C12: Home

1.9K 54 2
                                    

RED

Natulog ako ng wala sa tabi ko si Jacob, hanggang sa paggising ko ay wala siya. Saan naman kaya natulog yung dragon na yun? May katabi kaya siya kagabi? Kumain ba siya? Okay lang ba siya?

Teka! Bakit ako concern? Dragon lover na ba ako? Hindi. Book lover forever ako.

Bumuntong hininga na lang ako at bumangon. Naligo muna ako at nagbihis.

May almusal na nakahanda. Pero wala naman akong gana kumain ng almusal. Wala naman akong kasabay. Kung di lang naman dahil kay Jacob ay di ako mag-aalmusal.

Namasahe na lang ako papasok ng school.

.

.

.

.

Feeling ko nasa anime ako tapos ako yung bidang anime. Flat chested nga lang ako, ang lalaki kaya ng joga ng mga anime.

Ang lakas kasi ng hangin tapos tinatangay pa yung dahon, sumasabay rin yung buhok ko. Para lang akong nasa teleserye.

"Good morning Ms. Montavilla." Napalingon ako sa gilid ko nang batiin ako ni Darwin. May dala pa siyang bouquet ng bulaklak at inabot sakin.

"T-teka---"

"Ganito ako manligaw, Red. Liligawan muna kita diba? Huwag mo muna ako sasagutin." Sabi niya at kumindat pa sakin.

Napayuko ako at napalingon sa ibang direksyon dahil don. Para akong pinamulahan ng mukha.

Una sa lahat, ako yung nagyaya na maging boyfriend ko siya. Pero eto siya, nanliligaw. Like, kailangan ba kapag nagplano ka ng fake relationship e ganito ka-realistic?

"Paano magiging tayo kung di kita sasagutin? Kailangan kitang maging jowa, Dars." Sabi ko. Nag-upgrade na din yung tawag ko sa kanya, Dars na.

Niyakap niya ako at naramdaman ko yung baba niya sa tuktok ng ulo ko.

"Gusto kong paghirapan ka bago ka mapunta sakin. Di ka magiging akin dahil nagipit ka sa sitwasyon. Magiging akin ka, dahil mahal mo ako Red." Bulong niya na malinaw kong narinig. Kumalas na din siya sa yakap.

"Attention to Ms. Red Montavilla, please go to office NOW."

Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko mula sa speaker na nakakalat dito sa school for important announcement. At di ko alam na importante na din pala ang pagtawag sakin papunta sa opisina ni Jacob.

Napairap na lang ako.

"Ginugulo na naman ata tayo ng asawa mo." Natatawang sabi ni Dars. Napangiti na lang ako. Nakakahawa talaga yung tawa at ngiti niya. Naiinlove na ako. Gosh.

"Asawa? I will not consider him as my serious husband not unless I am inlove with him." Pagtataray ko.

"Hatid na kita." Sabi ni Dars. Tumango na lang ako.

"Ms. Montavilla, move faster. Said principal." Narinig ko na naman ang speaker.

Good thing na wala naman masyadong nakakakilala sakin. Kasi ganito na ang bulungan nila..

"Sino bang Red Montavilla yan? Ang espesyal naman ata. Psh."

Nerd's SecretWhere stories live. Discover now