C14: Insecure

2K 47 0
                                    

RED

"Reeeed!"

Napalingon ako ng may marinig akong tumatawag sakin. Si Leine pala. In fairness dito sa kaibigan ko, naglalaho, dumarating. May invictus yata siya, sang'gre lang ganern, mula sa Encantadia.

"Leine.." Mahina kong sagot. Di naman ako sumisigaw e.

"Anong sabon ang bagay sayo?" Nakangiti niyang tanong. Nakakamiss naman yung ngitian ni Leine, ang tagal niyang walang paramdam sakin.

Ngumuso ako.

"Dove?" Alangan kong sagot. May sabon ba na bagay sa isang tao? Kahit ano naman ata pwede e.

"Maliii!" Sagot niya, napakunot ako ng noo. "Tide kaya." Sabi niya.

"Tide?"

"Red tide!" Natatawa niyang sabi.

Kung nangbabatok lang ako baka nabatukan ko na tong bestfriend ko.

"Ang corny mo." Sabi ko na lang. "Pupunta ako kay Darwin. Sama ka?" Pagyaya ko na lang.

"Yung kapatid ba ni Darline?"

"Yea." Sagot ko habang tumatango.

"Ikaw na lang. May pupuntahan ako."

Di niya ko sasamahan? Dati ready siyang sumama sakin. Dapat siguro masanay na lang ako. Dati, lagi siyang nawawala. Ngayon naman di na ko sinasamahan.

Sabagay, wala naman akong karapatan kay Leine. Di ko naman siya pinapalamon.

"Okay." Simpleng sagot ko at nauna nang maglakad palayo.

.

.

.

.

Nandito kami ni Darwin sa likod ng school. Di ko na kailangan mag-alala na baka tawagin na naman ako ng principal na si Jacob. Lagi na lang kaya nauudlot yung moment namin ni Darwin dahil sa kanya.

Di naman sa timer ako. Pero kung mahal ko si Jacob, si Darwin naman crush ko. As in humahanga lang, walang feelings ganern.

May pa-feelings feelings pa ko para namang mahal ako ni Jacob.

"Hi po." Pilyong nakangiti si Dars tapos ginulo niya yung buhok ko.

Napasimangot tuloy ako.

"Bakit mo ginulo?" Nakanguso kong tanong. Si Jacob kaya nagsuklay ng buhok ko ngayon. Tapos ginulo lang ni Darwin?

"Ako lang magsusuklay ng buhok mo ah?"

Naaalala ko na naman tuloy yung sinabi kanina ni Jacob nung sinusuklayan niya ko. Marunong pala siya? Sana naman di siya bakla kasi kinikilig ako.

"Sorry. Ayusin ko na lang." Sabi ni Dars tapos akmang susuklayin niya na yung buhok ko gamit yung kamay niya kaso pinigilan ko siya.

"Ako na, ako na." Sabi ko na lang. Si Jacob nga lang kasi yung gagalaw diba? Mabilis ko naman din naayos yung buhok ko.

"Nakapag-usap ba kayo ng maayos kahapon ni Yuno?" Panimulang tanong ni Dars.

Pagkalabas ko kasi kahapon sa office nagpaalam ako kay Darwin na mag-uusap kami ni Jacob. Tapos si Jacob na walang modo hinatak na ako agad.

"Oo." Sagot ko. "Pumapayag na siya sa ganitong set up natin." Dagdag ko pa.

Gustong gusto ko sabihin kay Darwin yung nararamdam ko para kay Jacob, pero di ko magawa. Seryoso kasi siya sa panliligaw niya. Ayaw kong saktan si Darwin.

Gusto kong may mapagsabihan pero wala e. Nawawalan na din ako ng tiwala kay Leine.

"T-talaga?" Medyo gulat na paninigurado ni Dars. Pero halata namang natutuwa siya. Kunwari pa, parang si Jacob lang, best actor ang peg, ganern.

"Oo nga makulet." Di ko maiwasang magtaray.

Nagulat ako ng bigla niya akong yinakap.

"Thank you." Bulong niya sakin.

"At nasabi niya ng break na sila ni Darline." Bulong ko din.

Agad na himiwalay sa yakap si Darwin.

"Maybe that's the reason why my sister is crying all night." Bakas ang kalungkutan sa tono ni Darwin.

Alam kong masama pero okay lang, masama naman si Darline sakin. Charot lang. Feeling ko kasi natutuwa ako, kasi si Darline umiiyak magdamag sa break up nila ng asawa ko. Samantalang yung asawa ko nag-aalala sakin magdamag.

Diba? Ang lakas makahaba ng buhok. Kung ganyan lang din, di na ko magtataka kung mas bebenta ang story ko kesa kay Rapunzel.

Yung buhok kasi ni Rapunzel isang lalaki lang ang umakyat. E yung akin? Dalawa. Pero syempre kay Jacob pa din ako. Yung tipong kapag nakasampa na si Jacob e willing na akong putulin yung buhok ko para siya lang talaga.

Nangarap na naman ako. Pinapangarap ko na naman yung taong hindi naman ako mahal.

"Siguro si Jacob ang nakipag-break." Sabi ko.

Siguro iyon yung tamang dahilan kung bakit si Darline lang ang umiiyak sa kanila. Dapat i-assume kong walang kinalaman sakin yung mga desisyon ni Jacob, para bandang huli di ako umaasa sa wala.

"I think so. Di naman iiyak ng ganon si Darline kung siya ang nakipag-break." Pagsang-ayon ni Darwin.

See? Iyon ang dahilan. Buti na lang palabasa ako kundi baka inisip kong mahal na ako ni Jacob kaya siya nakipag-break sa dragonita niyang ex.

"Uwi na tayo Darwin." Walang gana kong pagyaya.

Ayoko na dito. Ang dami ko lang naiisip na mga bagay na alam ko namang masasaktan lang ako. Alam ko na ngang walang feelings yung tao sakin, pinapamukha ko pa sa sarili ko.

"Masama ba pakiramdam mo?" Tanong niya.

"Interview lang Darwin? Pagod na kasi ako. I just want to rest." Medyo pabalang kong sagot at tumuloy na lang sa paglakad.

"Sorry na ulit mahal ko. Tara na." Narinig kong sabi niya. Maya maya ay kasabayan ko na siyang naglalakad.

Sana dumating yung panahon na tawagin akong 'mahal ko' ni Jacob. Sana..

Dadating pa ba? Maganda si Darline. Tapos ako nerd sa paningin ng lahat. Comeback is real diba? May comeback pa yang dalawang dragon na yan, sigurado.

Nakakapanibagong di kami ginugulo ni Jacob ngayon. Kaya siguro feeling ko ang boring.

Naglakad na din kami palabas ni Darwin. Napansin ko agad yung itim na kotse na naka-park sa may kanto. Wala kasing plaka.

"Ihahatid mo ba ko?" Pagtatanong ko. Nakakapanibago, nasanay kasi akong si Jacob yung kasama kong umuwi.

"Oo naman." Nakangiti niyang sabi. Tumingin lang ako sa mukha ni Darwin. Bakit di ko magawang makingiti? Di na ko nahahawa sa ngiti niya.

Siguro ganon lang talaga kapag di mo na niloloko yung sarili mo. Jacob is not a man from a fairytale book, but I don't know why it feels like he is that prince charming I am wishing for.

Yung mga iniisip ko para kay Darwin noon ay nalipat kay Jacob. Am I that inlove in Jacob? Ang unfair niya talaga, he acts like my husband pero wala siyang motibo. Kaya ito ako, nahuhulog sa kanya. Nahuhulog ako sa kawalan.

I wanna buy books. Sana mapunta na lang yung atensyon ko sa pagbabasa habang nagpapaka-asawa kay Jacob. Para at least, yung nararamdaman kong pagmamahal sa kanya mawala na lang.

Aish. Namimiss ko na talaga si Jacob. Damn that man with his attitude. He made me feel this way.

***

Nerd's SecretWhere stories live. Discover now