C13: Inlove

2K 56 0
                                    

RED

"Bakit naman basag yung picture natin?" Tanong ni Jacob pagkauwi namin. Tiningnan ko lang siya, di naman magagalit yan, dapat nga matuwa pa siya kasi girlfriend niya si Darline.

Anong connect? Aba malay ko.

"Sumagot ka." Medyo may banta sa pagsasalita ni Jacob. Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

"Nalaglag kasi nagulat ako sa delivery boy na nagbigay." Panimula ko. "Si Dars pala." I added.

"Dars?"

"Si Darwin my dream guy." Simpleng sagot ko at nilapag na ang gamit ko at tumuloy ng lakad papunta sa kusina namin.

"May pet name ka din ngayon na Dars?" Iritado niyang tanong. "Huwag mong sabihin na kahit dito ay boyfriend mo siya. Sa school lang dapat yun." Lalong naging dragon ang mukha ni Jacob.

Nakaramdam na naman ako ng inis. Uminom muna ako ng tubig.

"Bakit ka ba nagagalit kung boyfriend ang turing ko kay Darwin? I never had a boyfriend anyway, gusto ko lang maramdaman yung ganon. Besides, diba may girlfriend ka din naman?" Tanong ko sa kanya na halatang naiinis na rin.

"I can be your boyfriend." Masunget niya pa ding sabi.

"Tapos ano ako? Second girlfriend mo?" Halos maluha kong tanong. Bakit ba gusto kong maiyak? Baka ayaw ko lang talaga kay Jacob. Tama, ayoko sa kanya. Di ko siya gusto, di siya para sakin, di ako para sa kanya. We doesn't fit each other's world.

"Ano bang sinasabi mong girlfriend ko?!" This time, di na niya napigilang sumigaw.

"Sinabi na sakin ni Darwin." Sabi ko. "Alam kong girlfriend mo si Darline." Dagdag ko.

Nag-iba ang itsura niya. Parang nanlumo, nagulat, nasaktan at maiiyak.

"Wala na kami ni Darline, kahapon pa." Walang emosyon niyang sabi.

On that point, tuluyan na akong napaiyak. Kaya ba di siya umuwi? Kaya ba walang Jacob sa tabi ko? Kaya ba wala akong kasama para mag-umagahan? Kaya ba mag-isa ako?

Siguro ganon lang, malulungkot ka kapag naiwan kang mag-isa ng taong nasanay ka ng kasama mo palagi. But it doesn't mean that I love him, right?

Di ko mahal si Jacob. Sanay lang ako na nandyan siya sa tabi ko.

"G-ganon ba." Nahihirapan na akong magsalita dahil sa pag-iyak ko. Para bang ang sakit sakit ng dibdib ko. Parang kinukurot tapos pinipilas tapos poprosesuhin ng pagdurog.

Nabalot kami ng katahimikan. Nakikita ko ang pagkahingal ni Jacob sa pagsigaw niya samantalang ako naman ay umiiyak pa rin.

Tumalikod si Jacob.

"Aalis na muna ako." He said.

Napaluhod ako. Ayoko ng maramdaman yung ganong pag-iisa. Ang unfair naman kasi, ako di ko siya pwedeng iwan, pero ako, pwede niyang iwan. Ako, dapat siya lang. Siya, kahit may iba pwede.

"H-huwag kang a-aalis, p-please." Pagmamakaawa ko habang nakaluhod at umiiyak.

Di bale ng unfair siya sa mga rules na ginawa niya basta huwag niya lang ako iiwan ulit.

Hinarap niya ako. I can see tears from him. Naglakad siya ulit papalapit sakin. Pagkatapat niya sakin ay lumuhod siya para mapantayan ako.

Hinaplos niya ang magkabila kong pisngi.

Nerd's SecretWhere stories live. Discover now