na yan! Pero hindi bakla si Jacob. Di siya paminta. Tiwala lang.

"You are Red Blynt. Na sayo na yung surname ko, so you are my Wife. At dahil ayaw mo ata ng Wife, gusto mo ba maging kapatid ko?"

Ngumisi ako.

"Hmmm." Pang-aasar ko. Tumingin siya sakin ng masama. "Pwede din, since nag-iisang anak ka lang din naman." Pamimikon ko pa.

Mapikon ka, mapikon ka. Ikaw ang pasimuno kaya dapat mapikon ka. Hinayupak kang dragon ka.

"No way on earth Wife." Sagot ni Jacob. "Kahit mag-reincarnate ako, ikaw pa din ang pipiliin kong maging asawa. Kung magiging kapatid lang din kita, magpapakamatay na lang ako, para next time, sa next reincarnation ko, pwede na tayo."

***

Nerd's SecretOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz